-- 15 --

152 6 0
                                    

Mabilis na lumipas ang apat na taon. As cliche as it was, their relationship was a roller coaster ride. Ayaw man ni Toni na palaging makaramdam ng pagseselos ay hindi niya maiwasang maramdaman at maiparamdam ito kay Lorenz.

"Toni, ilang beses ko bang kailangang sabihin sayo na wala ka namang dapat ikaselos?" Si Lorenz, nasa loob sila ng sasakyan nito. Nasa harapan na sila ng bahay nina Toni ngunit hindi pa siya bumababa sa sasakyan. "For real, si Lailanie na naman?"

"Hindi mo rin ba naiintindihan na kailangan mo rin namang minsang dumistansya?" Pinipigilan niya ang luha niya sa pagpatak. Maliit na bagay lang ang pinagtatalunan nila. Hindi niya lang gusto ay ang reaksyon ni Lorenz ngayon. Madalas naman nilang napagtatalunan iyon ngunit ngayon lamang ito nagkaganun.

"Can't you just trust me?" May diing tanong nito.

"Hindi naman sa lahat ng pagkakataon, kailangan mong maging mabait. Baka iniisip nun…"

"Ayan ka na naman sa iniisip nun, iniisip nila…" May kataasan na ang boses nito. "Pwede bang…" 

"Ano?" Halata niyang napipikon na sa kanya ang kasintahan. "Ngayon ka lang ganyan. Bakit?"

"Hindi ka ba nagsasawa?" Tumitig ito sa kanya.

"Bakit, nagsasawa ka na?" Nanginig nang bahagya ang boses niya.

"That's not what I meant. Toni, sa isang relasyon, kailangan mong magtiwala." 

"Sa isang relasyon, kailangan mong makinig. Paulit-ulit ko 'tong sinasabi, paulit-ulit kong nararamdaman. Kung sayo wala yun, kung sayo balewala yun, hindi ako ikaw. Galangin mo naman 'tong nararamdaman ko."

"Yah. That's why I'm telling you to trust me…"

"Bababa na ko. Walang patutunguhan 'tong usapan na 'to." Bumaba siya ng sasakyan. Ni hindi man lamang siya pinigilan ni Lorenz. She was hurt. She was hurt by his actions and reactions. 

Naghintay siya ng text nito magdamag ngunit wala siyang nakuha. Pumasok siya sa paaralan na hindi ito kasabay. Mabuti na lang din pala dahil wala itong balak pumasok. Walang pasabi sa kanya. 

Magmula nang maging magkasintahan sila, maraming beses na silang nagtalo sa iba't ibang dahilan. Parati, ito ang nagpaparaya. Ngayon lamang ito umakto ng ganoon. Was he falling out of love with her? 

Maghapong walang text ito sa kanya. Walang tawag. Kinabukasan ay hindi pa rin ito pumasok. Mataas man ang kanyang pride ay kinuha niya ang cellphone para tawagan ito. 

Naunahan siya ni Lorenz dahil pagkakuha niya ng cellphone ay may message siyang natanggap mula sa binata.

'SIGURADO KA?' Kinakabahang pinindot ni Toni ang send button ng kanyang cellphone. Halos nanginginig na ang mga kamay niya. And to make her reaction worst, tears were starting to fall from her eyes. "Sabihin mong nagbibiro ka lang." Bulong ng isip niya. "Hindi tulad ng dati, iba ang tinutukoy niya. Nangtitrip lang siya." Pakonswelong sabi niya sa sarili.

Toni couldn't even pretend that she's busy doing something. Even this day could be considered the worst day ever, one thing had fallen into its proper place -- vacant time niya ngayon. Kung hindi baka sa klase pa siya nagdrama. Her cellphone rang, it made her tremble.

Halos kalahating oras bago magring ang cellphone niya at ang tagal niyang hinintay magreply ang taong ka-text niya. Sigurado siyang ito ang nagtext dahil iba ang message tone nito sa regular message tone ng cellphone niya. Pero bakit ganun, parang ayaw niyang buksan ang cellphone at basahin ang mensaheng nandun. She breathed heavily and got all the courage in the world. 

Her heart almost wrecked her chest from beating so hard. This feeling could make her faint. Pagkabasa niya ng text message ay halos mayanig ang kanyang mundo --- literally and figuratively. Parang gusto niyang mabuway nang mabasa ang text na makapagpapatunay sa kanya ng linyang, words could cut like a knife. Her tears fell.

Her boyfriend for four years had broken her heart. 

'OO. WE'RE THROUGH. I'M SORRY.' At that moment she had wished her sanity would just go away so she could not feel the pain and she wouldn't be able to understand those words from her phone that were killing her. Sa simpleng pagtatalo nila, ganun lang? How shallow was his love for her?

Bago pa mag breaktime at magdatingan na sa faculty room ang mga co-teacher niya ay nagtungo na siya sa admin office upang magpaalam na magha-half day lamang siya.

"Sorry Ma'am," pagpapaalam niya. "Ayoko po sanang iwan ang mga bata, pero hindi ko na po kaya." Yes, that was true. She could no longer bear the feeling. "Sobrang sama po ng pakiramdam ko."

Nakauunawang tumango ang secretary. "Oo nga, you don't look like you're okay. Sige, you can go home. Just fill out this form first." Ngumiti ito, a friendly smile.

Hindi alam ni Toni kung saan niya kinuha ang ngiti na iginanti sa secretary. But she knew that her smile didn't reach her eyes. Naguguluhang pinirmahan niya ang slip. She didn't want to act unprofessional. She didn't want to leave her students. But she was afraid that she could not control her feelings and crying in front of her students would only make her look more unprofessional. 

Nakarating si Toni sa kanilang bahay na parang wala sa sarili. Hindi niya alam kung paano niya nakayang umuwi nang hindi umiiyak sa pampublikong sasakyan. She felt relieved when she entered the house at malamang wala ang kanyang ina. She didn't know how to explain. Hindi, mas tamang sabihing ayaw niyang sabihin. Paano kasi kung nagbibiro lang si Lorenz o kung hindi man, paano kung magkabalikan pa sila --- ayaw naman niyang magalit ang mama niya rito. She sighed. Why was she still hoping? Mukhang nagsawa na ito sa ugali niya.

Bigla niyang kinuha ang kanyang cellphone, umaasang may text ito at binabawi ang sinabi. Her heart that was already broken was once again broken into pieces. Hindi pa pala siya nagrereply. Bakit siya umaasang magtetext ito? 

Nang nakapagpalit na siya ng damit ay tinungo niya ang kanyang kama at binuksan ang kanyang cellphone. Kumirot na naman ang kanyang puso nang basahin muli ang text message. Without having a second thought, she typed, 'CAN WE TALK?'

Minuto pa lamang ang nakalipas ngunit parang dekada na kay Toni. Maraming bagay at maraming katanungan ang tumatakbo sa isip niya. She knew she was acting pathetic. Ang pag-uwi pa lang niya nang maaga ay walang-wala sa kanyang prinsipyo. But she didn't care how pathetic she would be. She dialed the number.

Nakailang ring muna bago may sumagot.

"Hello." sabi ng kabilang linya. Hindi siya artista pero biglang tumulo ang luha niya pagkarinig niya sa boses nito. That voice. That voice that always tickled her --- that sweet voice. Why did it sound so cold now?

She cleared her throat first. Ayaw niyang mahimigan nito ang panginginig ng boses niya. "Lorenz?"

"Hmm?" Bakit sa kabila ng sakit ay kinikilig pa rin siya sa boses nito?

"W-why? A-ano… it's hard…" mas parang sinasabi niya sa kanyang sarili. "I'm sorry. Can we talk? I mean, personally. Pwede ba tayong magkita?" May bumikig sa lalamunan niya.

"Did you not… hmmm, sige, tomorrow?" Parang may gusto itong sabihin.

Although she didn't want to, she pressed the end button. Why was she acting pathetic? Lorenz just broke up with her --- he ended it with just a text message. But why? Bakit siya nagpapakababa nang ganito?

Mariin niyang ipinikit ang mga mata. She was hurting. Di niya mapigilang maisip ang lahat. The firsts, the joys, the comfort, the love, the hurt, the pain...

Do You Believe in Magic?Where stories live. Discover now