Chapter 3

13K 423 41
                                    

General POV

Bumaba ng dining area si Karylle wearing her office attire. Agad nyang nakita sila Benjie, Lucresia at and Daddy nya na nakaupo sa dining table.

"Goodmorning Baby. Tamang tama, sumabay ka na saming magbreakfast." yaya ni Mr. Modesto.

"Goodmorning Dad." bati ni Karylle sabay beso sa Daddy nya.

Pumwesto ng upo si Karylle sa harap ni Benjie. Nagkatinginan pa silang dalawa ngunit si Benjie ang unang umiwas. Napangisi si Karylle dahil halata kay Benjie ang pagkablush.

"Marunong din palang magblush 'tong baklang 'to? Siguro dahil sa nangyari kagabi. Lalaki padin talaga sya." sa isip ni Karylle.

"Goodmorning po Ma'am Karylle." bati ni Lucresia.

"Goodmorning din Luc." nakangiting bati din ni Karylle.

"Taray ng Luc! Parang ang sosyal ng pangalan ko. Bet ko yan Ma'am!" nakangiting sabi ni Lucresia.

Sunod nya tinignan ni Karylle si Benjie na nakayuko sa kinakain nito. Napataas sya ng kilay dahil hindi man lang sya binati ng binata. "Supladang bakla." sa isip nya. Mas lalo syang nainis kay Benjie dahil dito.

Pagkatapos nilang kumain ay nauna nang umalis si Lucresia at Mr. Modesto para pumunta sa 3King's Tower. May nakalimutan pa kasi si Karylle sa kwarto nya.

"Let's go." pataray na sabi ni Karylle nang makasakay na sya sa kotse.

Sumakay naman sa front seat si Benjie habang si Big Boy naman ang driver. Tahimik lang sila sa buong byahe. Si Benjie naman ay nakashades at pahikab hikab pa.

"Don't tell me, hindi ka nakatulog kagabe." biglang sabi ni Karylle. Napalingon naman sakanya si Benjie. Nasilayan nya ang pilyong ngiti sa labi ni Karylle.

"Uhm, may inayos lang akong data kaya medyo puyat ako." naiilang na sagot ni Benjie bago bumalik ang tingin sa daan.

"Kaloka 'tong bruhang 'to. May sademonyo yata ang katawan at hindi ako pinatulog kagabe. Hindi ko alam kung bakit nastock na sa utak ko yunh nakita ko kagabe. Nakikita ko naman dati si Lucresia na ganun, nasusuka pa nga ako. Pero bakit 'tong babaitang 'to, sobra ang epekto sakin?.. Hay nako Benjie! Bakla ka! Just focus in your mission! Wag sa kurba ng bruhang yan." napailing nalang si Benjie sa naisip.

"By the way, sinabi ba talaga ni Dad na sundan mo ko kahit saan ako pumunta?" tanong ni Karylle. Muli syang nilingon ni Benjie.

"Sa kasamaang palad, oo."

"Kahit sa cr?" muling tanong ni Karylle.

"Pwede ba? Wag kang magjoke, hindi bagay sayo. At kung seryoso ka man sa sagot mo, hindi ang sagot ko. Medyo OA na kung hanggang sa cr sundan pa kita. Baka gawin mo pa kong taga-hugas. Yuck!" pataray na sagot ni Benjie.

"Bakit ang taray mo?! Nagtatanong lang naman ha!" iritang sabi ni Karylle.

Umayos lang ng upo si Benjie at hindi na sumagot.

Mas lalo pang umiinit ang ulo ni Karylle kay Benjie dahil sa inaasal nito. Never sa buong buhay nya na may nagtaray sakanyang lalaki. Kadalasan kasi sa mga nakakasalamuha nyang boys ay prinsesa o dyosa ang turing sakanya ngunit iba si Benjie. Tila wala syang epekto dito kaya mas lalo syang naiinis.

"I hate having this gay and bossy bodyguard. Makikipagpalit na ko kay Daddy. Mukhang okay pa si Luc." sa isip nya.

= = = =

Pagpasok nila sa opisina ni Karylle ay agad nang umupo si Benjie sa couch at dumiretso naman si Karylle sa swivel chair nito.

"May gagawin ka bang iba bukod sa pagtitig sakin?" tanong ni Karylle.

The Beki BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon