💭 REMINDERS OF HUE 2.17

234 4 0
                                    

HUEY'S POV

Mabilis akong naglakad patungo sa pinto at binuksan eto.

"Leave." Galit kong sabi.

Tinapunan niya lang ako ng walang kwentang tingin. "You believe the lies your planting in your head.." lumapit siya sa akin. "But this?" He pointed at my heart. "You can't fool that."

Nagpang hilamos ako ng mukha matapos masara ang pinto.

"Fuck! Fuck! Fuck!" Inis na bulong ko aa sarili.

Napaka bobo ko talaga!

ALARA'S POV

I was staring blankly at files in front of me.

"Ma'am, ready na po ba kayo?" Sumilip si Macy sa pinto.

"Oo.." nabalik ako sa ulirat. "Papasukin mo na."

And my day continued like nothing happened. I pretended like nothing happened rather.

Weeks past hanggang nakasunuran nalang namin ang routine namin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Weeks past hanggang nakasunuran nalang namin ang routine namin. He would drive and pick me up, go on date as said in our 2/2/2 rule.

"Love, what time ka ba mag ggrocery?" Sinilip ako ni Huey while he was on his laptop. It was a weekend and schedule to to pay bill and do the groceries.

"After ko mag bayad ng bills didiretso na ako, isama ko na din si Caramel for grooming.." as I was checking our stock cabinet.

Naglilista kase ako ng mga kulang naming supplies sa bahay.

Natigilan ako nung masulyapan ang sanitary pads kong hindi manlang magalaw.

Bigla akong napahawak sa dibdib ko. Kinabahan..

"Kailan ba ako ulit huling nagkaroon?" Bulong ko sa sarili.

Halos isang buwan na din.

Napatayo ako bigla hawak ang bibig ko.

"Love."

Bigla akong napabitiw sa hawak kong pads dahil sa gulat.

"Sorry.." natawa siya. "Nagulat ba kita?"

"Oo.." pilit kong tawa at mabilis na yumuko para ibalik ang pads sa cabinet.

"Meron kapa niyan?" di niya naiwasang mapansin. "Usually nauubos yan lahat.." taka siyang sumilip sa cabinet.

Di ko nagawang maka sagot dahil di ko din alam. O baka nagkukunwari lang akong di ko alam pero deep inside me is already suspecting something.. something not good.

"Teka.." biglang napaisip. Ilang segundo pa ay tinignan niya na ako ng naka ngiti. "Are you—."

"No no no no no.." mabilis akong umiling iling at lumabas sa maliit na kwarto kung nasaan ang stocks namin.

HUEY & ALARA Where stories live. Discover now