-- 17 --

99 7 0
                                    

The pain was still there ngunit nagagawa niya nang ngumiti. Nakatulong sa kanya ang bakasyon na kanyang hiningi. Wala rin sa mga taong nakapaligid sa kanya ang nagbabanggit ng tungkol kay Lorenz. And it helped --- for a while.

Natutuhan niyang mamuhay sa araw-araw nang hindi ito iniisip. Paano niya nagawa? Hindi niya rin alam. Siguro natutuhan niya ring lokohin ang kanyang isipan.

Pagkatapos ng kanyang leave ay sumabak na siyang muli sa pagtuturo. Sinigurado niyang hindi na maaapektuhan ng kanyang personal na buhay ang trabaho niya.

"Toni congrats! You were really great kanina. Best in demo teaching ka talaga." bati ng isa niyang co-teacher na si Nicks.

"You got it girl! Nagbalik ka na." ngiting-ngiting papuri sa kanya ng isa pa. 

She forced a smile. Did she? Memories came crashing through her mind, it was as if she was watching a movie. She couldn't feel the ground. Parang gusto niyang umiyak, gusto niyang magwala. Bakit kailangang maalala niya ang mga bagay na yun sa kanyang "pagbabalik"?

Nanlalabo ang kanyang mga paningin at ang mga luha niya'y gusto nang mag-unahang pumatak ngunit iwinaksi niya ang mga alaala. Nagawa niya, kahit mahirap, nakuha nyang ngumiti at isipin ang ngayon. 

______________________

Pupungas-pungas pa si Toni nang magising. Bakit parang ang tagal niyang nakatulog? Napabalikwas siya ng bangon nang maalala ang nangyari noong nagdaang araw. 

Sumilip siya sa bintana. Madilim na sa labas. "Gabi na pala. Bumaba na siya sa kanilang living room. Naulinigan niyang may kausap ang mama niya. Sino kaya ito?

Nagulat pa siya nang makitang ang kausap ng kanyang mama ay si Lorenz. 

Para siyang kandilang itinirik sa kanyang kinatatayuan. Hindi siya makagalaw. 

Maya-maya ay napansin na siya ng dalawang nag-uusap sa may sala. "Gising na pala si Toni oh." Itinuro pa siya ng kanyang mama kay Lorenz. 

Nanatili siyang nakatayo. Hindi siya kumikilos. Was she dreaming? Was she still sane? 

Tumayo mula sa kinauupuan niya si Lorenz. Nilapitan siya. "Are you okay? Kanina ka pa raw tulog sabi ni Tita."

Tinitigan niya ang binata. Kinabisado niyang muli ang mukha nito. Paano kung nananaginip lamang siya at baka bigla siyang magising? Kukunin na niya ang pagkakataon. Niyakap niya nang mahigpit ang binata. Nagulat man ito ay gumanti rin ng pagyakap sa kanya. "May nangyari ba?" Tiningnan siya nito sa mga mata. Napalitan ng pag-aalala ang mga mata nito. "Bakit ka umiiyak? Toni?" 

Hindi niya pinansin ang sinasabi ng binata. Niyakap niya lamang ito nang mahigpit. Hinayaan niyang tumulo nang tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Kung nananaginip siya, susulitin niya na ang pagkakataon. 

"Toni. May masakit ba sayo?" Iniupo siya nito.

Hindi niya mapigilan ang pagluha. Miss na miss niya ang binata. Matagal niyang pilit na inaalala lamang sa kanyang isipan kung paano makulong sa mga yakap nito at akala niya ay hindi na iyon mauulit pa. Pero nandito ito, ramdam niya ang yakap nito. Pinaglalaruan ba siya ng tadhana? 

"Are you okay?" Tanong nito ulit.

Hinawakan niya ang pisngi nito. "Are you real?" Humihikbing tanong niya.

Natawa ang binata. "Of course! Mukha ba 'kong robot?"

Umiling siya. "Hindi, hindi yun ang ibig kong sabihin. Nandito ka ba talaga?"

Niyakap siya ng binata. "I think you had a nightmare. What is it?" 

Napangiti siya. Maya-maya ay tumatawa na siya. "Sampalin mo nga ako."

"Huh? I don't wanna hurt you." Natatawa ngunit naguguluhang tugon ni Lorenz.

"Nandito ka ba talaga?" Pinisil-pisil niya pa ang pisngi ng binata. 

"Yah." Hinuli nito ang mga kamay niya. "Nananaginip ka yata, Toni."

Napatango siya. So totoo ngang panaginip lang lahat ng iyon? Naguguluhan siya. Saan ba nagsimula ang panaginip niya? Mula ba sa hiniwalayan siya nito o mula sa pagkawala nito? 

Siguro mula sa nakipaghiwalay ito, dahil kung hindi roon, di sana'y wala ito sa harapan niya ngayon. Lihim siyang nagpasalamat. Hindi na mahalaga kung anong bahagi ang panaginip lamang, ang mahalaga ay kasama niya si Lorenz. Wala na rin siyang pakialam kung paano sila nagkaayos, hindi na niya gustong alamin pa. Sa sobrang sama ng panaginip niya na iyon ay halos mapupugto na rin ang buhay niya nang imulat niya ang mga mata.

"Ipinagpaalam pala kita kay Tita. Dahil weekend naman, sabi ko na mag-out of town tayo." Masiglang sabi ni Lorenz.

Pumayag siya. Masaya siyang nag-ayos ng kanyang mga dadalhing gamit. 

Gabi nang sila ay umalis ni Lorenz. Love is sweeter the second time around, siguro nga, dahil sa biyahe nilang iyon damang-dama niya ang pagmamahal ng binata. 

Hindi niya alam kung saan sila nagpunta. The place was so clean, it was so nice. There were many trees around. Para silang nasa paraiso. 

Matagal ang ginugol nilang oras doon ni Lorenz.

"It's time to go home." Malungkot na sabi nito.

"May pasok na bukas." She added.

Tumalikod sa kanya si Lorenz. May iniabot sa kanyang bulaklas, a tulip. Her favorite flower. "Wow! Thank you! Saan mo nakuha yan?" Inilibot niya ang paningin ngunit wala siyang nakitang nakatanim na ganoong bulaklak sa paligid. 

Nahihiwagaan din siya kay Lorenz. Niyakap siya nito nang mahigpit. Then he slowly kissed her. Matagal. Gumanti siya. It was sweet but why was she getting scared. 





Do You Believe in Magic?Where stories live. Discover now