-- 21 --

141 10 4
                                    

Gising na si Toni ngunit hindi niya pa iminumulat ang mga mata. Pinakikiramdaman niya ang paligid. May nagkukuwentuhan. 

She slowly opened her eyes. Nakangiting mukha ng mama niya ang sumalubong sa kanya. "Thanks God, you're awake. Toni! I miss you anak. May gusto ka ba?" Sunod-sunod na wika ng kanyang mama.

"Hey Toni! Aba! Tagal ng pahinga natin ha." Maya-maya ay narinig niya ang boses ni Chinchin. "Ano? Kumusta ka na? Pinag-alala mo kami ha." Lumapit ito sa kanya. Ngiting-ngiti ito pero bakas sa tinig nito ang pag-aalala sa kabila ng pagbibiro nito.

"Chin, umayos ka nga." Nandun pala si Michael. "Toni, we're glad, gising ka na." Michael's smile was a smile of relief.

Nagpalinga-linga ang tingin niya sa paligid. Wala si Lorenz. Tama nga siya, nasa realidad na siya. Wala na ang binata. Bumigat muli ang kanyang pakiramdam. Nais niyang umiyak ngunit mas gusto niyang malinawan sa mga pangyayari. Kung bakit siya nasa ospital? 

"Anong nangyari?" Halos bulong lamang ang pagkakasabi niya. 

"Oh my!!!" exaggerated na reaksyon ni Chinchin sa tanong niya. "Hindi mo kami naaalala? Ikaw, alam mo bang pangalan mo?" Dugtong pa nito.

Nanghihina man ay nagawa niyang tumawa. "Sira ka talaga."

Nakita niyang nagliwanag ang mukha ng tatlong kausap dahil sa kanyang pagtawa.

"Wala bang masakit sayo, anak?" Niyakap siya ng kanyang ina.

Umiling siya. "Wala naman po. Para lang akong nanghihina. Ano po bang nangyari?"

"Ewan ko ba naman kasi sayo Toni. Bakit ka tatawid sa isang highway na punong-puno ng rumaragasang mga sasakyan eh wala namang tawiran?" Kikay na tanong ni Chinchin ngunit mauulinigan naman ang pag-aalala pa rin sa tinig nito.

"Kitang-kita raw ni Lorenz kung paano ka sumalpok sa isang suv. Nasa loob pa raw siya ng sasakyan nun, wala raw siyang nagawa dahil nung makita ka niya, malapit na malapit ka na sa sasakyan." Pagkukuwento ni Michael.

She felt scared. Ngayon niya lang naalala ang araw na iyon. Yun ang araw na napag-usapan nila ni Lorenz na magkikita sila upang mag-usap. Wala siya sa sarili ng araw na iyon at nang makita niyang nakapark na ang sasakyan ni Lorenz sa tapat kung saan siya naroroon, bigla-bigla siyang tumawid. Hindi niya naisip na walang pedestrian lane doon. 

Napapikit siya sa naalalang senaryo. Takot na takot siya nang makita niyang sasalpukin na siya ng sasakyan. She just closed her eyes then. 

"Gosh!" Mahina niyang naibulalas dahil sa mga alaala.

Bago pa makapagsalita ang mga kausap ay biglang bumukas ang pinto. It was Lorenz. Marami itong bitbit. 

Toni's heart beat so fast. He smiled at her. Inilapag nito ang mga bitbitin sa mesang nasa loob din ng silid niya sa ospital. Nakatitig siya rito habang ito ay lumalapit sa kanila. Oh God! She missed him so much. She wanted to get up and hug him. She was thankful that he was alive… that what she got scared for was just a nightmare.

"How are you, Toni?" Hinalikan pa nito ang noo niya.

Impit na tili ang pinakawalan ni Chinchin. Her presence enlightened the mood.

"Pwede na raw ba siyang kumain ng solid foods?" Tanong ng mama niya kay Lorenz. 

"Soup po muna ang binili ko for her. Baka po kasi mabigla siya kung mabigat na pagkain na po agad." Lorenz helped her to get up. Sa pagdidikit nilang iyon, naamoy niyang muli ang binata. Napapikit siya. Nais niyang yakapin ito. 

Ngunit malinaw na sa kanya ang lahat ngayon, everything was just a dream. It started after her accident. 

She was the one who got into an accident, not Lorenz. She was thankful, though. There were no travels, there was no proposal, there was no Gabriella. She felt sad. Sa panaginip niya, naramdaman niyang may anak na siya.

Hindi totoo ang lahat ng mga iyon. Ang totoo ay ang pakikipagbreak sa kanya ni Lorenz noon.


Do You Believe in Magic?Where stories live. Discover now