INTRODUCTION

10.3K 220 15
                                    



-



"Hyacinth..." Tawag nya sa pangalan ko na para bang hindi niya ineexpect ang ginawa ko. Itinaas ko ang tingin ko sakanya at kitang-kita ko na nakatitig sya sa mga bulaklak na tinapakan ko.

"Thanks." Sabi ko sakanya pero para syang hindi makapaniwala sa ginawa ko. Ngumisi ako at tinalikuran na siya.

That's for hurting my friend. You deserved it.

"Hyacinth!" Rinig na rinig ko ang galit sa boses nya. Naramdaman kong ang higpit ng pagkakahawak nya sa braso ko kaya nilingon ko siya.

Hindi ko pinakita sakanya na nasasaktan ako sa pagkakahawak niya sakin. Why would I? Para mas saktan niya ko?

"Magkakaroon ng pasa 'yang braso ko. Alam nilang ikaw ang kasama ko. Gusto mo bang sabihin ko sakanila na sinaktan mo ko?" Marahas nyang binitawan ang braso ko at dinuro-duro ako. Hinayaan ko siyang gawin 'yun dahil alam kong natapakan ko ang ego niya. Oh, boys and their egos.

"Para saan ang sweetness na pinapakita mo sakin?! Para saan ang pagpayag mo sakin sa tuwing inaaya kitang makipag-date?! Para saan lahat.. lahat ng ginawa natin... kung hindi mo ko mahal?" Naghihisteriya niyang sabi sakin. Pinanood ko siyang parang nababaliw sa pagbabago ng relasyon namin. Ohh, do we have that?

Ngumiti ako at hinawakan sya sa pisngi. Hinaplos ko 'yun kaya tumingin sya sakin. Kitang-kita kong nasasaktan sya. Hinawakan niya ng mahigpit 'yung kamay ko at hinalikan 'yun.

"Don't... just don't leave me. Hyacinth, please. Mahal kita." Nagbilang ako ng sampung segundo bago ko binawi ang kamay ko.

Ngumiti ulit ako sakanya. "Masakit, diba?" Tumulo ulit 'yung luha niya at yumuko. Hindi ganitong klase ng lalaki ang alam ko. Ang mga lalaking umiiyak ay duwag. 'Yun ang alam ko. Duwag. Bakla. Ang totoong lalaki ay 'di umiiyak. Ang klase ng lalaking alam ko ay walang puso. "Edi alam mo na kung anong naramdaman ng kaibigan ko?" Kinagat niya 'yung labi niya hanggang sa magdugo 'yun. Nakita ko rin na nanggigigil na siya.

Nagsimula na kong maglakad paalis dun habang naririnig ko ang pag-iyak niya.

We've been dating for three months at napag-desisyunan ko ng tapusin dahil nakaganti na ko. Nung panahon na nakita kong mahal niya ko ay alam kong panalo na ko.

"Just tell me you love me, Hyacinth.." pahabol niya. "Pagbabayaran ko ang pananakit ko sa kaibigan mo. Kahit parusahan mo ko habang-buhay.. wag lang ito. Tell me you love me. Tell me that what we had was true." Hindi na ko lumingon sakanya at pinagpatuloy ang paglalakad kahit na nagmamakaawa siya sakin.

Love? Do they know that love can kill them? Love can wreck their life? Love can make them crazy? Love can hurt them so bad? It can destroy their humanity... because Love Is A Bitch.

So, I'm so sorry, 'cause I'm not capable of loving anyone.



****

This is the first part of Love Series :)

Love Is A BitchWhere stories live. Discover now