Chapter 10

9.6K 343 24
                                    

"Tumayo ka na nga sa kandungan ko... Tsupi! Karidi!" tila nandidiring taboy ni Benjie sabay tulak kay Alex. Napaupo naman sa sahig ang huli.

"Aray ko Benjie!.. Ikaw talagang gaga ka!" singhal naman ni Alex. Agad naman syang inalalayan patayo ni Benjie.

"Ay sorry Baby.. Napalakas yung tulak ko." natatawang paumanhin ni Benjie. Tinulungan nya ding magpagpag si Alex.

"Ikaw lang ang kaibigan kong mapanakit sakin... Barilin kita dyan eh!" pabirong banta ni Alex.

"Ayos lang yan.. Love mo naman ako, di ba Baby?"

"Yuck ka Benjie!.. Wag mo nga akong tawaging Baby!"

Binelatan lang ni Benjie si Alex bago pumasok sa loob ng mansyon para hanapin ang alaga nya. Anong oras na kasi at hindi nya pa ito nakikita sa paligid.

Pinuntahan nya si Karylle sa kwarto nito sa pagbabaka sakaling tulog pa ang alaga nya. Pagkapasok nya sa pintuan ay nagulat sya sa biglang pagsigaw ni Karylle.

"ARAY!!! ANG SAKIT!!! ARAY!!!"

Patakbong nilapitan ni Benjie ang alaga na tila namimilipit sa sakit.

"Karylle, anong nangyari sayo?.. Karylle!" nag-aalalang tanong ni Benjie.

Hindi sya sinagot ng dalaga at nagpatuloy lang ito sa pag-inda ng sakit nya. Pagulong gulong ito sa kama habang hawak ang tyan nya.

"A-Anong masakit sayo Karylle?.. Hoy bruha ka, sumagot ka!"

"OUCH!!! O-Okay lang a-ako Benjie.. W-Wag mo kong alalahanin... N-Nakakahiya sa girlfriend mo." nauutal na sabi ni Karylle.

Napakunot ang noo ni Benjie sa sinabi nito. Ngunit hindi nya muna ito pinansin. Ang mahalaga ngayon ay ang pag-inda ni Karylle. Hinawakan nya sa magkabilang braso si Karylle para pigilan ito sa paggulong.

"Tell me.. Ano bang masakit sayo?"

"Y-Yung tummy ko, masakit." nakapout na sabi ni Karylle.

"May sakit na nga, nagpapacute pa." sa sarili ni Benjie.

Umiwas ng tingin si Benjie sa mukha ni Karylle at agad na tumayo.

"Sa-Sandali, kukuha lang ako ng gamot---"

"No Benj... Mawawala din 'to mamaya.. Ganito lang talaga ako minsan kapag meron ako."

"Anong gusto mong gawin ko?"

"Kumanta ka." nangingiting sabi ni Karylle.

"Seryoso? Kaloka!"

"Just kidding... Sige, dun ka na sa girlfriend mo.. Baka hinahanap ka na nya.. Hayaan mo na ako dito kahit masakit yung tummy ko." parang batang sabi ni Karylle. Umayos sya ng higa at niyakap ang unan sa tabi nya.

Muli nanamang kumunot ang noo ni Benjie. Muli nyang nilapitan si Karylle. Naiilang nyang hinawakan sa tyan si Karylle. Nagulat naman ang huli.

"Masyado na bang malikot ang baby natin kaya sumasakit yang tyan mo?" seryosong sabi ni Benjie habang nakahawak sa tyan ni Karylle.

Nanlaki ang mata ni Karylle kaya napatawa ng malakas si Benjie.

"CHAROT!!! Ikaw naman, masyado kang seryoso.. Pinapatawa lang kita para mawala na yang sakit ng tyan mo." nakangiting bawi ni Benjie.

"Pwes, hindi nakakatawa yang joke mo Benjie... I don't imagine myself having a child from my gay bodyguard." sabay irap kay Benjie.

"Ang landi ng baklang 'to. May girlfriend na nga sya kaya hindi pwede." sa isip ni Karylle.

The Beki BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon