-- 16 --

122 6 6
                                    

Pupungas-pungas pa si Toni nang magising. Bakit parang ang tagal niyang nakatulog? Napabalikwas siya ng bangon nang maalala ang nangyari noong nagdaang araw. Napatingin siya sa cellphone. No text messages, no missed calls.

Naalala niyang hindi siya tumuloy makipagkita kay Lorenz. Hindi niya ito sinipot sa dapat sana ay pagkikita nila. Naisip niya, para saan pa? Sa tingin niya, hindi rin niya kayang marinig ang mga sasabihin nito.

Hindi rin siya pumasok sa paaralan. Nagpasabi na lamang siya na masama pa rin ang kanyang pakiramdam.

Sumilip siya sa bintana. Madilim na sa labas. "Gabi na pala." Bumaba na siya sa kanilang living room. Naulinigan niyang may kausap ang mama niya. Was it Lorenz? Nagmadali siya. Nagbago na ba ang isip nito?

Nagulat pa siya nang makitang ang kausap ng kanyang mama ay sina Michael at Chinchin.

"Oh? Na-miss niyo ko agad?" Nagkunwari siyang masaya. "Okay lang ako. Sumama lang pakiramdam ko pero papasok na ko bukas." Umupo siya sa tabi ni Chinchin. Hindi ito katulad ng dati na laging mukhang nanloloko. Seryoso ang mukha nito. "Hoy! Napano ka?" Tinabig niya pa ang kaibigan.

Tumingin din siya kay Michael na seryoso rin ang itsura. Saka niya lamang napansin na mukhang malungkot ang kanyang mama, mukhang galing sa pag-iyak. Hindi man alam ang dahilan, parang kinabahan na si Toni. May iba siyang nararamdaman.

"Buti naman okay ka na." Si Michael. 

"Salamat sa pagbisita." Pilit ang ngiti niya.

"Toni…" si Chinchin. Tumingin ito kay Michael, parang nanghihingi ng tulong.

Tumikhim muna si Michael bago nagsalita. Palipat-lipat ang tingin niya sa tatlong kaharap.

"Toni, anak…" may panginginig sa boses ng mama niya. "pumunta sila dito para…"

"Para?"

"Para ano…" si Chinchin muli ang nagsalita.

"Para nga ano?" Medyo tumaas na ang boses niya. Hindi niya gusto ang pakiramdam niya. "Why?"

Lumipat si Michael sa kanyang tabi. Inakbayan siya. "Toni, we had a phone call from," huminto si Michael, tinitigan niya ito parang sinasabing magpatuloy. "W-we had a call kanina, nung nasa school pa kami. It was from Lorenz' mom."

"Tapos?" Kinakabahang tanong niya.

"Si Sir Bary yung nakausap, she was reaching you daw pero nakapatay ung phone mo." Tumango siya. Inoff niya ang phone kanina dahil wala siyang lakas upang makipag-usap sa kahit na sino. "Magkikita ba kayo ni Lorenz kanina?"

Tumango muli siya. "Bakit hindi ka tumuloy?" usisa ni Chinchin.

"Why? Ah, hindi ko kasi kayang, ma-masama kasi pakiramdam ko. T-teka, pa'no niyong alam? Ba-bakit?" nagkakandautal na siya. 

"Lorenz got into an accident habang papunta sana siya sa meeting place niyo." Pagpapatuloy ni Michael.

Napatayo siya sa kinauupuan. Nanlambot siya. Gusto niyang kumaripas ng takbo kung nasaan man si Lorenz. Pinaupo siya muli ni Michael. "Calm down, anak." Ang mama niya.

"Nasa'n daw siya? Can we go?" Nag-uunahan na pala ang mga luha sa kanyang mga mata.

"Pwede, punta tayo mamaya." Si Chin na hindi maipinta ang mukha.

"Bakit mamaya pa? Ngayon na!"  Tumayo siyang muli.

"Toni, anak. You should sit down. Sit down please." Nakikiusap ang mama niya.

"Pero ma…"

"Toni…"

"Ano ba?" Mataas na ang kanyang boses. Tumayo siya at tutunguhin sana ang silid niya. Kukunin niya ang cellphone para tawagan si Lorenz.

Do You Believe in Magic?Where stories live. Discover now