-- 1 --

512 10 0
                                    

Toni was good in the field she has chosen. She always loved kids. She always loved teaching. 

When she was still young, gusto rin niyang maging wedding planner, because she always loved weddings. There was something in weddings that she found magical. Pero nagpakapraktikal na lang siya, hindi laging may ikakasal pero laging mayroong mag-aaral. Naisip niya rin magtayo ng business na may kinalaman sa wedding, ung siya ang magpreprepare ng proposal yun nga lang naisip niyang baka maubusan siya ng ideya. Maybe she was always in love with the idea of falling in love and loving itself. 

"Teacher, sumisilip po si Ms. Chinchin." nakangiting sabi ng isa niyang cute na studyante. Nginitian niya rin muna ito bago tumingin sa may pintuan. Hindi niya napansin ang pagdating ng co-teacher nya and a close friend. 

"Good morning, everyone." bati nito sa mga studyante nya. "Good morning, Ms. Chinchin!" may tonong bati ng mga bata. Nilapitan niya ang kaibigan.

"Bakit?" maang na tanong niya rito. Mag-aalas dose na, mag-uuwian na pala.

"Baka hindi mo pa nabasa yung announcement, may 15mins agarang meeting lang tayo ng 12." nakangising sagot nito. "Baka kasi magtuloy-tuloy ka sa canteen."

"Ay!" may paghawak pa sa dibdib na tugon niya, "anong akala mo sa'kin? Pero baka nga." nag-apir pa silang dalawa sabay nang mahinang pagtawa. "Grabe naman, gutom na ko."

"Yah. Kaya magdismiss ka ng 5mins early."

"Ayaw. Sige na. Salamat sa pagsabi. Kala ko kung ano nang ipinunta mo rito." may pang-aasar na sabi niya.

Bumalik na uli siya sa loob ng classroom. She was handling sweet grade 4 students. Hindi niya kayang magdismiss nang maaga kahit sabihing 5mins ang iyon. Ayos lang na magutom siya. Basta hindi niya isasaalang-alang ang kahit anong may kinalaman sa mga studyante nya. More than she loved her job, she loved her students. 

Pagtungo ni Toni sa audiovisual room ng kanilang paaralan ay halos nandun na ang lahat. Nakita niyang kinawayan siya ni Chinchin, ipinagsave siya nito ng upuan. Nakangiti siyang lumapit dito. 34 silang lahat na teacher sa private school na kanilang pinagtuturuan. 

"Wow ha! Talagang tapat ka sa iyong oras." pang-aasar ni Chinchin sa kanya na ang tinutukoy ay ang pagpapalabas niya sa mga bata ng tamang oras. "Hiya kami sayo oh." 

"Late na ba ko? Ako ba dapat mahiya?" balik pang-aasar niya rito.

"No naman. We are just about to start pa lang naman eh." conyo-conyohang tugon nito.

Bago pa siya makapagbitiw ng isasagot dito ay pumasok na sa loob ng silid ang kanilang principal. Behind her was a tall, not so dark but very handsome man. Napako ang tingin ng lahat dito.

Siniko siya ni Chinchin. She knew she was blushing, kaya hindi siya lumingon sa kaibigan at nagkunwaring nakafocus sa principal nila na nagsimula nang magsalita.

"Good afternoon, everyone. I'm sorry of I call for an emergency meeting but it will be very short." their principal was always humble. "I have an appointment kasi mamaya kaya mineet ko na kayo ngayon. Thank you teachers especially for those who are at the moment handling sections of Mrs. Pilar. Hindi ko alam kung nakarating na sa inyo ang balita, but she won't be back. She needs to to retire early because their family will migrate to Canada." parang mga bubuyog ang ingay na nalikha ng mga teacher dahil sa announcement na iyon ng kanilang principal. 

Some were lonely because they would miss their co-teacher who had been a mother to them. Others were worried dahil sa extrang teaching load na hawak. 

"Ang swerte naman ni Mam Pi." si Chinchin. "Pero sino kaya ang kasama ni Mam Magdalene? Gwapo noh." maarteng sabi nito. "Anak kaya niya? Taken na kaya?" 

"Sshhh ka na lang. Nagsasalita pa si Mam oh." saway niya rito. She was right, that guy was handsome. Well handsome was an understatement. He's charming, charismatic. 

"I know naging pamilya na natin si Mrs. Pilar, a mother for the most of you." pagpapatuloy ng kanilang principal. "So the admin wanted to tell you that we will throw a party for her." 

Parang may dumaan na namang bubuyog sa silid. "Ma'am Magdalene, siguro po maganda kung gumawa po tayo ng video presentation para kay Ma'am Pilar." suhestiyon ng isa nilang kasamahan.

Marami pa ang nagbigay ng suhestiyon para sa ninanais nilang ihandog sa minahal nilang kasamahan. Ngunit mapapansin din na ang karamihan, lalo na ang mga kababaihan ay pasulyap-sulyap sa lalaking nakangiti sa kanila habang nagmimeeting. 

"Thank you, teachers for your suggestions. Mike, make sure na naisulat mo lahat ng suggestions." Mike was her co-teacher. Ito ang nautusan for the minutes of the meeting. "Anyway, kanina rin ay nakahanap na kami ng pinakaqualified na ipapalit kay Ma'am Pilar." tumingin ito sa lalaking kanina pa nakaaagaw ng pansin ng karamihan. Inilahad ng kanilang principal ang kamay nito sa harapan na parang nagsasabing kailangang magpunta ng lalaki sa harapan. Ganun nga ang ginawa nito.

Nagpalakpakan ang lahat. Uncalled. Galak na galak ang karamihan lalo na ang mga babae pati na ang may mga pusong babae. Maingay dahil nagkakantiyawan. 

Ngiting-ngiti ang lalaking lumapit sa harapan at nagbow pa nga. That dimple could drown them all. He was smiling, even his eyes were smiling.

"Good day, everyone! Teachers, I'm so honored to be working with you all. I'm Lorenz Veracruz." muling nagpalakpakan ang lahat. Kinikilig pa ang iba. Nagpalibot-libot ang tingin ni Lorenz, walang nilagtawan, his eyes were greeting everyone.

"Gwapo, sisteret." 

Their eyes met. For a second ay gustong kiligin ni Toni. Ngunit nang malagpasan na siya ng pangingin nito ay para siyang nadismaya. Ano bang akala niya, titigil ang oras at itutuon nito ang paningin sa kanya? "Feeling bida sa pelikula." bulong niya.

Do You Believe in Magic?जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें