Chapter 21

9.1K 386 35
                                    

Benjie's POV

Habang naglalakad ako kanina sa hallway ng safehouse ay napatingin ako sa medyo uwang na pintuan ng mini office ni Sir M. Nilapitan ko ito para isara ngunit may narinig akong nag-uusap sa loob kaya sumilip ako sa maliit na uwang ng pinto.

I saw Karylle and Sir M na nag-uusap.

Hindi ko napigilang makinig sa usapan nilang mag-ama. Sa takbo ng pag-uusap nila ay nalaman ko ang gustong mangyari ni Karylle.

Hindi pwede. Mahal ko si Karylle, pero mahal ko rin ang pagiging sundalo ko. Ito na ang naging buhay ko. Ang magligtas ng mga tao. Wag mong gawin 'to Karylle.

Hindi ko na pinatapos ang usapan nila at dumiretso na ako sa kwarto namin.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Magagalit ba ako o ano?

Hayyy, makaligo na nga lang para mahimasmasan.

= = = =

Kinabukasan ay pinasya kong wag muna dumikit kay Karylle. Ayoko kasing mapag-usapan yung narinig ko kagabe. Baka kapag sinabihan nya akong tumigil na sa pagsusundalo ay hindi ko alam ang isasagot ko.

"Benjie!" tawag ni Alex nang magkasalubong kami sa garden.

"Oh? Bakit?"

"Kanina pa kita hinahanap.. May bagong information si General Chua, mukhang may maitutulong ito sa kaso."

"Ganun ba?.. Tara sa sala."

Inakbayan ko si Alex habang patungo kami sa sala. Bigla pa naming nakasalubong si Karylle na papunta ng garden.

"Uy Mam Karylle.." si Alex.

Hindi kumibo si Karylle. Nakita kong dumako ang paningin nya sa kamay kong nakaakbay kay Alex bago ako tinignan sa mata.

"Baby Love.. Kanina pa kita hinahanap." payak nyang sabi.

"Ahm.. Mamaya nalang tayo mag-usap, Baby Boss.. Magtatrabaho muna kami ni Alex." sagot ko. Nakita kong kumunot ang noo nya.

"Pero---"

"Baby Boss, importante lang 'tong pag-uusapan namin.." putol ko sakanya.

Tumango tango si Karylle at pairap na tumalikod samin. Naglakad na sya patungo sa kwarto. Napabuntong hininga nalang ako.

Ayoko munang pag-usapan kung ano man yun, Karylle.

Pagdating namin sa sala ay agad nang binigay sakin ni Alex yung mga papeles na binigay ni General Chua.

"Nasan si Lucresia?" tanong ko.

"Tulog pa yata.. Nalasing kagabi kasi birthday ni Bobby." sagot ni Alex.

"Maggagabi na ha?... Tsaka hndi nyo man lang ako sinabihan!"

"Eh busy ka kay Baby Boss mo.. Ayaw na namin kayong istorbohin." sabi ni Alex sabay tingin ng makahulugan sakin.

"Tigilan mo ko Alex.. Walang ganung nangyayari ha." inis kong sabi. Tinawanan lang ako ni Alex.

"Osya, ano ba yang impormasyon na yan?"

"We found out na yung empleyado ni Mr. M na pinatalsik nya noon dahil nahuli nyang nagnanakaw sa kumpanya na si Ernesto Magna ay natagpuang patay pagkatapos nyang mawala sa trabaho." panimula ni Alex.

"Tapos?"

"Hindi sya basta namatay lang.. Sadya syang pinatay.. Itong empleyado na ito ay hiwalay sa asawa at may isang anak na lalaki.. Sa ngayon, hindi pa natatagpuan kung nasaan na ang anak nyang naulila sa magulang." paliwanag pa nya.

The Beki BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon