Chapter 11

10.3K 369 81
                                    

General POV

Naglalakad na ngayon sila Benjie at Karylle patungo sa kwarto.

"Bakit kailangang sa kwarto mo pa? Ano ba yang sasabihin mo?" tanong ni Benjie.

Nilingon lang sya ni Karylle at pilyang ngumiti.

"Sabi ko na nga ba eh. May pagnanasa din sakin 'tong si Bruha." sa isip ni Benjie.

Naunang pumasok si Karylle at sumunod naman si Benjie. Nagulat pa ang baklang bodyguard nang ilock ni Karylle ang pinto.

"T-Teka, bakit mo nilock?"

"W-Wag ka ngang maingay Benj. Baka marinig tayo sa labas." pilyang sagoy ni Karylle.

Napaatras naman si Benjie nang unti unting lumalapit sakanya si Karylle.

"Benj..."

"Oh? B-Baket?"

Nang maabutan ni Karylle si Benjie na napaupo sa kama ay hinawakan nya ito sa magkabilang pisngi.

"Do you find me pretty?" tanong nya. Napakunot noo naman si Benjie na halatang kinakabahan sa inaasal ng alaga.

"Ha?"

"Sabi ko, maganda ba ako sa paningin mo?" nangingiting sabi ni Karylle.

"O-Oo."

"Kung lalaki ka ba, magkakagusto ka sakin?"

"May gusto na nga ako sayo ngayon eh." sa isip ni Benjie.

"Ha?.. O-Oo.. Si-Siguro.. Ay ewan!" naiilang na sagot ni Benjie.

Napangiti si Karylle at unti unting nilapit ang mukha kay Benjie at akmang hahalikan ito. At sa paglayo ni Benjie sa mukha ni Karylle ay napahiga na ito sa kama kaya nasa ibabaw nya na si Karylle.

"Te-Teka lang naman Karylle.. A-Ano ba yang ginagawa mo.. A-Akala ko ba mag-uusap lang tayo?" naiilang na sabi ni Benjie.

"Bakit? Nag-uusap naman tayo ha?" mapang-akit na sagot ni Karylle. Muli nanamang nilapit nito ang mukha sa baklang bodyguard.

"Aba ginoong maria, napupuno ka ng grasya. Ilayo mo po ako sa babaeng bruha. Baka ako po ay magkasala." sa isip ni Benjie.

Tumatagaktak na ang pawis ni Benjie dahil sa sobrang kaba sa ginagawa ni Karylle. Napapikit nalang si Benjie dahil sobrang lapit na ng mukha ng dalaga sakanya.

"Teka lang Karylle!" alma ni Benjie.

"Ano ba yun Benj?"

"Karylle.... Shy type ako... First time ko 'to eh." pabaklang sabi ni Benjie.

Dahil sa sinabi ni Benjie ay humagalpak sa tawa si Karylle. Umalis ito sa ibabaw ni Benjie at umupo sa gilid ng kama habang utas padin sa tawa.

"Seriously Benj? First time mo?.. Mahina pala yang girlfriend mo." natatawang sabi ni Karylle.

Umayos na ng upo si Benjie at kunot noong tinignan si Karylle.

"Girlfriend ko?"

"Oo.. Si Agent Alex di ba?"

This time, si Benjie naman ang natawa kaya nagtaka si Karylle.

"Si Alex? Girlfriend ko?.. Eh mas babae pa ko dun eh!" natatawang sabi ni Benjie.

"What?!.. Hindi mo girlfriend si Agent Alex?!" gulat na sabi ni Karylle.

"NO!.. Yuck!"

Tila napahiya naman si Karylle kaya napaayos ito ng upo at natahimik.

The Beki BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon