Chapter 20

9.8K 400 43
                                    

General POV

Magkahawak kamay na nagtungo sila Karylle at Benjie patungo sa dining area para mag-almusal.

"Mukhang may dapat akong malaman ngayong umaga ha. Goodmorning sainyo." nakangiting bati ni Mr. M habang nakatingin sa magkahawak na kamay nila Benjie at Karylle.

Medyo nailang naman si Benjie kaya binitawan nya ang kamay ni Karylle. Otomatikong napakunot ang noo ni Karylle at tinignan si Benjie. Ningitian lang sya ni Benjie ngunit hindi nagbago ang reaksyon ni Karylle. Kinuha ulit nito ang kamay ni Benjie at muling hinawakan.

"Karylle, nandyan yung dad mo." bulong ni Benjie.

"Ano naman kung nandyan si Dad?" bulong din ni Karylle.

"Nahihiya ako." sagot naman ni Benjie sabay yuko.

"Wag ka ngang mahiya kay Dad.. Sasabihin ko na sakanya na tayo na." nakangiting sabi ni Karylle.

"Hindi Karylle, ako dapat ang magsasabi kasi ako ang lalaki." alma ni Benjie.

"Kaya mo?.. Kung ganun, edi ikaw na." sabi ni Karylle. Napangiti naman si Benjie.

"Oh ano pang tinatayo-tayo nyo dyan?... Umupo na kayo para makakain na kayo." yaya ni Mr. M.

Hinila nalang ni Karylle si Benjie para umupo sa dining table. Hinila ni Benjie ang isang upuan para makaupo si Karylle.

"Thanks Benjie." bulong ni Karylle. Napakunot noo si Benjie.

"Ang unfair ng babaitang 'to. Tinatawag ko syang Baby Boss, tapos Benjie lang tawag sakin." protesta sa isip ni Benjie bago umupo sa kaharap na upuan ni Karylle.

"Benj, bakit nandyan ka?" tanong ni Karylle na parang wala si Mr. M sa tabi nila.

"Hah?"

"Dito ka nga sa tabi ko." inis na sabi ni Karylle. Napakamot naman sa ulo si Benjie at lumipat sa tabi ni Karylle.

Lingid sa kaalaman ng dalawa ay kanina pa nangingiti si Mr. M sa nakikita.

"You know Karylle and Benjie, natutuwa ako sa nakikita ko ngayon. I think, may naglevel up na sainyo. Tama ba ako?" nangingiting sabi ni Mr. M. Nagkatinginan naman sila Karylle at Benjie.

"You're right Dad.. Kami na po ni Benjie---"

"Karylle naman... Dapat ako yung magsasabi nyan, ako yung boy eh." sabat ni Benjie.

"Oh sorry Benj, naexcite lang ako." natatawang sabi ni Karylle.

"Pagpasensyahan mo na yang anak ko Benjie... Pero natutuwa ako dahil nangyari nadin ang pinakahihintay ko." sabi ni Mr. M.

"Dad naman.. Ano ka ba? Wala pa ngang nangyayari samin." napa-facepalm nalang si Benjie sa sinabi ng girlfriend.

"Karylle, hindi yun ang ibig sabihin ng Dad mo... Ang ibig nyang sabihin, matagal na nyang gusto na maging tayo." paglilinaw ni Benjie. Napatakip nalang sa bibig si Karylle.

"Now I know kung sino ang aggressive.. Anak ba talaga kita, Ana Karylle?.. Hindi naman ganyan ang mommy mo." pabirong sabi ni Mr. M sabay tawa.

"Dad naman eh..."

Napuno ng tawanan ang dining area habang nag-aalmusal ang tatlo. Kinuwento naman ni Benjie kay Mr. M kung paano naging sila ni Karylle habang kilig na kilig namang nakikinig ang huli.

Pagkatapos kumain ay nauna nang umalis ng dining area si Benjie para magtungo sa sala at sumali sa pagreresearch nila Alex at Lucresia.

"Guys, anong balita?" tanong ni Benjie sabay akbay kay Alex.

The Beki BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon