-- 2 --

283 7 0
                                    

    Isa si Toni sa mga humahawak pansamantala ng isa sa mga klase ni Mrs. Pilar. Although she felt sad upon learning na hindi na ito makababalik, natuwa siya na mayroon nang kukuha ng additional load niya -- makaluluwag din iyon sa kanya.

    She was writing something on the board when she heard a not so loud commotion. Nilingon niya ang mga estudyante, “Teacher, someone is looking for you.” the little girl’s smile was so sweet.

    Hindi niya napansin na may kumakatok na pala sa pinto. Palapit na siya sa may pintuan nang mapagsino ang naroroon. Hindi niya maintindihan ngunit pagkakita sa lalaking nakatayo sa may pintuan at nakangiti nang maganda sa mga bata ay parang binundol ang puso niya. Naging malakas at mabilis ang tibok nito. Then suddenly, he looked at her and greeted her with a smile -- halos naging singkit na ito at lumabas pa ang sadyang nakalabas ng dimple nito. Naiinis siya sa sarili. Why couldn’t she act naturally? Bakit ba parang hindi siya nagiging normal sa tuwing nakikita ito? 

    She knew that she was blushing. Ramdam na ramdam niya na umakyat ang dugo niya mula paa patungo sa ulo niya. Still she managed to smile back. “ Good morning, Sir Veracruz.”

    “Good morning, Ms. Toni. Tama po ba?” his voice, was he singing? It sounded so good. Gustong niyang batukan ang sarili. Hibang!

    “Yes, Sir. Ano pong kailangan nila?” mukha siyang teenager na hindi makahuma sa harap ng kanyang crush. Wait, crush? No way, sabi ng isip niya. Pero why not? Nais na naman niyang batukan ang sarili.

    “Sayo napunta Miss ang isang class ni Ma’am Pilar, right?” tumango siya bilang tugon, “Nasabi naman na sa akin pero I wanted to know kung may iba ka pang activity na naipagawa sa mga bata at kung pwede ay mahiram ko ang record mo sa kanila.” there, he sounded serious na. There was authority in his voice. 

    “Yah! Iabot ko na lang mamaya sayo, Sir. Naiwan ko kasi sa faculty ung record ko sa kanila.”

    “Sure, sure.” nakangiti ito. “Sorry sa abala.” inilahad nito ang mga palad sa kanya. Nataranta si Toni. Kailangan ba yun? Teka, basa pa ata ang mga kamay niya. Naiilang man ay iniabot niya ang mga kamay rito. He smiled again, “I am looking forward to working with you.” he was charming pero hindi mapagkakailang ang dating nito ay may authority. Yung tipong mapasusunod ka niya -- or was she the only one feeling it? “Thank you, class!” bumaling ito sa mga batang nasa loob at tahimik na nakaupo sa kani-kanilang mga upuan. Nakangiti pala ang mga ito at nagmamasid sa kanilang dalawa. Napahiya siya sapagkat hindi niya ito naipakilala sa mga mag-aaral niya. “Sorry, I forgot.” tila nakuha naman agad nito ang ibig niyang sabihin. “Okay lang Miss. Sige, thank you uli.” kumaway pa ito sa mga bata bago tuluyang umalis. “Bye, Sir.” habol ng mga batang parang tuwang-tuwa sa bagong guro. Totoo naman, he really was charismatic. “Teacher, you were blushing kanina.” tukso ng isa niyang mag-aaral. Sumang-ayon naman ang iba pa sa pamamagitan ng isang malakas na “ayyyyiiiieee”. Napapikit siya, nahiya dahil baka narinig pa nito ang panunukso sa kanya ng mga bata. “Pssshhhh… enough class. Hindi ah. Kayo ha, marunong na kayo manukso.” nakangiting sabi niya sa mga ito. 

    Bumalik siya sa kanyang ginagawa. Natapos ang kanilang klase na may kasamang pag-uusisa mula sa kanyang mga mag-aaral patungkol sa pangalan ni Lorenz. Halos hindi rin natapos ang panunukso ng mga ito. May isa pa siyang estudyante na nakapagkuwento agad sa kanyang sundo ng nangyari. Napailing na lang siya. That’s why she loved kids, pinagagaan ng mga ito ang loob niya.

Do You Believe in Magic?Where stories live. Discover now