💡 OPERATION: SAVE THEM 3.12

273 4 0
                                    

ALARA'S POV

"Dad is awake."

Gulat kaming nagkatinginan ni Zayden.

"Dad?" pag tawag niya neto. Tulalang napa tingin si Huey sakanya.

From his face, i think he analyzing who is the person infront of him. Eto na, maybe he's having a hard time recalling.

"Zayden.." napalapit ako kay Zayden para ibaba siya sa bed. "Let's call the Doctor first and tell them your Daddy woke up already.." mahina kong sabi naka pangkumbaba sakanya.

Pinindot ko ang intercom sa taas ng hospital bed para mag tawag ng nurse at sinabing gising na si Huey.

"Lara.." ubos lakas na sambit ni Huey at hirap na humawak sa kamay ko.

"Wag ka muna mag salita." Pag pigil ko. "Baka makasama sa'yo yan."

If he remembers me.. it means he didn't lose his memory.

Isa isang nagsipasok ang dalawang nurse kasama ang doctor. Kaya tumabi na muna kami ni Zayden at hinayaan silang i assess si Huey.

"Do you remember your name?" tanong doctor.

Marahang tumango si Huey. Nagtataka..

"Do you remember why you are here right now?" tanong muli neto.

Umiling siya bilang sagot.

Humarap sa akin ang Doctor. "It's normal.. but we'll keep on observing him."

Muli siyang bumalik ng tingin kay Huey. "Do you remember any of them?" turo niya sa amin ni Zayden.

"Alara.." paos niyang sagot.

"How about the little boy?" tanong neto.

Napakunot siya ng noo, parang sinusubukang magisip. Pero sa huli, umiling siya.

Agad ako napa higpit ng hawak kay Zayden.

"It's also normal that he won't recognize him. Observe natin in the coming days if may memory siyang ma regain.." paliwanag ng Doctor.

Nung matapos nilang i assess si Huey. Sinamahan namin sila ni Zayden patungo sa pinto. Kinausap pa muli ako ng Doctor. Maya't maya ay nagpaalam na din eto.

I took the chance to talk to Zayden about the situation again.

Naluhod ako bahagya para mag pantay kami ng tingin. "Zayden.." pilit kong ngiti at hinapuhap ang braso niya. "Daddy is having a hard time remembering you right now.. it's because of the accident.."

Hindi niya ako tinugunan at tumitig lang sa akin.

Muli kong hinapuhap ang braso niya. "Don't worry.. Daddy will remember you.." I assured him. "I will try my best so that Daddy can remember you.."

"But how come he remembers you Mom?" mahina netong tanong nakababa ng tingin.

"The doctor said, maybe the night before the accident maybe I was the last person on his mind. We're not sure about it. Tayo palang ang andito anak.. we don't know yet if ako lang ang naalala ni Daddy.." i tried hard to explain it to him in a way that he can understand. Matalino naman ang anak namin, alam kong naintindihan niya ang sinabi ko.

"Right now, we will call Lola okay? We'll tell her Daddy woke up already.." dagdag ko.

Niyakap ko muna siya ng mahigpit at tumayo.

Nung pumasok kami muli, sinundan kami ni Huey ng tingin hanggang sa makarating kami sa sofa sa gilid ng kwarto. Pinaupo ko na muna si Zayden and hinayaang maglaro ng cellphone games niya.

HUEY & ALARA Where stories live. Discover now