Chapter Forty Four

221K 2.7K 555
                                    

Pagkatapos na pagkatapos bitawan ni Lawrence yung mga salitang iyon sa kanya, siguro yun na; yun na ang pinakamasayang araw sa buhay niya. 

Ngiting ngiti siyang maalala ang lahat, jusko kung alam nyo lang nung una ayaw nyang maniwala sa lahat ng pangyayari. Na sa mga sinabi ni Lawrence, na totoo ba iyon. Yung sabihin niyang mahal niya siya at gusto niyang mahalin siya tulad ng pinangako nila noon sa altar.

Tangina ka Lawrence, wag kang paasa.

"Hoy tulala ka nanaman dyan." Sabi ni Lawrence sa kanya.

"Ha?" Tanong ni Noneen. Napailing naman si Lawrence.

"Nabitin ka no?" Seryosong tanong ni Lawrence habang nakatingin sa TV. Mas lalo naman siyang naguluhan. Eh kasi naman eh no nagdadaydream sya kanina wala naman siyang naririnig tas bigla na lang magsasalita tong kumag na to. Panira ng moment.

"Ano?"

"Sa halik ko." 

"Ah oo." Oo nabitin siya sa halik ni--"Wait ano?! Ang manyak mo talaga letse!!!" Sabi ni Noneen ng marealize niya ang sinabi ni Lawrence bakit ba kasi palutang-lutang ang utak nya? Pag ganun pa naman siya oo na lang ang sinasagot niya. Nak ng.

"Wag nang magsinungaling pakipot ka pa eh." Sabi ni Lawrence habang nakangiti. Sa totoo lang libang na libang siya sa itsura ng asawa niya. Paano kasi mukhang timang.

In a cute way.

"Che!! Ewan ko sayo!! Manyak ka talaga dun ka nga! Dun!!" Sabi ni Noneen habang tinutulak niya palayo si Lawrence. Paano naman kasi napakalaki ng couch siksik ng siksik si Lawrence dun sa pwesto niya.

Napaghahalataan tuloy.

"Yoko."

"Init init eh!! Dun ka nga!!"

"Sorry." Biglang sabi ni Lawrence. Napatingin naman siya sa mukha nito na parang nagtataka. Ha? Ganito ba talaga kabipolar yung lalaking to bigla na lang nagsosorry?

Bigla namang lumingon si Lawrence sa kanya tsaka ngumiti.

"Sorry for being so hot. Di ko naman sinasadya eh." Sabay kindat. AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH LINTEK.

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon