💡 OPERATION: SAVE THEM 3.1

249 5 0
                                    

HUEY'S POV

Йой! Нажаль, це зображення не відповідає нашим правилам. Щоб продовжити публікацію, будь ласка, видаліть його або завантажте інше.

HUEY'S POV

"You're hurt love.." i sighed. "You have a sprain..." as I checked her ankle.

"Okay lang ako. Wag mo akong tawaging love. Di kita ka ano ano.." nagiwas siya ng tingin.

Napahinga ako ng malalim. She's just mad at that's why nasasabi niya to sakin. I completely understand.

"Magasawa parin tayo.." i sighed. "We need to put cold compress on this one once we leave, okay?" Pinagtuunan ko nalang ang paa niya.

"Bakit ba ang kulit mo Huey?" Nasabi niya, nagtitimpi. "Okay nga lang ako diba?" Di manlang nakayanang tumingin sa akin.

"Irelax mo ang paa mo pwede ba.." I didn't mind what she said. "I'm just concerned about you.."

Binuntong hiningahan niya lang ako ng malalim, bakat ang inis.

"There's no point in arguing here. Stuck na nga tayo dito sa loob ganyan ka pa..." pinahaba ko ang pasensiya ko. "And I don't like arguing with you.."

Iniatras ko nalang ang sarili ko at sumandal sa kabilang banda ng elevetor, right across her.

Tahimik lang siya. Alam ko namang iniiwasan niya talagang makausap ako. But I just can't help but talk to her.. I need to talk to her.

"I'm sorry.." mahinang sambit ko.

"Sorry for what Hue?" Mahinahon pero bakat ang pagkaubos ng pasensiya.

"Sorry because you chose to believe a piece of paper instead of me?"
"That you gave up on us?"
"That you didn't trust me and bigla mo nalang kami iniwan ni Zayden?"

Sunod sunod na tanong niya.

"Or thag you don't love me?" dagdag niya. Mariin.. may pinupunto.

Gulat akong napatitig sakanya. "Love.. I never said that." Mahina kong sagot.

"Love without trust isn't love." Pagdidiin niya. "Ikaw mismo ang nagsabi niyan." Umigting ang panga niya.

Mabilis akong nagbaba ng tingin, napahiya.

I know I messed up..

"I'm saying sorry because I was wrong.." nakatingin ako sakanya pero nakatuon sa harap ang paningin niya. "I didn't know whom to believe.."

"I know my sorry won't change anything I've done.." she finally looked at me. "But please let me make it up to you and Zayden.."

I said it sincerely.. apologetically..

I took off my jacket because I was already sweating up.

Agad kong naalala ang dala ko para kay Zayden. Di ako umaasa na papayag si Alara to let me see him, but still, dinala ko parin ang paborito niyang snack.

 Di ako umaasa na papayag si Alara to let me see him, but still, dinala ko parin ang paborito niyang snack

Йой! Нажаль, це зображення не відповідає нашим правилам. Щоб продовжити публікацію, будь ласка, видаліть його або завантажте інше.

I looked up at her and offered her the cookie.

"Busog pa ako." Malamig niyang sabi.

Women say they're full when in reality, gutom naman talaga sila. A clear sign that she's still mad.

Binuksan ko nalang eto at kumain ng isa.

Pero di ko kayang tiisin na ako lang ako kumakain. Ayoko makipag taasan ng pride sakanya.

Kaya iniabot ko muli ang supot sakanya. When she glanced at me, pasimple ko nalang etong pina dausdos sa sahig.

Inaamin kong part of me was happy when she finally grabbed it.

Pero pinapatay parin ako dahil sa pananahimik niya. She quietly ate the cookie.

Di ko napigilang basagin ang katahimikan.

"Love." Pagtawag ko

"Huey." Mabilis siyang sumagot. "Puwede bang kumain nalang tayo in peace?" Lumingon siya sa akin. "Ayokong magsalita ng masasama against you." Seryoso niyang sabi.

Kahit anong pigil ko, di ko kayang manahimik nalang dito sa isang tabi.

"Love." Paguulit ko.

"Huey—." I cut her off.

"You don't have to say anything.. I just need you to listen to me.." mahinahon kong sabi.

"I miss you.." pangunguna ko. "Kayong dalawa ni Zayden.."

Mabilis siyang nagiwas ng tingin sa akin.

"I miss your smiles.."
"The way you both giggle pag nag kukulitan kayo.."
"I miss when you both call me when I'm at work.."

Pilit akong napangiti as I recall the things we did in the past..

Habang siya patuloy na nangiwas ng tingin, nilalabanan ang bawat salita na lumalabas sa bibig ko.

"I miss how the three of us sing in the shower every morning.." i smiled.
"I miss how you both tell me how much you love and miss me.."
"I miss our cuddles in bed.."
"When we hold hands in the park.."
"Both of you kissing me.."

ALARA'S POV

Bigla nalang nagbago ang damdamin ko, ang kaninang galit at inis kong systema.. napalitan ng lungkot at panghihinayang.

"Dati iniisip ko na di baleng mapagod ako buong araw sa trabaho.." madamdamin niyang sabi. "Cause everything I do becomes worth it when I see you.."

Gustong gusto nang maghabulan ang mga luha ko pero pinipigilan ko lang.

"I miss making breakfasts for you.."
"I just miss you.." malungkot niyang sinabi. "So much.."

"I miss you love.." mas lalo pang nanlambot ang puso ko. "I miss you so much that part of me wants to get stuck here in this elevator forever.." I can fee the longing from his voice.

"Malayo sa lahat.." pabulong niyang sinabi. "Malapit sa'yo.."

Napatingala na ako, I can feel any moment babagsak na ang mga luha ko.

"Kahit parang malayo parin.." paos niyang nasabi.

Hinay hinay kong iniabot sakanya pabalik ang supot.

"Sa'yo nalang.." mahina kong sabi. "Mukhang mas kailangan mo eh.."

"Di mo na ba ako kailangan?" Biglang dugtong niya.

Agad nanghina ang katawan ko sa tanong niya.

"Don't you miss me too?" maluha luha niyang tanong. "Don't you miss us?" Pilit niyang ngiti.

I looked away, nangangapa ng isasagot.

"Kahit konti lang?" He sighed. "Kahit minsan lang?"

Mabilis akong nagbaba ng tingin.

This feels like torture.

Both of us in pain, feels like torture.

HUEY & ALARA Where stories live. Discover now