Chapter 19

11.4K 460 113
                                    

Nagising ng maaga si Karylle ngunit wala na sa kwarto si Benjie. Maayos ang higaan nito at walang bahid na may natulog dito kagabi. Nagtaka si Karylle kaya agad syang bumangon at lumabas ng kwarto.

Nakita nya si Mr. M sa sala na nagbabasa ng dyaryo habang nagkakape. Nilapitan nya ang ama at bumeso dito.

"Si Benjie?" tanong ni Karylle.

"Kagabi pa sila umalis. Kasama nya sila Lucresia at Agent Alex. Pupuntahan nila yung sinasabing headquarters ng mga sindikato. Hindi nya ba sinabi sayo?" sagot ni Mr. M.

"What?!.. Wala syang sinabi sakin kagabi.. Ang huli ko lang naalala ay pinatawag sya ni General Chua." gulat na sabi ni Karylle.

"I didn't know na hindi pala sya nagpaalam sayo, anak."

"But Dad, hindi ka dapat pumayag na sumama si Benjie!.. Wala akong kamalay-malay na nasa panganib pala sya ngayon." inis na sabi ni Karylle.

"Hija, I have no rights para pigilan sya.. Tsaka trabaho nya iyon at alam kong makakabalik sya ng ligtas." kampanteng sabi ni Mr. M. Inis na umupo si Karylle sa katapat na sofa ni Mr. M.

"You have rights Dad.. Gusto mo bang mabyuda agad ako?.. Hindi pa nga kami kinakasal ni Benjie!" iritang sabi ni Karylle. Natawa naman si Mr. M sa sinabi ng anak.

"So, you're inlove with Benjie?.. Sabi ko na nga ba eh.. Tama ang nararamdaman ko sainyo.. Anak nga kita." natatawang sabi ni Mr. M.

"Dad, hindi ako nakikipagbiruan.. Please, pauwiin mo na si Benjie!"

"How?"

"Gamitin mo yung phone mo.. Tawagan mo na sya.. Now na!" inis na utos ni Karylle sa ama.

"Wala akong load." tipid na sagot ni Mr. M.

"Seriously Dad?!.. May mamahalin kang kotse at magagarang bahay.. Tapos wala kang load?!.. Dad naman, nagjojoke ka ba?!" tinawanan lang ni Mr. M si Karylle. Tumayo na ito sa upuan at nilapag sa lamesa ang dyaryong hawak.

"Benjie will be back safe.. May tiwala ako sa mamanugangin ko.. Easy ka lang Ana Karylle." kampanteng sabi ni Mr. M bago iwan si Karylle sa sala.

Napapout nalang si Karylle at napasandal sa sofa. Maya maya pa ay nakita nya si Bobby na dumaan sa harapan nya na may hawak na kape.

"Pst Bobby!" tawag nya.

"Yes Mam Karylle?"

"Can I use your phone?  Nakay Benjie kasi yung phone ko." tumango naman si Bobby at nilabas ang cp nya sa bulsa at iniabot kay Karylle.

"Thanks Bobby."

= = = =

Benjie's POV

Kasalukuyan pa kaming nagmamanman ng mga team sa isang bakanteng warehouse.

Hindi na ako nagpaalam kagabi kay Karylle dahil natutulog na ang gaga pagbalik ko sa kwarto namin. At ayoko ding mag-alala pa sya sakin.

"Benjie, parang wala namang tao dito sa warehouse." bulong ni Lucresia sakin.

Nagtaka na din ako. Kanina pa kami dito pero parang wala yatang lumalabas mula sa warehouse.

"Agent Alex, cover me. Sisilip ako sa gate.. Kapag may lumabas na kalaban, alam mo na.. At kapag may narinig kayo na putukan, ibig sabihin nun----"

"New year na!" sabat ni Lucresia. Nasabunutan ko tuloy ng di oras.

"Gaga! Anong new year?!.. Ibig sabihin nun, sumunod na kayo sa loob." irita kong sabi.

Tumango sila Lucresia at Agent Alex. Agad na akong lumakad ng marahan patungo sa gate ng warehouse. Kinakabahan ako pero keri ko 'to.

Sobrang tahimik ng lugar at mukhang wala ngang tao sa loob. Tagumpay akong nakapasok ng gate. Nagtago muna ako sa poste at nakiramdam sa paligid. Maya maya pa ay....

The Beki BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon