💡 OPERATION: SAVE THEM 3.17

302 4 0
                                    

ALARA'S POV

"Uy.. blooming ka ah.." bungad agad sa akin ni Lorin pagkapasok ko sa bahay nila.

"Shh!" Panunuway ko. "Kakahiya ka umagang umaga. Oh eto.." iniabot ko sakanya ang dala naming fruits.

"Gaga! Sabi ko lang naman blooming ka ah." Pangaasar pa neto.

"Wag ka nga maingay!" pabulong kong sabi. "Marinig ka pa nila diyan."

"Hoy umamin ka nga, may nangyari ba?" Pinandilatan niya ako at humawak sa braso ko. "Umamin ka."

"Wala!" Mabilis kong sagot at naramdaman ang biglang pagiinit ng pisngi.

"Hoy bruha ka!" Napatakip siya ng bibig. "Meron nga!"

"Shhh!!" Panunuway ko muli. "Wag ka nga kase maingay!"

Nagpipigil pa etong tumili dahil sa tuwa. "Thank you lord! Thank you! The world is healing!"

"OA mo." Singhal ko as I rolled my eyes. "Tara na nga, andun na sila sa dining oh.."

"Yieee!!" Niyakap ako neto at humawak sa braso habang naglalakad patungo sa dining.

"We can hear you, you know?" Natatawang sabi ni Luke

"Asawa mo bunganga parang nagaannounce sa baranggay." Pairap kong sabi at umupo sa tabi ni Huey.

Panay kwentuhan namin habang kumain ng breakfast habang ang mga bata ay naglaro na sa living area matapos nilang magmadaling kumain.

"I think this calls for a celebration?" Nakangiting sabi ni Luke na agad tinapunan ko ng masamang tingin.

Alam ko na to.

"What for?" Curious na tanong ni Huey.

"Because in the longest time.. I finally saw you together.. again." Madamdamin netong sabi, walang halong pagbibiro sa tono.

Sa ngiti nilang dalawa ni Lorin ay bakat ang tuwa.

Binalingan ako ni Huey ng ngiti baga ma't nalilito din. Marahil wala naman talaga siyang matandaan at di alam kung bakit ganito nalang ka emosyonal ang mga kaibigan namin na makita kaming ganito.

Wala sa sariling napa tango ako. "Okay.. next week, maybe?" Sagot ko.

Mas lumawak ang ngiti nila.

"Everybody will be so happy!" Excited na sabi ni Lorin.

Pinuno namin ang umaga ng kwentuhan at tawanan. Napakagaan sa puso.. halos makalimutan ko na ang realidad. Sana nga ganito nalang lagi..

Nagung routine na namin ang kumain ng breakfast as a family. Maaga nagigising si Huey para magluto ng breakfast para sa amin ni Zayden. Hindi ko na muna siya pinapapasok sa trabaho dahil hindi pa siya nakakarecover fully. Habang ako ay sa mga sumunod na araw ay kinailangan na ding pumasok dahil natatambakan na ako ng trabaho. Si Huey ang nag hahatid sundo sa amin ni Zayden papuntang office at school.

Sa dinner ay ako naman ang nagluluto, kahit na pagod I take time to serve my boys. Madalas nagtutulong kami ni Heuy na turuan si Zayden sa assignments niya pero madalas after dinner, nakakatulog na ako sa pagod kaya si Heuy nalang ang nagaasikaso sa anak namin.

Nakasanayan na din ni Heuy ang schedule ni Zayden ng tasks niya, namamangha parin siya everytime naalala na na adapt ko na ang pagiging organized niya. Dati rati daw kase ay kailangan niya pa akong iremind para lang gawin ko. Sabi ko nga sakanya, since we had Zayden, everything has changed.

Napabuntong hininga ako habang tinatanaw ang mag ama kong magkayakap at nakatulog na. Late na ako nakauwi ngayon dahil nag overtime ako.

Naputol ang pagtatanaw ko sa aking mag ama dahil sa pag vibrate ng phone ko, sunod sunod eto kaya alam kong tawag. Agad rumehistro ang pangalan ni Lucas.

HUEY & ALARA Where stories live. Discover now