💭 REMINDERS OF HUE 2.1

314 8 0
                                    

HUEY'S POV

Nung mawala na sa paningin ko si Alara ay nakangiti na akong pumihit patalikod.

Agad akong natigilan nung makangga ako.

"Ay sorry po." Agad na pinulot ko ang mga nalaglag na gamit neto. "Sorry di ko kase nakita dinadaanan ko—." Natigilan ako when I saw the name from one of the notebooks I was picking up.

"Hue.." pagtawag niya sa akin.

Agad akong tumayo at iniabot ang gamit niya sakanya. Kaswal pa akong ngumit at nagpagpag ng kamay.

"It's nice to see you again Hue.." malumanay niyang sinabi. "It's been a long time since I last saw you sa condo—."

"Nice seeing you too, Sandrine." Pagputol ko sa kung ano pa ang sasabihin niya.

"Anyways, I'd like to catch up maybe over coffee or something?" Naka ngiti niyang tanong.

Napakamot ako ng batok. "May pasok kase ako." Pilit kong ngiti.

"Ah ganun ba? Next time nalang siguro.."

"Yeah, sure."

"Okay.." she sighed. "It was nice seeing to again." She tapped my shoulders before walking pass by me.

Di ko na siya nilingon at sinundan ng tingin.

"Love.."

Halos mapatalon ako sa gulat.

"Sino yun?" habang kaswal na iniabot sakin ang libro ko.

"A friend.." i smiled.

Nagtataka parin siyang tumitig sakin. "Anyways.. naiwan mo book mo, nakalimutan kong iabot kanina."

"T-thanks Love.." napakamot ako ng noo.

"You're welcome ig?"

We awkwardly stared at each other for seconds.

"Malalate na ako. I'll just see you later." Pilit siyang ngumiti at tinalikuran na ako.

What the fuck Huey? What was that?!

Agad kong hinabol si Alara.

"Love.." pagpigil ko.

She just plainly looked at me.

"Hmm?"

"Ano.." utal kong nasabi.

"Ano?"

"Wala." Napabitiw ako ng hawak sakanya, nahiya bigla.

"Alright."

Bobo mo Huey.

"Pwede na ba ako umakyat? O magtititigan lang tayo magdamag dito?" She said in the coldest way possible.

"Love?" Gulat kong nasabi.

"Hay nako Huey." Inis niya akong tinalikuran at mabilis na umakyat.

Ayan. Bobo ko ka kase Huey. Ang bobo mo.

HUEY & ALARA Where stories live. Discover now