Chapter 6 : Ligaw

295K 7.8K 914
                                    

Chapter 6 : Ligaw

--

"hoy ate! bakit ayaw mo kumain? ayaw mo ba ng food? MAMA OH!" Luh? baliw tuli na at lahat isip bata pa din tong si miguel. Tuliin ko kaya ulit to? hehe de joke lang.

"ha? hindi ah!"

"eh anak bakit naman hindi ka kumakain? ang dami ko pa namang niluto? mag tatampo na ko nyan.." hala! nag pout si mama! hindi bagay -___-

"MAMA naman! hindi po yun!"

"ah alam ko na! miss mo na siguro luto ni kuya miggy nuh?" sasapakin ko na to eh, ipa alala ba? hindi naman yun eh.

"MIGUEL! kumain ka na nga lang.." ang sama ng tingin ni mama kay miguel.

"hay nako! diet kasi yan si princess.. paano sasali ba naman sa beauty contest!" sabat ni kuya ace, bigla bigla sumisingit sa usapan eh.

"TALAGA?" sabay pa sila mama at miguel. Parang nagulat pa yung dalawa. Ang sama huhu hindi ba ko qualify sumali sa beauty contest? cute naman ako ah >.<

"ano ba yan? unbelievalble? hayss.."

"hindi naman anak, kasi naman.. isang taon ka din nag mumukmok eh.." waaaa ganun na ba talaga ako ka emo? wawa naman ako. Eh hindi na ngayon! buahaha! naka move-on na ko nuh!

"tama ba narinig ko? sasali ka sa beauty contest anak? bakit hindi mo sinabi samin?" biglang pasok naman ni papa.

"eh kasi po.. may ISA dyan na epal eh! inunahan ako! tsk tsk.."

"haha! sorry naman! akala ko nasabi mo na eh.." tss alam naman niya yun kung nasabi ko na oh hindi eh, malamang mag kasama lang naman kami sa iisang bahay! hmppf!

"yun na nga po, mama papa at miguel, sasali po ko sa Mr. and Ms. Fine Arts and Design ng school.."

"wow okey yun ah! full support kami dyan!" kulit talaga ni papa.

*DING DONG*

"ako na.." sino kaya bisita namin? baka buysita? haha "tin may bisita ka!" Luh? wala naman sinabi sakin sila apple at sarah na pupunta dito. Sino kaya yan?

"Good morning po.." yung boses na yun?

"DANTE?!" bat siya andito -____-

"Hi pogi! kumain ka na ba? bakit napadalaw ka naman?" Si mama talaga, pogi na naman tawag kay dante, nakakahiya >.<

"Eh kasi po birthday po ni ate, pinapasundo po sana si tin.. okey lang po ba?" ngiti ngiti pa siya, tss dapat nag text na lang siya eh >__< kasi naman ayoko siya dito! waaaa ang sama ko, eh kasi naman inaasar nila ko kay dante eh. Parang tanga kasi nakita lang na hinatid ako nung isang araw T__T nahihiya tuloy aketch.

"Oo naman! wala naman kaming gagawin eh, sige na anak mag bihis ka na.." tignan mo to si papa, isa din eh! pasaway! boto din sa kalokohan nila mama. Tsk

"Opo papa.." tumayo na ko agad, mag bibihis na lang ako agad para maka alis na kami ni dante, nako! i hohot sit na naman nila si dante, parang tanga lang eh, hindi naman nanliligaw sakin yan eh.

"Bat kasi nahihiya ako?" baliw na ko -___- kausapin ba naman mag isa yung sarili? eto ba epekto ni dante? waaaaaaaa! bat ba kasi ganito ako? bigla akong na conscious takte naman hindi ako ganito dati eh, nung inasar lang nila ko. Huhuhu! kaka inis naman, alam mo yung feeling na ni lilink ka sa close friend mo? ehhh >.<

"Anak ang tagal mo naman!" sabi ko bibilisan ko eh, huhu ano ba nasa utak ko?

"andyan na po mama!" Pag kababa ko nakita ko si dante kausap si kuya ace, pinag uusapan nila? Baka sa Dota na naman yun. "Dante tara na.."

Totally in love with a Dota player (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon