-- 6 --

188 11 2
                                    

Katakot-takot na pangangantiyaw ang inabot ni Toni, came Monday. Buti na lang at nagbell na, tanda na magsisimula na ang kanilang flag raising ceremony. Literally, she was saved by the bell. 

Buti na lang at wala pa si Lorenz kanina sa faculty room kaya hindi siya masyadong nailang. Nakita niyang titingin-tingin si Lailanie sa kanya. 

Alas-sais pa lang nang umaga ay nanghahamon na ang sikat ng araw. Tahimik na nakapila ang mga mag-aaral habang isinasagawa ang flag ceremony. Isa sa mga maipagmamalaki ng kanilang paaralan ay ang pagiging disiplinado ng kanilang mga mag-aaral. Mga estudyante rin nila ang naglelead sa programa. 

Lorenz wasn't late. Hindi na lang niya nakuhang maibaba ang kanyang gamit sapagkat pagpasok niya sa paaralan ay magsisimula na ang seremonya. 

Lahat ng teachers ay nag-uumpukan sa iisang lugar habang nakapila nang maayos ang mga mag-aaral, per section. Marami ang mag-aaral sa kanilang paaralan dahil kilala ito sa kanilang lugar. Kahit ang mga mag-aaral sa unang baitang ay disiplinadong nakikilahok sa seremonya. Napangiti siya. Nasa kabataan talaga ang pag-asa ng bayan. He thought.

Hindi siya lumapit agad sa mga kasamahan. Nang papalapit na siya napansin niyang mayroong wala sa kanila. Si Toni. Absent? Luminga siya sa paligid. Napansin niyang nasa likod ito ng kanyang advisory class. Sa halip na makiumpok ito sa mga guro at lumilim, pinili nitong samahan ang kanyang mga mag-aaral. Pinahanga na naman siya ng dalaga. 

Nagulat si Toni nang may lilim bigla sa kanyang kinatatayuan. Napatingin muna siya sa anino ng lumapit sa kanya para payungan siya bago siya tuluyang mapatingin sa kung sino ang gumawa nito. It was Lorenz. He was smiling at her. "Mainit." tanging sabi nito at kunwa'y tumingin na sa may stage. 

Namula siya, alam niya buti na lang at namumula na talaga siya dahil sa sikat ng araw. Hindi sinasadya ay napatingin siya sa mga kasamahang nasa kalayuan nila, nakangiti ang mga ito na nakatingin sa kanila. May nagbubulungan pa. Napansin din niyang may mangilan-ngilang mag-aaral ang napadako ang tingin sa ginawang paglapit na iyon ng binata.

"Thank you!" mahinang bulong niya rito.

He just smiled. Parang maloloka si Toni sa nararamdaman. His scent was also getting into her nerves. Ang bango. Nakaka-inlove. 

Nang isa-isa nang nagsilakad ang mga mag-aaral upang pumunta na sa kani-kanilang silid-aralan, nagtaas siya ng paningin kay Lorenz. Hanggang dibdib lang siya nito.

"Kailan kaya matatapos ang pagrenovate sa covered court?" nagsimula siya ng mapag-uusapan. 

"Malapit na yun." there's something in his voice that was making her quiver, every time. Masarap sa pakiramdam ang mapalapit sa binata. Hindi niya alam bakit ganun ang pakiramdam niya. Pero naiilang na siya sa alam niyang tinginan ng mga tao sa paligid nila. Maya-maya lamang ay may ingay na rin sa paligid. 

"Michael, Chin." tawag niya kunwari sa mga kaibigan. Nagsimula na siyang humakbang. Sumunod naman sa paglakad niya si Lorenz. Lumingon siya rito. "Salamat ha." hindi sinasadya ay napahawak pa siya sa siko ng binata. Lorenz smiled at her. "No problem." 

Walang lingon-likod na nagtungo na si Toni sa mga kaibigan. Hindi na rin niya hinintay na asarin siya ng mga ito kaya halos kaladkarin niya na si Chinchin sa pagpasok sa faculty room upang mabriefing ito na wag na siyang tuksuhin sa binata dahil nahihiya na siya rito.

Sa kabilang banda, hindi mapigilan ni Lorenz na mag-isip kung bakit parang ayaw sa kanya ni Toni. Hindi niya alam kung nahihiya ito o dahil baka may magagalit kung lalapit siya rito. Si Michael ba? Si Eman? He couldn't dare ask their colleagues. Why would he be bothered, anyway? Naiinis siya sa naiisip.

Sa loob ng faculty room ay nagsisipaghanda na ang mga guro para sa unang klase.

"Good morning, Lorenz." bungad na bati ni Lailanie sa binata na pinakahuling pumasok sa silid.

Sabay na nag-angat ng tingin ang magkaibigang Toni at Chinchin. "Ah, ah, ah, kita kita. Ano? May natatanging pagbati?"

Inismiran na lang ni Toni ang kaibigan. Naiinis siya dahil hindi niya napigilang mag-react nang marinig iyon.

Umugong naman ang mahinang asaran sa loob ng silid. "Sino ba talaga, Mr. Nice Guy?" pang-aasar ng isa nilang kasamahan. Ngumiti lamang si Lorenz. 

"Sumagot ka, Lorenz." sa loob-loob ni Toni. 

"Sino nga ba?" nagulat pa siya nang bumulong sa kanya si Chinchin.

"Che! Nagulat ako sayo. Manahimik ka na nga. Mauna na 'ko sayo, tagal mo eh." tumungo na nga si Toni sa klase. Ayaw niyang masira ang araw niya sa panonood ng tila nagpapatuksong si Lailanie. She shouldn't feel it. Pero naiinis siya. Pakiramdam niya may gusto si Lailanie kay Lorenz at ganun din ang binata sa dalaga. May bulungan pa ang mga ito lagi. Sila ring dalawa ang madalas na sabay mananghalian. 

Inaamin na ba niya na may pagtangi siya kay Lorenz. She shrugged. She was just irritated, pananakip niya sa tunay na nararamdaman.

Masayang nagsimula sa pagtuturo si Toni. 

"Magandang umaga, Love." Nasa grade 6- section Love siya ngayon. Nakasanayan niya nang tawagin ang buong klase ayon sa seksyon ng mga ito.  

"Magandang umaga rin po, Binibining Toni." magalang na pagbati ng mga mag-aaral. Siya ay nagtuturo ng Filipino. Habang nagkaklase ay nakita niyang napadaan sa corridor si Lorenz, kasabay nitong naglalakad si Lailanie. Kikiligin na sana siya ay umurong pa. Medyo nakaramdam tuloy siya ng pagkainis. 

Biglang umingay nang bahagya sa loob ng silid-aralan habang may isinusulat si Toni sa blackboard. "Pssst!!!..." panimulang pananaway niya sa mga bata. "Love!" sambit niya sa seksyon ng mga ito tanda na ang buong klase ang tinatawag niya.

"Yes, love?" gulat siyang napatingin sa may pintuan. Kahit hindi pa siya lumingon, alam niya kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. It was Lorenz. He was standing there, smiling with his dimples all shown up. Butterflies started flying in her stomach. Wala siyang magawa upang pigilan ang pamumula ng mga pisngi.

"Yiiiee…" mas lumakas ang ingay sa loob ng silid.

"Love." muling bigkas ni Lorenz. "Ganda ng pangalan ng section niyo ha." may halong pang-aasar nitong sabi. Halos nakapikit na ito sa sobrang pagngiti. Gusto namang matunaw ni Toni sa hiya dahil sa pangangantiyaw ng mga mag-aaral niya.

"Ms. Toni, you're blushing." Singit pa ng isa. Para namang nakakaintindi ang babae nitong kamag-aral at tinapik nito ang nagsalita. 

"Good morning, Ms. Toni. I just wanted to ask you if you have the key to the faculty room. May naiwan kasi ako kaya lang ang susi ko, naiwan ko sa loob ng sasakyan." naging seryoso na ang tingin nito. As always, Toni thought.

Tumango siya bilang tugon. Buti na lang ay napigilan niya ang sariling kamay na manginig habang inaabot dito ang susi sa faculty room. "Ayos lang kahit mamaya mo na ibalik. Ang vacant ko naman ay mamaya nang breaktime kaya I'm sure, bukas na iyon." sinabit niya ito nang makalapit na siya sa binata.

"Thank you! Sorry, naabala kita." he was sincere.

"No problem." panggagaya niya sa tinugon nito sa kanya dati.





Do You Believe in Magic?Where stories live. Discover now