-- 5 --

210 9 3
                                    

The despedida and 'thank you' party for Mrs. Pilar was really big. Their school gym had turned into a luxurious looking event place. The retired teacher did really accomplish many things for the school. Bilang pasasalamat at pagkilala sa mga nagawa nito ay talagang pinaghandaan hindi lamang ng school administration ang pagdiriwang kundi pati ng mga kasamahan nitong guro. 

"Pag tayo kaya ang nag retire ganito rin ang pasabog ng school?" bulong ni Chin kay Toni.

Toni smiled. "Tingin mo, dito ka aabutan ng retirement mo?" nagtawanan silang dalawa.

Toni was really not feeling good. Aside sa katotohanang medyo hindi talaga maganda ang pakiramdam niya, naiinis siya sa biglang cold shoulder na turing sa kanya ng bago nilang kasamahan na si Lorenz. After that day, he became so civil to her -- just her. Nakikita niyang sobrang cheerful at friendly nito sa iba nilang kasamahan. 

Hindi na rin natuloy ang suggestion ng mga coteacher nila na magduet sila dahil ang ipinakilalang bagong guro sa kanila na si Lailanie na ang nakasundo nitong makasama sa intermission. Napairap siya sa naisip.

"Hoy! Party 'tong kinaroroonan natin. Sino na naman bang naiisip mo at nakita kitang tumirik na naman ang mata mo?" nagulat siya sa sinabi ni Chin. Nakatingin pala ito sa kanya. She should be mindful. 

"Napuwing lang…"

"Luh! May bago na palang teknik pag napupuwing." umirap din ito. "Ma-try nga." pinalo niya ito sa braso. 

"Praning ka talaga." tatawa-tawang sabi niya. Buti na lang at nandito si Chin. With her, there would be no dull moments.

Napadako ang tingin niya sa kinaroroonan ni Lailanie. Katabi nito si Lorenz. Wala namang reserved seats pero nagsama-sama na sa table ang magkakasama sa intermission number. Bilang mga guro, nakasanayan na nila ang ganun upang maging maayos ang daloy ng program. Tigwawalo bawat mesa ang magkakasama. Marami ang mesang naroroon dahil pati ang family member ni Mrs. Pilar ay kasama sa pagdiriwang. Tumabi na lamang si Toni sa kaibigan dahil wala naman siyang kasama sa performance.

"Sarap tuktukan." napalingon siya sa tinuran ng kaibigan. 

"Ha?" 

Ngumuso ito sa table nina Lorenz. "Si Lailanie. Bulong pa nang bulong ang bruha kay Lorenz. Feeling eh. Loveteam yan?" umiirap pa na sabi nito.

Napatingin siya sa itinuro nito. Nagulat pa siya nang makitang napagawi rin sa pwesto nila ang tingin ni Lorenz. Kunwari ay inisa-isa niyang tignan ang mga katabi nito, gayundin ang iba pang mga kasamahan nila sa ibang mesa bago siya tumingin muli kay Chin. Hindi siya nagpahalata na sa gawi talaga nito siya tumingin.

"Ikaw 'tong masarap tuktukan eh. Hindi ka naman inaano ng tao, ayan tuloy nahuli akong nakatingin."

Pang-asar na tumingin sa kanya ang kaibigan. "Sino ba nagsabing lumingon ka run? Ay sus! Saka si Lailanie sinabi ko, bakit sa isa ka tumingin?"

"Che! Malamang, magkatabi. Paghiwalayin ko mata ko?"

"Naku, naku, naku! Wag ako Toni."

"Wag din ako Chin. Saka hayaan mo na sila, ganun talaga, malakas ang tugtog eh." kunwari na lamang ay sabi niya kahit na katulad ng kaibigan ay naaalibadbaran din siya sa presensya ng bago nilang kasamahan. 

Ipinakilala ito sa kanila noong panahong biglang nagbago ang pakikitungo sa kanya ni Lorenz. Lailanie was a girlfriend material type of girl. Matangkad, mahaba ang buhok, balingkinitan ang katawan, mapostura. Lalo pang gumaganda ito dahil sa husay rin nitong magmake up. Mukha ring matalino ang dalaga. Batid niya ring napag-usapan na ito ng ilan nilang kasamahang binata. Hindi naman maiiwasan dahil she's someone na talagang lilingunin ng kalalakihan. 

Do You Believe in Magic?Where stories live. Discover now