💡 OPERATION: SAVE THEM 3.18

293 4 2
                                    

Bumangon ako dahan dahan para hindi ko maabala ang mahimbing na tulog ni Lucas.

Agad na pinaharurot ko ang sasakyan ko pauwi. I only had a few hours of sleep kaya napakasakit ng ulo at katawan ko. Sana lang talaga ay kayanin ko ang mangyayari pag nakauwi ako, i'm tired that I can feel that napakaikli ng pasensiya ko sa ngayon. Napapahilot ako ng sentido habang nagmamaneho dahil masakit talaga ang ulo ko.

Dama ko parin ang pagod nung makapasok ako sa bahay. Mula rito at tanaw ko si Huey na nakatalikod ng upo at nagkakape, nakaharap siya sa garden.

Dahan dahan akong lumapit sakanya at niyakap ko siya patalikod.

Ako na mismo ang nagulat dahil wala manlang siyang reaksyon o kahit na gulat ay wala. Patuloy siyang sumisimsim sa kape habang nakabalot ang mga braso ko sa leeg niya at nakasanda nag ulo aa balikat.

"I'm sorry.." bulong ko sa tenga niya. Pagod talaga ako pero may kasalanan ako kaya kailangan kong balewalain eto. "May emergency.. I had no time to wake you up.. I didn't wanna wake you up.." pagtatama ko. "Mahimbing na ang tulog mo kaya hindi na ako nagabalang gisingin ka."

Napaluwag ang yakap ko when he leaned forward para ilapag ang cup sa coffee table. Bumuntong hininga siya nung sumandal muli. Nanatili akong nakayakap sakanya pero mas maluwag na ang yakap ngayon.

"I'm really sorry love.." malambing kong sabi.

"What emergency? Gaano ba eto kahalaga na nakalimutan mong may mga taong nagaalala sa'yo?" Mariin niyang sabi pero may konting pagpapasensiya sa tono. "I had freaking headaches kakaisip kung asan ka. I had to call Lorin at four freaking am just so they can come over and watch Zayden.. para hanapin kita."

"A-san na sila?" Luminga linga ako.

"They left." Malamig niyang sabi. "What's the emergency?" Paguulit niya.

"A-ano.." nabara bigla ang lalamunan ko. "It's Lucas' Dad.." kabado kong sabi. Ewan ko kung bakit ganito nalang ang kabang nararamdaman ko ngayon.

I know that somehow valid naman ang reason ko pero it doesn't change the fact na may nagawa parin akong kasalanan. Alam ko yun..

Napatawa siya, sarkastiko nga lang. "What is it this time?"

This time? Napamaang ako.

"Wala na siya Huey. He had a cardiac arrest this morning, huli na nung nalaman nilang nag cardiac arrest pala. When Lucas went home his Dad didn't have a pulse already. But still dinala parin siya sa ospital just in case there's still a chance." Paliwanag ko.

"What does it have to do with you again?" Ang tono ng pagkasabi niya ay hindi ko nagustuhan.

May pinagsamahan kami ni Lucas. I have been with his Dad multiple times and he has always treated me like a family. Kaya may hinanakit sa akin na ganito ang reaksyon ni Huey ngayon. I am also saddened by his passing pero hindi ko iyon mapakita dahil mas lalong manghihina si Lucas pag sinabayan ko pa siya.

"Please.." napapikit ako, at tinipon ang pasensiya. I don't wanna argue. "Let's not argue over this Hue.." mahina kong sabi.

Tumayo siya at hinaharap ako. "Tired?"

Nanlaki ang mata ko, magkahalong pagod at kung ano ano pa ang nararamdaman ko ngayon. Wala akong lakas na makipag talo.

Lumapit ako sakanya at yumakap. Sinandal ko ang ulo sa dibdib niya at pumikit. "I'm sorry for being irresponsible. I'm sorry for making everybody worry.. for making you worry. I just had a lot on my plate today that I didn't have the time to think clearly. I am sleepy.. I am tired.. my body is aching.. my head is aching. And I know you haven't had enough sleep too.." nagtaas ako ng tingin sakanya.

HUEY & ALARA Where stories live. Discover now