ALARA'S POV
I can sense na naging tense si Huey when Lucas opened up about the party.
He seemed uncomfortable. Napakamot pa siya sa likod ng tenga at di sumagot sa sinabi ni Lucas.
"Huey? Are coming with me?" tinanong ko siya.
Halatang may pang aalinlangan sa mukha niya. Bakay ang pag protesta pero di niya mailabas.
"If you don't want I can go alone naman.. andun naman sila Dad and Lucas kaya I'll be fine.." sambit ko.
"No.." mahina niyang sabi. "Okay.." he sighed. "I'll come with you."
"Great." Sabi ni Lucas, naka ngiti..
Matapos nun ay bumalik kami mula ni Lucas sa trabaho while Huey and Zayden both decided to take an nap sa kwarto.
"Okay na yan.." as i stretched my arms and slowly closed my laptop.
"Alara.." sambit niya.
I know where this is going again kaya agad ko na siyang inunahan.
"Lucas, if this about Huey again wag mo na ituloy." malalim akong bumuntong hininga.
"Are you sure you're not just trying to get back at him?"
Nagtiim bagang ako at naglibot ng tingin. "Ano ka ba!" Mahinang singhal ko. "Baka may makarinig sa'yo dito."