Chapter 8: The guys

8.1K 196 11
                                    

CJ'S POV:

DEEP within my heart, I truly missed Mimay. It is true that she was my first kiss but it's nothing to me. It was a childish thing to do way back then.

I graduated Education sa Davao. I have passion in teaching that's why. I don't have plans to get serious in love but Nico came my way and the rest is history. I felt happiness with pain, hope with disappointments, faith and betrayal.

Now I am here, in Manila, new place, new environment, not so new people but well at least I know I am welcome.

Alam kong naninibago pa si Mimay sa presensiya ko, and I will do my very best para makuha muli ang loob niya. Sila ni Ate Cha, Ate Tammy ang pamilya ko sa ngayon. Sana'y ako sa mga bata, sanay ako mag-handle ng mga tantrums. Well I hope makayanan ko si Mimay.

Pumunta ako sa kusina to recheck yung food na ihahain ko. Matapos 'yon ay umakyat akong muli para makapag-relax. Galing ako sa isang University kung saan magrerelieve ako as summer teacher. Nirerefer ito sa 'kin ng best friend ni Nico na napunta rin sa Maynila. Ayoko sanang tanggapin dahil anything related to Nico ay ayaw ko ng mainvolve. Pero kailangan ko ng dagdag budget habang nag-aantay ng tawag sa isa ko pang trabaho.

Sa kuwarto na ni Ate Tam ako naglalagi. Naayos at nailipat ko na lahat ng aking gamit. Mauuna ang room ni Mimay. Pag-daan ko ay naka-awang ng kaunti ang pinto. Kakatok sana ako at papasok ngunit natigilan ako ng bigla ko siyang makitang maghubad ng suot niyang pants.

Mimay possesses a pair of killer legs. She may not be aware of it pero sexy ito sa mata ng mga lalaki. Sinunod niyang hubarin ang kanyang light yellow na polo shirt. Humarap siya sa salamin at umikot ikot na parang sinisipat ang kanyang kabuuan. First time kong makakita ng isang babaeng naka bra at panty lang. Kahit kami ni Ate Charmie ay hindi ladlad magbihis sa harap ng bawat isa.

May init na gumapang sa aking puso at napapitlag ako. Weird pero first time ko itong maramdaman. Hindi ko pinansin ang kakaibang damdaming umibabaw sa akin. Puno ng aliw ang aking mata sa ginagawa ni Mimay. Umikot siya at tiningnan ang repleksiyon sa salamin. Umarte siyang naiinis at sumigaw ng "Ahhh baby fats!!!!" habang kurot kurot niya ang tagiliran niya.

How childish but I found her cute. Maya maya'y sinunod pag-diskitahan ang isang nanahimik na pimple sa gilid ng kanyang ilong. Pinindut-pindot niya ito at ngumiwi.
"Nag-eskinol naman ako, ha? Hmp! Kainis ka!"

Matapos 'yon ay tinaas niya ang kaliwang kamay niya at sinipat muli sa salamin ang kili-kili naman niya.
"Hmmmm...ambango kaya!" Natatawa akong patuloy siyang pinag-mamasdan. Haaay Mimay! Iba ka talagang bata ka.

Maya-maya'y nagring ang cellphone niya. "Hello! Billy!..... Talaga? Pasok ako?!" narinig kong sabi niya at abot hanggang tainga ang kanyang ngiti. Nagtatalon siya sa tuwa at panay ang "Yey!!!!" Napailing akong ngumingiti at lumakad na papunta sa silid ko.

Hindi ako makatulog, nagfa-flash sa 'kin ang image ni Mimay. Pagtingin ko sa relo ko ay alas otso na pala ng gabi. Eight thirty ang usapan namin ni Rem. Ipapasyal daw niya ako tonight. Wala namang masama kung nakikipag-kaibigan 'yung tao, isip ko.

Dagli akong nagshower at nagbihis. Wala pa naman siyang follow-up text kaya matapos akong mag-ayos ng sarili ay naisipan kong katokin si Mimay. I opened the door at naabutan ko siyang nag-sasayaw ng sexy habang may nakapasak na earphone sa tainga niya. Unpredicatable talaga itong batang 'to.

"Mims....," mahinang tawag ko sa kanya. Malakas siguro ang tugtog kaya't hindi ako naririnig. Pag-lapit ko ay kinalabit ko siya. "Huy!"
"Ay kabayong malande!" Napaigtad siya sa gulat.
'''Nagawa mo? Para kang nasasapian d'yan?" kunot-noo kong tanong.
"W-wala...wala!" sagot niya sabay tanggal ng earphone at nilapag sa kama ang cellphone. "Masaya lang ako."
"Masaya? Bakit naman?" Bago sumagot ay ngumiti siya at excited na excited, kasunod ay isang matinis na tili.
"Eeeiiii....," sabay yakap sa 'kin ng mahigpit. Hindi ko maintindihan kumbakit nakaramdam ako ng pagka-ilang sa yakap niyang 'yun. Hindi ko pinansin ang feelings ko. Kumalas ako agad.
"Eh kase.... ako na papalit kay Maycelle."
"Sino si Maycelle, aber?" tanong ko sabay upo sa dulo ng kama niya.
"Naconfirm kasi na buntis siya kaya di na siya makakasayaw. May dance contest kasi kaming sinalihan ni Billy, kaklase ko, ang kaso second choice lang ako. Now it happened, it's meant to be mine, yuhoooo!!!" at tumalon siyang bigla sa kama, at tinaas-baba ang dalawang paa sa ere.
"Tuwang tuwa ka sa galak, ha!"
"Natural, dream come true 'yun, dirty dancing."
"Wow! Dream ko rin 'yun ah! Sali ako!"
"Di puwede gurang do'n! Mababalian ng buto!"
"Oh siya, siya, bumangon ka na at mag-dinner."
"Hindi tayo sabay?" may bakas ng lungkot bigla sa boses niya. Para namang hinaplos ang puso ko. How can I resist such a sweet voice?
"M-may lakad ako,eh." Hindi siya sumagot ng ilang segundo at ngumiwi.
"Si Rem no?"
"Yes. Why?"
"Wag..."
"Ha? Bakit?"
"I mean..wag ka ng umalis. Samahan mo na lang ako tonight. Puwede ba?"
"Hmmmm, okay. I will cancel the date." Pinitik ko ang dulo ng ilong niya. "Dito lang ako.... pero sa isang kondisyon?"
"Ano?"
"No more sungets, no more shouting, no more tantrums, no more being pasaway?"
"Whoooshh....Isa ba 'yon? Apat 'yun ah!"
"Basta, binilin ka sa 'kin ni Ate Tam, kaya susunod ka sa 'kin."
"Okey....okey po Ma'aaaammmmm....."

Minsan Kitang Inibig (Gxg Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon