Chapter 9

10.5K 391 44
                                    

General POV

Inip na lumabas ng kwarto si Karylle. Papunta sya sa pool dala ang towel para magnight swimming. Napahinto sya sa bandang pintuan ng mansyon nang mapansin nyang may lalaking naliligo sa pool. Nakaboxer shorts lang ang lalaki at nakatalikod ito sakanya.

Wala sa loob na iniksamin ni Karylle ang kabuuan ng lalaking nakatalikod sakanya. Masasabi ni Karylle na perfect ang katawan ng lalaki kahit nakatalikod pa ito sakanya. Hindi nya namamalayan na napapalunok na pala sya.

"Hindi ko alam na may hot security guard pala dito sa mansyon." sa isip nya.

Pero laking gulat lang ni Karylle nang bahagyang humarap sa kanya ang lalaki.

Then she saw her gay bodyguard.

"No way! Benjie? I can't believe na may ganyan syang katawan. Hindi pwede 'to. I'm not attracted. Hindi ako attracted sa katawan ng baklang 'to."

"Hoy bruha! Baka pasukan ng langaw yang bibig mo. Pakisara nga."

Tila nagulat si Karylle nang magsalita si Benjie. Hindi kasi alam na nakatingin na pala ito sakanya. Nakaramdam pa si Karylle nang pamumula ng pisngi nang masilayan nya ang ngiti ni Benjie. Mabuti nalang medyo madilim sa pwesto nya kaya hindi kita ang pamumula ng pisngi nya.

"Ha?" tanging nasabi ni Karylle.

"Wala... Magsu-swimming ka ba? Tamang tama, tapos na ko." nakangiting sabi ni Benjie.

Parang may sariling utak naman ang mga paa ni Karylle na lumapit sa pool. Kada hakbang ng dalaga ay sya namang lakas ng kaba nya.

"Sige. Papasok na ko." paalam ni Benjie.

"Wag muna." wala sa loob na pigil ni Karylle. Napakagat labi nalang sya nang marealize ang sinabi nya. Tinignan lang sya ni Benjie.

"I-I mean.... Di mo ba ko sasamahang magswimming? B-Baka may biglang sumugod dito at barilin ako.. Walang magtatanggol sakin."

Lihim namang natawa si Benjie dahil sa sinabi ng alaga nya. Alam naman nyang safe si Karylle dahil napapaligiran ng mga security guards ang buong resthouse. Kaya imposibleng mangyari ang sinasabi nito.

"Karylle...."

"Bakit?"

"Magsu-swimming ka lang naman, bakit ang kapal ng blush on mo?" pabiro ni Benjie.

"H-Huh?.. Hindi ha!" tanggi ni Karylle sabay pout.

"Uy.. Nagba-blush si bruha.. Sabi ko na nga ba, may gusto ko sakin eh." pang-aasar ni Benjie sabay tawa ng malakas. Nakatikim naman sya ng hampas kay Karylle.

"Kilabutan ka nga Benjie!.. Mas babae ka pa nga sakin eh! Paano ako magkakagusto sayo?" nahihiyang sabi ni Karylle.

"Ikaw naman bruha.. Binibiro lang kita... Osya, mauna na ko sa loob." paalam ni Benjie sabay kindat sa dalaga.

Sinundan lang ng tingin ni Karylle si Benjie papasok ng mansyon. Hindi nya namamalayan na nakangiti na pala sya.

"Muntik ko nang makalimutan na bakla pala sya... I think, I'm starting to like Benjie.. Pero hindi pwede."

= = = =

Karylle's POV

"Gusto kong makipagkita sayo. Yung tayong dalawa lang. Ayusin natin 'tong relasyon natin. Bumalik ka na sakin. -Neil"

Agad kong binura ang text message ni Neil. Ilang araw na nya akong kinukulit na makipagkita sakanya. Hindi ko alam kung ano pa bang gusto nya. Nakita ko naman na masaya sila noong babae sa gasoline station.

The Beki BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon