Chapter 15

9K 366 35
                                    

Kasalukuyang nasa isang safehouse padin si Mr. Tatlonghari kasama nila Lucresia at ang buong team. Todo bantay ang mga ito ayon sa bilin ni Benjie. Naroon din si General Chua para gabayan sila Lucresia.

Nasa isang mini office si Mr. Tatlonghari kasama ang isang business partner at kaibigang matalik na si Mr. Robert Reyes.

Si Mr. Reyes ang pinakapinakakatiwalaan ni Mr. Tatlonghari pagdating sa kumpanya bukod kay Karylle. Ito din ang pansamantalang umaasikaso sa kumpanya habang nagtatago ang mag-ama.

"I'm glad na nariyan ka para pansamantalang mamahala sa kompanya namin, kumpadre." sabi ni Mr. Tatlonghari.

"Wala yun kumpadre. Para ano pa't magkumpare tayo kung hindi kita tutulungan di ba?... Besides, may maliit naman akong shares sa kumpanya." nakangiting sabi ni Mr. Reyes sabay inom sa kopita ng alak.

"Kumusta na pala ang inaanak ko?" tanong pa ni Mr. Reyes.

"She's safe.. Kasama nya si Colonel Santos kaya kampante akong hindi sya masasaktan ng sinoman."

"Good to hear that.. Alam mo namang parang anak nadin ang turing ko kay Ana Karylle.. Sayang nga eh, sana iarrange marriage nalang natin ang anak kong si Kyle at si Karylle.. Para nadin sa ikakalago ng kumpanya kapag nagsanib ang pamilya natin." pabirong sabi ni Mr. Reyes. Natawa naman si Mr. Tatlonghari.

"Kumpadre.. Hindi naman ako nangingialam sa lovelife ng anak ko noon pa man.. At alam naman natin na from the start, ayaw na ni Karylle sa anak mo."

"Oo nga pala.. Sayang talaga." nangingiting sabi ni Mr. Reyes. Nakangisi itong uminom ulit ng alak sa kopitang hawak nya.

= = = =

Karylle's POV

Kaya ko pa ba 'to? Sa tingin ko hindi na. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kanina at nasabi ko sakanya ang mga katagang yun.

Ayoko na syang maging bodyguard kasi mahal ko na sya. Ayaw ko na syang maging bodyguard kasi natatakot na ako para sakanya. Kapag nagpatuloy pa sya sa pagprotekta sakin, lagi lang malalagay sa peligro ang buhay nya. Kaya gusto ko syang palitan, para mawala nadin itong feelings ko para sakanya.

Pinunasan ko ang luha ko gamit ang unan na yakap yakap ko.

Sana may lakas ako ng loob para sabihin sakanya ang totoo. Para itanong sakanya kung posible bang magustuhan nya din ako. At para malaman ko kung ano ba talaga ako para sakanya.

= = = =

Benjie's POV

"I don't want you to be my bodyguard anymore."

Parang echong paulit ulit ko pading naririnig ang mga katagang yun. Ang sakit. Ang sakit sakit isipin na hindi nya talaga ako gusto.

Lord, bakit naman ganun? Ang tapang tapang kong sundalo pero bakit pagdating sakanya, ang banban ko?

Sana may lakas ako ng loob para sabihin sakanya ang totoo. Para itanong sakanya kung posible bang magustuhan nya din ako. At para malaman ko kung ano ba talaga ako para sakanya.

"I'm sorry Benj."

Napalingon ako sa likod nang marinig ko ang boses nya. Nakita ko si Karylle na nakatayo sa tapat ng pintuan malapit sakin. Naiilang akong ngumiti sakanya.

"Wag mo na isipin yun.. Kung ayaw mo na talaga, wala akong magagawa." mapait kong sabi. Nakita kong napalingon sya sa hawak ko.

"Umiinom ka?"

"Obvious ba?" walang reaksyon kong sagot.

Narinig ko ang pagbuntong hininga nya. Lumapit pa sya sakin at umupo sa tabi ko. Akmang iinumin ko ang alak na nasa hawak kong baso. Bigla nya itong inagaw at ininom. Medyo puno pa ang baso ko ngunit nagawa nyang ubusin iyon. Tahimik ko lang syang tinignan.

Matapos inumin ni Karylle ang alak ay tumingin sya sakin. Nagtama ang paningin namin at nakipagtitigan pa sakin.

"Benj, bakla ka na ba talaga?" nagulat pa ako sa tanong nya habang nakatitig parin sakin.

Dahil nadin siguro sa tama ng alak kaya hindi ko na nagawang lubayan ang titig nya. Nakipagtitigan nadin ako sakanya. Unti unti kong nilapit ang mukha ko kay Karylle. Huminto ako nang gahibla nalang ang lapit namin sa isa't isa.

"Oo bakla ako.. Pero kaya kong gawin ito." bulong ko bago ko nilapat ang labi ko sa labi nya. Naramdaman ko ang pagtugon ni Karylle sa halik ko.

Ako na ang unang pumutol sa halik. Habol hininga ko syang tinignan sa mata.

"Benj, b-bakit mo ko hinalikan? Gusto mo ba ako?.. M-Mahal mo ba ako?" halos paos na tanong ni Karylle. Napayuko ako. Hindi ko alam ang isasagot ko sakanya. Natatakot ako.

Muli ko syang tinignan.

"Mahal--- Mahalaga ka sakin." sagot ko. Hayy nabanban nanaman ako.

Nag-iwas sya ng tingin sakin. Narinig ko ang buntong hininga nya.

Umiling iling sya.

"Karylle..."

"Matutulog na ko." malamig nyang sabi bago sya pumasok sa bahay.

Napahilamos nalang ako sa mukha ko at natawa.

"Mabuhay ang mga banban!" natatawa kong sabi.

Nagulat pa ako nang biglang tumunog ang phone ko. May tumatawag.

"Hello General Chua?"

"Colonel Benjamin Santos, kailangan nyo nang lumuwas ni Karylle dito sa maynila.. Kailangan ka namin sa pag-iimbestiga.. Hindi ito kaya nila Agent Alex." maotoridad na sabi ni General Chua.

"O-Okay po General.. Bukas na bukas, luluwas na kami dyan."

"Good... Mag-iingat kayo Benjie.. Bye."

.

.

.
to be continued.....

Pasensya po..Mabilisang ud lang po para sa mga napangakuan ko. hehe.

Babawi ako next chapter ^__^

@kaiceVK14

The Beki BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon