C7: Embrace your iniquity.

196K 3K 722
                                    


"Confession is always weakness.

The grave soul keeps its own secrets,

and takes its own punishment in silence."

 

(original quote by an American journalist, Dorothy Dix)

--------------------------------------------x

SAPPHIRE'S POV

 

"TEKA lang Sapphire!" Narinig ko ang boses ni Austin. Lumingon ako sa kanila na nakasimangot. Hindi ko maintindihan ang lahat. Sigurado akong patay na si Hanako. Kitang-kita ng mga mata ko. Sinabi na rin ng mga pulis at mga eksperto na patay na nga siya. Ngunit, anong tong mga nanyayari?

Ginagamit lang niya ang pangalan ni Hanako. Sigurado ako. Kung sino man siya, tinatakot lang niya kami. Gusto lang niya kaming lituhin. Napakagat ako ng labi dahil sa inis. Habang mas iniisip ko, mas lalong gumugulo.

"Ano bang gagawin mo? Mas lalala lang ang sitwasyon kung sasabihin mo kay Mr. Laketon!" sigaw sa akin ng isa sa kanila. Tumingin ako nang masama sa nagsalita. Sino siya para diktahan ako?

"Bakit? Kapag ba hindi ko sinabi, hindi lalala? Tanga ka ba?" Pumameywang ako habang lumalapit sa kanya at tinitigan siya mula ulo hanggang sa paa. "Dalawa na ang namamatay. Sa tingin mo, ganun lang yon? Sa tingin mo, kaya ng klase natin? "

Napayuko siya. Umirap na lang ako at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Naramdaman ko ang isang mabigat na kamay sa braso ko. 

Si Cyrus.

Napatingin ako sa kanya. Pipigilan din ba niya ako?

"Sasamahan kita." Ang sabi niya. Kusang pumorma sa mga labi ko ang isang matamis na ngiti. Naglakad kami papunta sa kabilang building. Nang nakatapat na kami sa pintuan ng opisina ni Mr. Laketon, kumatok ako ng tatlong beses. Ilang minuto bago may nagbukas ng pintuan.

"Blake?" pagbanggit ko sa pangalan niya. Sumenyas siya sa amin upang tumuloy kami sa loob ng opisina. Nanatili siyang nakatayo at nakangiti sa amin. Hindi pa rin siya nagbabago. Mukha pa rin siyang gago sa paningin ko.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya.

"Anong ginagawa mo sa opisina ni Mr. Laketon?"

"May pinapaasikaso sa akin si Mr. Laketon, nagkataon na nandito ang pinapahanap niya." Napakunot ang noo ko. Hindi ako dapat mag-alinlangan  nang ganito. "Kayo, bakit kayo nandito?" Muli kong naalala ang sadya ko. Tumingin ako kay Cyrus, umiling siya. Mukhang alam ko na ang pinaparating niya.

"Wala. Si Mr. Laketon lang ang dapat makaalam ng mga sasabihin namin. Sabihan mo na lang ako kapag nandito na siya." Tumalikod na kami ni Cyrus at handa nang lumabas sa loob ng opisina nang biglang nagsalita si Blake.

"Hindi ka pa rin nagbabago Sapphire." Mahina niyang sinabi. Napalingon ako sa kanya. Hindi siya nakatingin sa akin bagkus ay nakatuon ang pansin niya sa isang libro. Sinara niya ito at may kinuhang litrato sa pagitan ng mga pahina. "Masyado ka pa ring padalos-dalos." Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay saka siya tumingin sa akin. Nakakainis talaga ang taong ito. Akala mo kung sinong napakatalino para pangaralan ang lahat. Pero nasanay na ko sa kanya... sanay na sanay na.

Class 3-C Has A Secret 2 | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon