-- 26 --

211 10 3
                                    

Lumipas ang mga linggo, hindi man sinasabi ay parang napansin ng mga kasamahan nina Toni at Lorenz na hindi okay ang samahan ng dalawa. Marami mang katanungan ang gustong mabigyang kasagutan ay mas pinili ng mga ito ang manahimik na lamang. Mayroon mang usapan ay hindi parang tsismis na kumakalat kundi pag-aalala para sa pinanghihinayangang pagsasama.

Hindi nais pag-usapan ni Toni ang kanilang naunsyaming pag-uusap sana ni Lorenz noon. Kahit na ang balak niya ay magmakaawa sana kay Lorenz para ayusin ang relasyon nila, ngayon, mas pinili niyang gawing tuldok na ang pag-uusap nila sa text message. 

Lorenz, on the other hand, didn't want to pressure Toni. Gusto niyang matuloy ang pag-uusap nila. Marami siyang nais sabihin sa dalaga, ngunit iniisip niyang hindi pa tama ang oras para pag-usapan nila iyon. Marami na ang naging espekulasyon, sa ngayon, hahayaan niya na lang muna ang mga iyon.

_____________________________________________

April. Natuloy na rin ang sinasabi ni Chinchin na Team building a.k.a 'outing lang' nila. Mas pinili ng school admin na isagawa ito sa panahong nakapahinga rin ang mga gawain ng kanilang mga guro na may kinalaman sa paaralan.

"Buti na lang inurong nang inurong yung outing natin noh. At least ngayon, naka-move on na kahit papaano si tita kaya pinayagan ka nang sumama." Si Chinchin.

"Ay bakit, hindi ka dapat sasama?" usisa ng isa nilang kasamahan. Madaling araw pa lamang ay naroroon na sila sa school quadrangle, ito na rin ang nagsilbing meeting place nila. 

"Hindi, dapat sasama rin si tita." Pang-aasar ni Chinchin.

"Ganda nito kausap. Nagtatanong lang eh."

"Maganda talaga ko."

"Ewan ko sayo. Toni, eh si Lorenz, sasama ba? Parang wala pa siya rito…"

"Galing! Kaya pala… kukuha ka lang pala ng balita rito." Si Chinchin.

Tawang-tawa si Toni sa usapan ng dalawa. Maya-maya lamang ay dumating na rin si Michael. May dala pa itong pandesal.

"Wow, boy scout." si Chinchin

"Kumain na kayo?" Tanong ni Michael, hindi pinansin ang pang-aasar ni Chinchin.

"Oo, kumain muna ko bago umalis sa bahay." Si Toni.

"Ay, penge!" sabi naman ng ilan nilang kasamahan. Magalang na inalok din ni Michael ang iba pa.

"Iba yung feels pag ganito noh, para kong bumabalik nomung field trip namin noong elementary saka high school." Si Chinchin na nakasalampak sa flower box. Hinhintay nila ang pagpapasakay sa kanila sa loob ng bus. Nandun na iyon ngunit wala pang go signal para pumasok sila roon.

"Ay, oo nga. Pero mas nakaka-excite pag kasama yung crush mo noh?" Excited pang sabi ng isa. 

"Sana sumama si Sir Lorenz…" saad naman ng isa na wala pang isang taon nilang kasama.

"Ay wow! Crush mo?" Si Chinchin.

"Hoy!" Awat naman ng isa.

"Ay, sorry." Mukha namang nakaunawa ang dalaga. 

Napangiti si Toni. Even she got a little excited. Siguro mas masaya kung okay pa sila ni Lorenz. Ipinilig niya ang ulo sa naisip.

"Teka, bakit ba hindi pa tayo pinapasakay? Para naman tayong batang pinaghihintay dito oh." Reklamo ni Chinchin.

Maya-maya ay lumapit na muli sa kanila si Michael. Nagtungo kasi ito sa office pagkatapos mamahagi ng pandesal.

"Hello po," Malakas ang boses ng binata.

Do You Believe in Magic?Where stories live. Discover now