Chapter 12

9.7K 377 35
                                    

"KARYLLE!!!!"

Dahil sa takot ay napapikit nalang si Karylle. Ngunit natagpuan nalang nya ang sarili na nakakulong sa bisig ng isang lalaking kay lakas ng kabog ng dibdib.

Tiningala nya ang lalaki at napanganga nalang sya ng mapagtanto kung sino ito.

"Benjie."

Mahigpit padin ang pagkakayakap sakanya nito. Mabuti nalang ay nahila agad sya ni Benjie bago pa sya masagasaan ng kotseng puti.

"Bruha kang babae ka!.. Magpapakamatay ka ba?!" inis na sambit ni Benjie.

"Ha?" tanging nasabi ni Karylle. Shocked padin sya sa nangyari.

"Ang tigas naman ng ulo mo.. Sinabing wag kang lalabas ng resthouse eh!. Buti nalang pala nakasalubong ko sila Bobby." patuloy na sermon ni Benjie habang nakayakap padin kay Karylle at hinahaplos pa ang buhok nito.

"Benjie..."

"Hmmm?"

"Uhm Benjie... Hindi nga ako nasagasaan, pero parang mamamatay yata ako sa higpit ng yakap mo."

Agad napahiwalay si Benjie kay Karylle. Ramdam nya ang pag-akyat ng dugo nya sa pisngi.

"So-Sorry.. Nadala lang ako kasi muntik ka na dun." nahihiyang sabi ni Benjie. Napangiti naman si Karylle dahil halatang nagba-blush ang bodyguard nya.

"Thank you Benj!" muli nyang niyakap si Benjie.

"Niligtas mo nanaman ako."

Gulat na napayakap nalang ulit si Benjie.

Maya maya pa ay napansin ni Benjie na bumalik ang puting kotse na muntik nang makasagasa kay Karylle. Napakunot noo sya nang makitang may lalaking nakasilip sa bintana nito at may dalang baril. Paharurot itong patungo sa kanila.

Agad nyang hinila si Karylle para magtago sa puno hanggang sa paulanan na sila ng bala. Binunot ni Benjie ang dalawang baril nya at pinaputukan ang kotse. Patay ang lalaking nakasilip sa bintana.

Nakasandal si Karylle sa puno habang nasa harapan nya si Benjie na nakikipagbarilan sa mga lalaki sa puting kotse.

"OMG!!!" tili ni Karylle habang nakatakip ang kamay sa tenga.

May dumating pang tatlong kotseng puti na puno ng mga armadong lalaki.

Nagsilabasan nadin ang mga gwardya ng resthouse para makipagpalitan ng bala sa mga kalaban.

"Kailangan na nating tumakas, Karylle... Ayokong mapahamak ka." sambit ni Benjie.

Kumuha ng tyempo si Benjie para makatakbo sila ni Karylle. Delikado pa kapag bumalik sila sa loob ng resthouse.

Habang abala ang mga kalaban sa pakikipagbarilan sa mga gwardya ng resthouse ay tahimik na nakatakbo sila Benjie at Karylle.

May dalawang kalaban na nakapansin sakanila kaya sinundan sila. Muling napatago sa puno sila Benjie nang paputukan sila ng dalawang lalaki.

"No.. Hindi totoo 'to." pailing-iling na bulong ni Karylle.

"Anong sabi mo?" takang tanong ni Benjie.

"Benj, yung isang lalaking sumusunod satin.. Kilala ko sya." nagulat si Benjie sa sinabi ng alaga.

"Ha? Paano?"

"Yung isang lalaki, si Badong yun.. Isa sa bodyguards ni Neil!"

"Tangina! Sinasabi ko na nga ba eh!"

Muling pinaputukan ni Benjie ang dalawang lalaki. Nang magtago ang dalawang lalaki ay agad na tumakbo sila Benjie.

Sa pagtakbo nila Benjie ay nakarating sila sa mataong lugar kaya hirap na ang dalawang kalaban na hanapin sila. Pumasok sa isang grocery sila Benjie para magpalipas ng oras. Bumili ng mineral water si Benjie para ibigay kay Karylle.

Tahimik na nakasandal si Karylle sa gilid ng grocery.

"Karylle..."

"Benj, paano si Daddy? Baka may mangyaring masama sakanya." pag-aalalang tanong ni Karylle.

"Don't worry.. Alam kong hindi sya papabayaan nila Lucresia.. Kokontakin ko agad sila kapag nakarating na tayo sa pupuntahan natin."

"Saan?"

"Doon muna kita itatago kila Nanay sa probinsya.. Safe ka doon."

Nang masigurado ni Benjie na wala nang sumusunod sakanila ay lumabas na sila ng grocery at nagtungo sa malapit na istasyon ng bus.

= = = =

Kapansin pansin ang pananahimik ni Karylle habang nasa byahe kaya sinubukan ni Benjie na kausapin sya.

"Karylle..." tawag nya ngunit hindi sya pinansin nito.

"Huy Karylle.." wala pading imik ang dalaga.

"Bruha!" muling tawag ni Benjie. This time nakatutok na ang bibig nya sa tenga ng dalaga kaya natauhan ito sa pagkatulala.

"Ha? Ano yun Benj?"

"Ang lalim ng iniisip mo ha.. Si Neil ba yan? Wag mo nang isipin yun.. Mas pogi pa ko dun eh." pabirong sabi ni Benjie.

"Che!.. Ang yabang mong bakla ka." natawa naman si Benjie.

"Naks! Pinagtatanggol nya si Ex-Boyfriend." muli pang pang-aasar ni Benjie.

"Stop it Benj!.. Ano naman kung iniisip ko yung Ex ko?" asar na sabi ni Karylle.

"Yung Ex mo na iniwanan ka at niloko ka noon, na gusto ka pang ipapatay ngayon?" natatawang sabi ni Benjie.

"Gago ka ha!" halatang napipikon na si Karylle.

"Ako ba talaga yung gago Karylle?" tila naiinis nading sabi ni Benjie.

"Edi gago sya!... GAGO SI NEIL PEREZ!" wala sa loob na sigaw ni Karylle kaya napatingin lahat ng tao sa bus sakanya.

Nakaramdam ng hiya si Karylle kaya siniksik nya ang mukha nya sa braso ni Benjie.

"Oh ano?... Hiya hiya ka ngayon." natatawang bulong ni Benjie.

"Ikaw kasi eh." nakapout na sabi ni Karylle sabay hampas ng slight sa braso ni Benjie.

"Arouch!" sabay nalang natawa ang dalawa.

= = = =

Gabi na nang makarating sila Benjie sa bahay ng nanay at tatay nya sa La Union. Agad naman silang sinalubong ni Nanay Lilibeth.

"Benjie anak! Namiss kita!" galak na sabi ni Nanay Lilibeth sabay yakap kay Benjie.

"Namiss din kita Nay." humiwalay sa yakap si Nanay Lilibeth kaya napansin nya si Karylle sa likod ni Benjie.

"Ay, may kasama ka pala anak." napalingon si Benjie kay Karylle.

"Opo Nay.. Sa loob ng bahay ko na po sya ipapakilala sainyo."

"Osige.. Halina kayo, nandun na ang tatay mo." yaya ni Nanay Lilibeth.

Pagkapasok nila Benjie sa loob ng bahay ay nagmano sya sa tatay nya at bumeso kay Anjemin. Ang nakababata nyang kapatid.

"Oh Benjie.. Hindi mo ba kami ipapakilala sa napakagandang babaeng kasama mo?" sabi ni Tatay Ben.

"Uhm Nay, Tay... Si Karylle po pala----"

"Nililigawan mo?" nakangiting sabat ni Tatay Ben.

"Hindi ho---"

"Girlfriend mo kuya?!" sabat ni Anjemin.

"Hindi---"

Natigilan ang lahat nang biglang umiyak si Nanay Lilibeth.

"Mahal, bakit ka umiiyak?" tanong ni Tatay Ben.

"Eh kase.... Si Benjie.... Nagpakasal na pala, hindi man lang tayo inimbitahan... Anong klaseng anak ka Benjie!" naiiyak na sabi ni Nanay Lilibeth.

Natawa naman si Karylle at napakamot naman sa batok si Benjie.

"Nay naman eh!... Wag nga kayong OA... Alaga ko lang si Karylle! At bodyguard nya ako.. Yun lang!" paliwanag ni Benjie.

"Aahhh." sabay sabay na sabi nila Tatay Ben, Nanay Lilibeth at Anjemin.

.

.

.

to be continued.....







The Beki BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon