Chapter 24

7.4K 373 43
                                    

General POV

"Benjie, anong plano mo ngayon?" tanong ni Alex kay Benjie na nakasubsob lang sa laptop nya.

Ngunit tila walang narinig si Benjie at focus padin sa pagsearch sa laptop kahit wala naman syang nakikitang lead. Nagtanong nadin kasi sya sa bar na pinuntahan ni Karylle tungkol sa cctv nito. Ngunit mukhang naunahan na sya ng mga sindikato kaya walang naipakita sakanya.

Nagulat pa sila Alex at Lucresia nang biglang hinagis ni Benjie ang laptop nya kaya nagkabasag basag ito. Tahimik nilang tinignan si Benjie na habol ang hininga at halos maiyak na sa galit.

"Benjie." si Alex.

"Nakakaasar! Nakakaasar na!.. Nasaan ba si Karylle?!!!" mangiyak ngiyak na sigaw ni Benjie.

"Benjie, kalma lang.. Baka magkasakit ka sa puso nyan." pag-aalalang sabi ni Alex sabay himas sa likod ni Benjie. Mas lalo namang humagulgol si Benjie.

"Sir Benjie!" napatingin ang lahat kay Bobby na nakadungaw sa pintuan ng kwarto.

"Ano yun Bobby?" tanong ni Alex.

"May nagbato ng sulat sa labas ng gate kanina.. Eto oh." sabi ni Bobby sabay abot ng sulat kay Benjie. Agad itong kinuha ng huli at binasa.

Para sa baklang bodyguard,

Hawak namin si Karylle. Kung gusto mo pa syang makita ng buhay, pumunta ka sa lumang warehouse ng mga Tatlonghari. Dalhin mo si Modesto Tatlonghari. Kayong dalawa lang at wag mong subukan magsama ng mga tauhan mo kung gusto mo pang makasama ang taong mahal mo.

Ge bye :)

Agad nilamukos ni Benjie ang sulat at binato sa kung saan.

"Benjie, sasama kami." sabi ni Lucresia.

"Hindi! Nabasa nyo din naman ang nasa sulat di ba? Ayokong may mangyaring masama kay Karylle!" galit na sabi ni Benjie. Natahimik naman si Lucresia at gayon din si Alex.

"Eh paano si Sir M?" tanong ni Alex.

"Alam ko na kung sino ang may pakana nito. May plano na ako." seryosong sabi ni Benjie sabay nakangising tumingin kila Alex at Lucresia.

= = = =

Humihikbing nakamukmok si Karylle sa kama sa kwartong pinagkukulungan nya ngayon. Bumiyahe sila kaninang madaling araw kasama si Neil. Hindi nya alam kung nasan na sila ngayon dahil nakapiring ang mata nya kanina.

"Benjie, where are you? Help me." umiiyak na bulong ni Karylle.

Nagulat si Karylle nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Neil mula dito.

"Walanghiya ka Neil! Pakawalan mo na ko!" sigaw ni Karylle. Ningisihan lang sya ni Neil habang papalapit ito sa kanya.

"Pakakawalan lang kita dito, kung pakakasalan mo ko." sabi ni Neil.

"Ako? Pakakasal sayo? Di ba ikaw na itong nang-iwan sakin noon? Ikaw itong nanakit sakin tapos gusto mong pakasalan pa kita?!" sumabat naman ni Karylle.

"Oo iniwan kita noon kasi hindi naman talaga kita mahal.. Gusto kong makasal ka sakin para mapasaamin  na ang kumpanya nyo pagkatapos kong patayin ang daddy mo." nakangising sabi ni Neil. Isang malutong na sampal naman ang binitawan ni Karylle sa pisngi ng binata.

"Fuck!" gulat at galit na singhal ni Neil dahil sa sampal ni Karylle.

"Wag na wag mong gagalawin ang dad ko! Mga mukha kayong pera!" singhal ni Karylle sabay dura sa mukha ni Neil.

Tila napikon naman ang binata kaya mabilis nyang hinawakan sa magkabilang braso si Karylle at hiniga sa kamang inuupuan nito.

"Palaban kang babae ka ha.. Yan ang mga gusto ko eh.. Sige nga, subukan natin yang tapang mo." galit na sabi ni Neil bago sinubsob ang mukha sa leeg ni Karylle at pinaghahalikan ito.

The Beki BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon