-- 25 --

143 10 0
                                    

Hindi naman nanibago si Toni sa pagbabalik niya sa paaralan. She was overwhelmed by the warm welcomes of both her students and co-teachers. Naiilang lang siya dahil tingin niya ay hindi pa talaga alam ng mga kasamahan nila ang status nila ni Lorenz kaya sa tuwing may gagawin sila nang hindi magkasama ay nag-uusisa ang mga ito.

"Toni, kain na." Si Chinchin. Kakapasok nya pa lang sa faculty room. Breaktime. Napansin niyang wala pa si Lorenz sa loob kaya nagpasya na lang siyang sumama kina Chin at Michael. Hindi niya rin alam kung nanaisin ng binata na kasabay siya sa pagkain. She knew he was just being nice to her.

Masaya silang nagkukuwentuhan habang kumakain. 

"Naku, alam mo ba yang si Lorenz nung nasa ospital ka, isang linggo ring nag-leave para bantayan ka. Pagkatapos nung pumasok na siya, pagkatapos na pagkatapos ng bell, sibat agad." Kuwento ni Chin. She was touched. "Ay teka, oo nga pala, bakit hindi mo tawagan para sumabay sa atin?"

"Ha? Ano, baka may ginagawa pa. Saka…"

Nagulat pa siya nang biglang may humawak sa bewang niya -- it was Lorenz. Nakaupo na pala ito sa tabi niya nang hindi niya namamalayan. "Bakit hindi mo ko hinintay?" He was staring at him.

"W-wala kasi akong baon." Palusot niya. Natawa si Chinchin sa sinabi niya. "Eh, baka matagalan na makapag-order dito, ma-late pa ko sa susunod na klase ko. Ang tagal-tagal ko na ngang absent." Bumaling siya kay Chinchin na parang nagmamalaki.

"Wala rin akong baon. Okay ka na r'yan?" Ang tinutukoy nito ay ang pagkain niya. Tumayo ito at nagpaalam sa kanila na mag-oorder ng pagkain. 

Wala sa loob na sinundan niya ito ng tingin. 

"Ay hala, hindi yan mawawala." Biro ni Chinchin.

"Nawala na nga eh." Si Michael, may diin sa boses nito. Sinipa ni Toni nang palihim ang kaibigan.

"Ha?" maang na tanong ni Chin.

"Wala, kumain ka na. Puro ka biro eh." bawi ni Michael.

Maya-maya lamang ay katabi na uli niya si Lorenz. 

"Have this." Si Lorenz. Nilagyan nito ang pinggan niya ng gulay.

"Thank you." Napatingin siyang bigla kay Chinchin. Alam niya kasing aasarin siya nito.

"How was your class, Tonz?" si Michael.

"Okay naman. Parang isang araw lang akong umabsent, alam mo yun?" Kampanteng sagot niya sa kaibigan.

"Na-miss ka ng mga estudyante mo. Na-miss ka namin." Dugtong pa nito.

Napatingin bigla si Chinchin kay Michael. Kahit si Lorenz ay napatingin. Michael was really close to Toni, but he was not that vocal about his feelings. 

"Ay! May ganun?" Pambibiro ni Chin sa kaibigan. "Sana naman lahat nakaka-miss."

"Sana nga." Wala sa loob na bulong ni Toni.

Wala siyang alam na nakatingin na pala sa kanya ang tatlong kasabay niyang kumain.

"What!?! Ano raw?" Tatawa-tawang sabi ni Chinchin. Nagtatakang tumingin siya sa mga ito at parang nagtatanong kung bakit nakatingin ang mga ito sa kanya. "Hmm, bumubulong ka yata. Eheheh narinig namin." Natatawang sabi ni Chinchin. 

Para siyang napahiya sa naisip. Ang dapat sana'y bulong lamang ay naisatinig niya. Nagkunwari siyang hindi naapektuhan.

"Na-miss ka naman namin ha. Na-miss kita." Si Michael.

Kay Michael naman nabaling ang paningin ng tatlong kausap. Tatlong magkakaibang uri ng tingin --- isang nang-aasar, isang nagtataka, isang nang-uusig. Nagpatuloy lamang sa pagkain ang binata.

Do You Believe in Magic?Where stories live. Discover now