-- 10 --

212 7 7
                                    

February 13, Huwebes. Pre-Valentine Celebration. Masaya pa ring idinaraos ang ikaapat na araw ng Foundation Week. Marami ng mga bata sa campus pagdating ni Toni sa paaralan. Pagpasok niya sa faculty room ay napansin niyang dalawang mesa lamang ang may tao na, kay Michael at Lorenz. Ngunit wala ang dalawa sa loob. Batid niyang si Michael ay abala na sa paghahanda ng programa. 

Maya-maya lamang ay may nagbukas ng pinto. Alam niyang hindi si Michael ang pumasok sapagkat maliban sa maingat ang pagbubukas nito na hindi gawain ng kaibigan, naamoy niya ang pamilyar na pabangong nakabisado na ng utak niya kung sino ang may ari. 

Nagulat pa siya nang lumapit ito sa kanya at may inilapag sa mesa niya --- si Lorenz. Coffee and bread ang ibinigay nito sa kanya.

"Nakita kita noong papasok ka na rito. I was there sa coffee shop sa tapat ng school. Kaya binili na rin kita." 

Nahihiyang ngumiti siya rito. Hindi niya alam ang iaakto. "Thank you!"

He smiled. As usual, nasingkit ang mga mata nito at lumabas ang malalim nitong dimples. Gusto niyang batukan ang sarili dahil para na siyang nahihibang pero nanatili pa rin siyang kalmado. "Can I sit here?" tanong nito habang hinihila na ang upuan na nasa unahan niyang mesa. Tumango lamang siya. Hinila nito ang upuan mula sa mesa at umupo sa harapan niya. They shared her table. "Pansin ko lagi kang maaga pumasok." pagsisimula nito ng usapan.

"Ayoko kasi ng nahuhuli." matipid niyang sagot. Iniurong pa uli nito ang kape at tinapay sa harapan niya na parang sinasabing kainin niya na ito. Kinuha niya ang tinapay at sinimulang buksan. Sa kaba niya ata ay nahirapan siyang tanggalin ang scotch tape na ginamit sa lalagyan ng tinapay, kinuha ito ni Lorenz mula sa kanyang kamay at binuksan. 

"Let me." malumanay na sabi nito. 

"Thank you!" hinihiling niya na sana ay hindi nito pansin ang pagkatorete niya.

"Hindi ko alam kung anong gusto mo, kaya kung ano ang inorder ko, yun na lang din ang binili ko para sayo." nakangiting sabi nito.

"O-okay lang." nahihiyang sagot niya. 

She felt uneasy pero ayaw niyang matapos ang oras na ito. Hindi niya alam pero mayroong warmth na dulot sa kanya ang paglapit sa kanya ni Lorenz. Para siyang idinuduyan sa hangin… mabini, masarap sa pakiramdam.

"Tagal nila pumasok ngayon. Pero marami ng bata sa labas." he started a friendly conversation.

Tumango siya. "Maya-maya lang, nandito na yung mga yun." Although she was wishing na sana ay mamaya na dumating ang mga ito. "Maaga ka na ring pumasok ngayon." 

Napangiti ito sa tinuran niya. "Yah. Napansin mo pala." Magaan itong kausap.

Wala siyang maisagot sa sinabi nito. Napaisip tuloy siya na baka isipin nitong inoobserbahan niya ang kilos ng binata. Ngumiti na lamang siya rito.

"4 years ka na raw dito?"

"Oo. Ikaw, saan ka na nagturo?" tanong niya rito. Alam niyang mas matanda ito sa kanya.

"This is my first teaching job. I worked in a TV station. Actually, I only have units in education."

"Ah." napatango siya. "Buti naisipan mong magturo."

Tumitig ito sa mga mata niya bago sumagot. "Hindi ko rin alam kung bakit. Maybe I was destined to meet people in my life." Ngumiti ito ng makahulugan. "Maybe it's not me. Baka may kailangan akong makilala, makatagpo… you know."

Did she blushed? Mag-ooverthink na naman siya sa sinabi nito gayung hindi naman siya ang tinutukoy nito. 

"Good morning." bati ng kapapasok pa lang. Si Lailanie. 

Do You Believe in Magic?Where stories live. Discover now