💡 OPERATION: SAVE THEM 3.4

244 5 1
                                    

ALARA'S POV

"Kaya mo ba talaga? I can carry you again if you want?" Nagaalalang tanong ni Huey habang inaalalayan ako palabas.

"No.." umiling ako. Bagama't nahihirapan, I tried hard to walk. Baka pa may maka kita sa amin dito kung magpabuhat pa ako.

He just kept looking at me habang naglalakad kami. Bakat sa mukha ang pagaalala na parang siya din ay nahihirapan dahil sa paglalakad ko.

Pareho kaming di naka tingin sa harap namin kaya nagulat nalang kaming dalawa nung biglang may nagsalita.

"Ela." Hindi galit, pero buo ang tono netong sumambit.

"Lucas.." i looked around. "Asan si Zayden?" Pagtataka ko.

"I was calling and texting you.." sambit niya, pero kunot noong naka tingin kay Huey. "Out of coverage ka. Malalate ako sa meeting kaya iniwan ko si Zayden sa Mommy mo.."

"Oh?" Sarkastikong napasabat si Huey. Kaya kabadong napa angat ako ng tingin sakanya. "Ba't ka andito?" Muling tanong neto.

Iniwas ni Lucas ang tingin niya kay Huey at binaling sa akin. "Nagaalala ako sa'yo kaya pumunta ako. You always pick up your phone when I call kaya naisip kong baka may nangyaring masama sayo." Bumuntong hininga siya at napatitig sa kamay ni Huey na nakaalalay sa braso ko. "Pero mukha nga.." matunog netong sabi sabay tumingin kay Huey

"Lucas.." panunuway ko.

"Ano ba kase nangyari sa'yo?" kunot noong tanong niya.

"Ba't ba ang dami mong tanong?" Sabat muli ni Huey, naiinis.

Kinawala ko ang braso sa pagkahawak kay Huey at nagayos ng damit.

"Oh teka.. di mo pa kaya.." pag pigil niya sa akin.

Napa tingin ako sakanya at pinanglakihan ng mata. "Hue." Mariin kong sabi, halos pahulong. "Kaya ko, okay? We'll talk next time.." bulong ko muli.

"Pero.."

"Next time." pagpigil ko sakanya, nakangiti.

Napabuntong hininga nalang siya at nangiwas ng tingin sa akin.

"Lucas? Can you help me?" i stretched mg hand towards him.

Agad naman siyang umalalay hanggang sa makarating ako sa tabi niya.

"Thanks Hue." Nilingon ko si Huey, nakangiti.

Parang bata si Hue na inagawan ng lollipop tapos hindi maka palag. That's how he looks.

Pilit niya nalang akong nginitian. "Always.."

I have him a smile bago tuluyang tumalikod at maglakad papalayo.

I just can't give in now. I'm sorry.. pero kailangan ko muna kausapin si Zayden.

Tahimik si Lucas habang nagmamaneho papunta sa bahay nila Mommy.

"Okay kalang ba?" sumilip ako sa seryoso niyang mukha.

"What kind of question is that Alara?" walang emosyong sagot niya.

Yikes. Mukhang galit pa nga.

"May nagawa ba ako?" patay malisya kong tanong.

"Wala naman." He sighed. "I just don't get why.." Bumuntong hininga siya at pinutol ang sinabi.

"You don't get what Lucas?" pagklaklaro ko.

"Wala.." pilit siyang ngumiti.

"Nasabi mo na eh. Ituloy mo na.." pangungulit ko.

HUEY & ALARA Where stories live. Discover now