Chapter 2

14K 443 27
                                    

"Papatinuin ko 'tong babaeng 'to." bulong ni Benjie.

"What did you say?" iritang tanong ni Karylle.

"Wala. Sabi ko ang ganda mo po Ma'am Karylle." sarkastikong sagot ni Benjie sabay irap. Gumanti naman ng irap si Karylle.

Tahimik na umupo sila Benjie at Lucresia sa harapan ng mag-amang Tatlonghari.

"Pagsensyahan nyo na si Karylle. Na-overwhelmed lang syang makilala kayo." sabi ni Mr. Tatlonghari. Nagkatinginan naman sila Benjie at Lucresia.

"Ibang klase palang ma-overwhelmed yung alaga mo Benj." bulong ni Lucresia. Natawa nalang din si Benjie.

"Mr. Tatlonghari, wag po kayong mag-alala. Papatunayan ko po sa maganda nyong anak na hindi po kayo magsisisi na ako ang na-assigned na bodyguard nya." nakangiting sabi ni Benjie. Tinitigan nya si Karylle na halatang nanggagalaiti na sakanya. Huminga ng malalim si Karylle bago muling nagsalita.

"But Dad, hindi ko alam kung sapat ba ang kakayahan ng baklang yan para ipagtanggol ako. I'm not putting my life to this gay bodyguard." iritang sabi ni Karylle. Napangisi naman si Benjie.

"I will prove to you na mali yang akala mo. Kapag ako ang nagtrabaho, ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko... And one more thing, oo bakla ako, pero hindi ako bakla lang." nakangising sabi ni Benjie.

Napasimangot nanaman si Karylle sakanya kaya natawa si Benjie.

"Hanggang kailan ba sila dito Dad?" iritang tanong ni Karylle.

"Hanggang sa masiguro na nating safe na tayo." tipid na sagot ni Mr. Tatlonghari.

"Inaayos na po namin ang lahat Mr. Tatlonghari. Tumutulong nadin po ang mga NBI sa pagkalap ng mga impormasyon tungkol sa sindikatong gustong pumatay sainyo." paliwanag ni Lucresia.

"Nagtataka lang po ako kasi 2 years na pala kayong nakakatanggap ng mga death threats pero bakit hindi padin nila kayo mapatay patay. I think, may iba pang pakay ang mga sindikato sainyo." sabi ni Benjie.

"Ms. Tatlonghari, wag ka na mag-alala. Hangga't ako ang kasama mo, safe ka.. I'll make you proud!" pabaklang dagdag ni Benjie. Inirapan lang naman sya ni Karylle.

= = = =

Benjie's POV

Sa wakas ay natapos na ang tarayan portion namin ng Karylle na 'to. Patungo na kami ngayon sa opisina ni Karylle. Oo Karylle lang. Yun nalang daw itawag ko kay Ms. Tatlonghari sabi ng daddy nya. Pumayag naman ako kahit sukang suka ako na banggitin ang pangalan nya.

Akmang papasok na sa opisina nya si Karylle ngunit pinigilan ko sya kaya kunot noo nya akong tinignan.

"What?!"

"Kailangan ko munang siguraduhing safe ang opisina mo." sabi ko.

"God! Pati ba naman opisina ko? Ako lang naman pumapasok dyan!" galit na sabi ni Karylle. Napailing nalang ako.

"Lucresia, sige na. Ikaw na bahala sa loob." utos ko.

Hinawakan ko sa kamay si Karylle para hindi na sya makasunod. Infairness, ang lambot ng kamay ng bruha.

"Bakit mo ko hinahawakan sa kamay? Crush mo ko no?!"

Napanganga ako sa sinabi ni Bruha. Aba't makapal pala ang pagmumukha nito. Agad ko syang binitawan.

"Hoy! Kilabutan ka nga sa sinasabi mo! Naku! Kung hindi ka lang anak ni Sir Modesto----- Hindi kita type!" gigil kong sabi.

"Really? Colonel Benjamin, you don't know me. Baka magising ka nalang isang araw, hinahanap hanap mo na ko." mayabang na sabi ni Karylle. Lumapit pa sya sakin ng konti at tinitigan ako.

The Beki BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon