EPILOGUE

391 13 6
                                    

Pagkatapos ng isang mahabang araw ng maraming congratulations ay nakapag-usap din sina Toni at Lorenz. They were inside his car. Nasa tapat na sila ng bahay nina Toni.

"Thank you, Lorenz. It was unexpected." Mabuti na lamang at gabi na dahil ayos lang na pumarada sa harapan nila nang walang naiistorbong motorista. 

"No, I should be the one to say thank you. Salamat dahil you said yes." Natawa siya sa sinabi nito.

"Why? Inisip mong tatakbo ako palayo sayo?"

"Of course not. I wanted a quiet and private proposal sana kasi alam ko na yun ang magugustuhan mo. I was so nervous dahil I know you hate being in the limelight. Pero you deserve it. Tama lang na ipagsigawan ko sa mga kakilala natin na mahal kita and, I can't wait for you to bear my last name."

"Hmmp… advance ka masyado. Save mo yan sa wedding vows mo." pambibiro ni Toni.

"Mas advance ka, diba? Pinatay mo na ko sa panaginip mo."

Nagtawanan silang dalawa.

"Makokontrol ko ba kung anong napanaginipan ko?" Nakairap na tanong niya rito. "Lorenz, can I ask this…"

Tumingin sa kanya si Lorenz na parang sinasabing sige lang. "Pwede ka namang hindi sumagot, curious lang ako. Was it sudden, I mean the proposal?"

There, ang ibinigay na naman sa kanyang tugon ni Lorenz ay ang ngiti nitong nakatutunaw. "To be honest, it wasn't. Gagawin ko sana yun nung magkikita tayo, but unfortunately…" 

Namilog ang mga mata ni Toni. Hindi siya makapaniwala sa sinasabi nito. "Hindi ka makikipagbreak nun?"

"Di ba nga, I told you already. Bukod sa sasabihin kong it was just a biggest mistake, I plan to propose to you… Kaya nga sa hospital bed mo nun, I was always talking to you. Sinasabi ko lahat ng mga hindi ko nasabi sayo. I thought it would be too late. I was always calling your name…"

Hindi napigilan ni Toni ang mapaluha. "Maybe, that's why I dreamt of you. Baka kaya lagi kong naririnig ang boses mo nun." Tumango si Lorenz. "Tignan mo, ikaw itong inlove na inlove sa akin."

"Yah. You can say that. That's true." Hindi niya napansin na may luha na rin sa mga mata ng binata. "Sinabi rin ni doc na makatutulong na kausapin kita nang kausapin. It really helped. In so many ways."

"I love you!" Nais niyang iparamdam kay Lorenz ang kanyang pagmamahal maging sa tinging ipinupukol niya rito.

"I love you, too!" He grabbed her nape and kissed her. Akala niya ay magiging mapangahas ito dahil sa paraan ng pagtulak nito sa kanyang batok ngunit he managed to be gentle. 

"Wait… Alam ba ni mama 'to? Nagpaalam ka ba?"

He smiled. "Yah. Si mama ang una kong sinabihan ng plano ko." 

"Mama?" Nakangiting gaya niya sa pagtawag nito sa kanyang ina.

"Oo. Mama." 

Niyakap niya nang mahigpit ang binata.

_____________________________________________

Naging personal na abala si Toni sa pag-aasikaso ng lahat ng para sa kanilang kasal. It was her dream. Not just the wedding. She loved weddings, she once dreamt of becoming a wedding planner and here she was organizing her own.

Mala-fairy tale ang theme ng kanilang kasal. Naggagandahang diwata ang itsura ng mga abay at parang malaking version ni Twinkerbell ang mga flower girl. 

Parang nabuhay na fairyland ang itsura ng loob ng simbahan ganun din ang venue ng kasal nila. 

Lorenz was looking like a handsome gentleman in his white long sleeves and a blue coat paired with a white pants and brown shoes and belt. 

Do You Believe in Magic?Where stories live. Discover now