Chapter 5

11.9K 414 67
                                    

Karylle's POV

Busy ako sa pagtratrabaho sa computer ko nang mapalinga ako sa kinaroroonan ni Benjie. Busy din sya sa laptop nya. Nagreresearch siguro about sa mga syndicate. Hindi ko maiwasang eksaminin ang mukha nya. Kapag tinanggal mo ang pink lipstick nya at mahahabang false eyelashes, ang pogi ng lalaking 'to. Bakit kasi nagbakla 'to? Nasaktan ba sya sa mga babae nya noon? o inborn na ang pagiging bakla nya? Nagkagirlfriend na kaya sya? Bakit ang dami kong tanong? Hindi ko namamalayan na napapangiti na pala ako.

Sobrang tutok si Benjie sa pagtatrabaho sa laptop nya kaya naisipan kong istorbohin sya. Bigla akong naboring sa atmosphere eh.

"Psst! Bakla!" tawag ko pero hindi nya ako narinig.

"Huy! Benjie!" hindi padin nya ako nilingon. Naglukot ako ng papel at binato sakanya. Tinamaan sya sa noo.

"Aray! Ano ba yan?!" nakasimangot nyang sabi. Hahaha ang cute ng baklang 'to.

"Kuha mo ko ng kape!" utos ko.

"Bodyguard mo ko, hindi utusan!" pataray nyang sabi.

"Sige, ako nalang kukuha para sakin. Pero di ba bodyguard kita? So kailangan mo kong samahan. Baka may mangyaring masama sakin, sige ka." banta ko.

I'm a type of boss na hindi pala utos. Ayokong pati ang simpleng pagkuha ko ng kape ay iaasa ko pa sa sekretarya ko. Alam ko naman na pare-pareho kaming mga ginagawa kaya hindi ko sila iniistorbo sa mga simpleng bagay na ipapagawa ko. Mabait naman akong boss sa lahat ng empleyado ko, kay Benjie lang hindi. Wag nyo nang itanong kung bakit, hindi ko din alam ang sagot. Gustong gusto ko lang syang inaasar.

Nakita kong nakasimangot na sakin si Benjie. Tumayo sya sa harapan ko.

"Stay here. Ako nang kukuha ng kape mo. Ganun din naman pala." sabi nya bago lumabas ng office ko. Napangiti nanaman ako dahil nakasimangot nanaman si Benjie dahil sakin.

Maya maya pa ay nagring ang phone ko. Agad kong sinagot ito.

"Hello Sis!!!" si Anne lang pala.

"Hi Anne."

"Sis, guess who? Kung sino ang nakita ko ngayon dito sa mall." napakunot ang noo ko. Napakachismosa talaga nitong babaeng 'to.

"Sino?" tanong ko.

"Your ex-boyfriend Neil Perez." sabi nya. Narinig ko pa syang tumawa.

Bigla namang bumalik lahat ng sakit na dulot ni Neil sakin nang marinig ko ang pangalan nya. Tumagal ang relasyon namin ng tatlong taon, pero nabalewala lahat ng yun noong nagdesisyon syang makipaghiwalay sakin. I don't know the reason kaya sobrang sakit para sakin. At heto ako ngayon, 2 months nang nagmo-move on sakanya.

"Si Neil? A-Anong ginagawa nya dyan?" tanong ko.

"May kasama syang girl. I think, sya yung pinalit nya sayo." diretsahang sabi ni Anne. Nakaramdam ako ng kirot sa puso. Ang bilis naman nya akong palitan.

Hindi ko na hinintay pa ang susunod na sasabihin ni Anne. Pinatay ko na agad ang tawag. At muling nagflashback ang pinakamasakit na gabing nangyari sakin.

"Babe, anong ibig mong sabihin?" naluluha kong tanong.

Umaasa akong nagkamali lang ako ng pagkakarinig sa mga sinabi ni Neil sakin.

"I'm sorry Karylle. I have made my decision. Ayoko nang lokohin ang sarili ko. Ayoko nading saktan ka. I think, this is enough. Kailangan na nating maghiwalay." diretsahang sabi ni Neil. Tumayo ako at niyakap ko sya ng mahigpit.

"Don't do this to me Neil. I love you. I'm willing to do anything for you. Sabihin mo lang sakin. Ano ba ang nagawa kong mali?"

Tuluyan na akong humagulgol sa iyak habang nakayakap sakanya. Ininvite nya akong magdinner dahil may sasabihin daw sya sakin. Ako naman itong si excited, akala ko yayayain nya na akong magpakasal. Pero hindi. Makikipaghiwalay na sya sakin.

The Beki BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon