Chapter 4

11K 399 29
                                    

"Hello Lucresia?"

"Benjie!!! Nasan ka na?! Ano nang nangyari sayo? Buhay ka pa ba?!" hysterical na tanong ni Lucresia mula sa kabilang linya.

"Malamang, sasagutin ko ba tawag mo kung patay na ko?" pataray na sagot ni Benjie.

"Ay oo nga no?.. Kumusta? Nasan ka na ba?"

"Papasok na ko ng mansyon.. Si Karylle?"

"She's okay. Nakauwi naman sila ng safe ni Big Boy.. Pero lagi ka nyang tinatanong sakin." sagot ni Lucresia. Lihim namang napangiti si Benjie. "Concern din pala ang bruha." sa isip nya.

"Ganun ba.. Sige ibababa ko na 'tong tawag.. Nandito na ko sa pinto."

Pagbukas ng pintuan ng mansyon ni Benjie ay agad na napatayo sa sofa sila Karylle at Mr. Modesto.

Napakunot pa ang noo ni Karylle nang mapansin ang bahid ng dugo sa labi ni Benjie. "Shit! What happen to him?" sa sarili ni Karylle. Tinignan nya pa mula ulo hanggang paa si Benjie at napansin nya ding narumihan ang coat na suot nito.

"Thank god you're safe, Benjie! Nag-alala kami sayo." pag-aalala ni Mr. Modesto.

"Salamat po Mr. M, wag na po kayong mag-alala. Okay na po ako." nakangiting sagot ni Benjie bago lingunin si Karylle.

"Nasaktan na nga, nakuha pang ngumiti. Sya na matapang." sa isip ni Karylle.

"Nasan na yung lalaking nagtangka sa anak ko? Anong balita?" tanong ni Mr. Modesto.

"Nasa kamay na sya ng mga NBI sa ngayon. Kasalukuyan na syang iniimbestigahan pero mukhang wala syang balak magsalita sa amin. Pero wag po kayong mag-alala, safe na po kayo ng anak nyo." muling sinulyapan ni Benjie si Karylle na kanina pa tahimik.

"That's good Benjie, pagpasensyahan mo na din ang katigasan ng ulo ni Karylle."

"Wala po yun. Masasanay din po ako sakanya. Pero isa-suggest ko po sana na wag na muna syang lumabas sa gabi dahil masyado nang delikado. No nightlife muna." sabi ni Benjie habang nakatingin ng seryoso kay Karylle.

Napaawang ang bibig ni Karylle sa narinig nya. Galit nyang tinignan si Benjie. Aangal sana ito nang magsalita ang daddy nya.

"Sige. Kung yan ang makakabuti sa anak ko." pagpayag ni Mr. Modesto.

"What the!.. Dad, no!.. Anong gusto nyong gawin ko after work? Magkulong dito sa bahay? I need my nightlife, Dad." pagprotesta ni Karylle.

"Baby, pansamantala lang naman 'to. Babalik tayo sa normal kapag okay na ang lahat." si Mr. Modesto.

"Hindi ako papayag Dad. At sino ba yang baklang yan para sabihin kung anong dapat kong gawin? He's just my bodyguard!.. Tsaka Dad, hindi mo ba napapansin? Dahil sakanya, nag-aaway na tayo---"

"Stop it Ana Karylle! Dapat nga ay magpasalamat ka pa kay Benjie dahil niligtas ka nya kanina. Kung di dahil sakanya, wala ka na ngayon.. Bakit ka ba nagkakaganyan? Ang gusto lang naman namin ay ang kaligtasan mo. Ayokong mawala ka din sakin katulad ng Mama mo. Ikaw nalang ang natitira sakin kaya I'll do anything just to make you safe. Makipagcooperate ka nalang Ana Karylle." mahabang litanya ni Mr. Modesto.

Gigil na napatingin nalang si Karylle kay Benjie na ngayon ay nakangisi na sakanya. Nakuyom ni Karylle ang mga kamay at tila gusto na nitong sabunutan ang baklang bodyguard nya.

"Arrrggg! I hate you Bakla!" singhal ni Karylle bago nagwalkout paakyat sa kwarto nya.

= = = =

Benjie's POV

The Beki BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon