34th Chapter - MISPLACED TOO

347 7 1
                                    

A/N: dedicated sa aking kumareng Slowding. May guest character ako sa chapter na to galing sa story nya. I highly recommend her story to you guys! Its entitled Im Inlove With My Sister's Boyfriend :))

-Ma'joy's POV-

"Nais kong magpakalasing

Dahil wala ka naaaa

Nakatingin sa salamin

At nag-iisaaaa...!"

Pssh.. As usual. Everytime umuuwi si Daddy galing sa mga business trip ay nakaugalian na namin dito sa bahay maghanda kahit konti. At opo. Daddy ko nga ang kumakanta ng Beer by Sugarfree. Jusme, nakakabulahaw ng kapitbahay eh!

"Songbook o."

"Ayokong kumanta."

Umupo sa tabi ko si Erom.

"Bat parang bigla kang naging masungit simula nung bumalik tayo dito sa manila?"

Nagbukas ako ng panibagong bote ng tanduay ice red.

"Ako masungit? Bat naman mo naman nasabi yan?"

"I know you my dear couz. Nagsusungit ka kapag may dinadamdam ka."

"Lasing ka lang kaya mo nasasabi yan."

Erom smirks.

"Ako lasing?!"

"Sus. Wala namang lasing na umamin na lasing na siya. *beat* Maiba ko. Balita ko mahigit one week ka na raw hindi pumapasok?" i asked him dropping the first topic.

"Kanino mo naman yan nalaman?"

"Kay ate Lira. Ikaw ah. Pag pinagpatuloy mo pa yan isusumbong na kita kay mommy at kay Lola Fatima. Bat ka ba nagkakaganyan?" tanong ko kay Erom. Uminom ako ng t. ice at pagtingin ko sa kanya, ayun. Nagtatawag na ng uwak.

"Erom naman! Dyan ka pa nagkalat!" rinig kong sermon ni mommy nang makita niyang sumusuka si Erom.

"Iinom-inom hindi naman pala kaya. Manang paki-punasan nalang po para hindi umalingasaw. Salamat po."

HAYS.

"Ibuhos na ang beer sa aking lalamunaaaaan..

Upang malunod na ang puso kong nahihirapaaaaaan..

Bawat patak, anong sarap

Ano ba talagang mas gusto kooooo?

Ang beer na 'to o ang pag-ibig mo.."

Beer at pag-ibig. Parehong magkaibang bagay ngunit pilit na kinukumpara sa isa't isa.

Ang beer, iniinom. Ang pag-ibig dinadama.

Ang beer masarap kapag malamig. Ang pag-ibig nakakatamad kapag nanlalamig.

Ang beer, mapait sa unang tikim. Pero habang tumatagal lalong sumasarap. Ang pag-ibig, masarap sa umpisa. Pero habang tumatagal unti-unting pumapait.

Ganun pa man, meron silang isang bagay na ikinatulad.

Ang pag-iibigan ay parang pakikipag-inuman at ang pakikipag-inuman ay parang pag-iibigan.

Bakit?

Simple lang.

Dahil kahit gaano ka pa kasaya sa umpisa, magtatapos pa rin ito sa salitang HINDI KO NA KAYA.

Kinaumagahan hindi ako nakapasok dahil na-late ako ng gising. Okay lang rin naman hindi pumasok ngayon dahil, basta.. Okay lang yun ;)

Kinuha ko yung cellphone ko sa ilalim ng unan. Tsh.. 10:14am na pala. Meron din akong 1 new message.

Love Me M O R E 1&2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon