-- 4 --

172 7 4
                                    

After that 'asaran incident' , tuwing may pagkakataong makasalamuha niya si Lorenz ay umiiwas siya. Ayaw niyang pag-isipan siya ng mga tao sa paligid niya na may gusto siya rito. Ayaw rin niyang isipin nito na nagpapansin siya. At sa totoo lang, ayaw niyang maasar siya rito dahil ayaw niyang makaramdam ng kilig at baka siya pa ang tumotohanan sa pang-aasar sa kanila. Hindi iyon mahirap alam niya. He was every girl's dream. 

Malayo pa lang ay alam na niya na kung sino ang makakasalubong niya sa corridor. Iiwasan niya sana ito, tulad ng ginagawa niya ng mga nagdaang araw pero mas nakakahiya kung gagawin niya ito. She really didn't want for their paths to cross because she couldn't help but blush. 

Nagkunwari na lamang siyang may hinahanap sa bag niya. "Good morning, Ms. Toni." the voice that can make girls kilig. Kunwari ay nagulat siyang napatingin rito kahit alam naman niyang makakasalubong niya ito -- oa ang pag-angat niya ng ulo.

She smiled. Like a highschool girl. "G-good morning." tumuloy na siya sa paglalakad. Naiinis siya sa sarili dahil nabulol pa siya sa harapan nito. 

Lorenz looked back at Toni. She really was cute and shy. He wanted to be friends with her. Alam niyang nahihiya ito sa kanya dahil sa pang-aasar ng mga katrabaho. He also knew na mas matanda siya rito ng apat na taon. Though sa work ay mas senior ito sa kanya dahil nauna itong pumasok sa eskwelahan nila, wala siyang nararamdamang ere sa dalaga. He found her mysterious. 

Ilang araw niya nang napapansing umiiwas si Toni sa kanya. Kapag nasa faculty room sila, ramdam niyang pinipigilan nitong mapadako ang tingin sa kanya kahit siya pa ang nagkukuwento. He knew because he was looking at all of them. He was always like that, he wanted everyone to feel that they belong to the group. He never wanted anyone to feel alienated. Kaya nabobother siya na iniiwasan ni Toni na makisali sa usapan kapag nandun siya. Although some of their colleagues told him that Toni was really kinda shy.

He cleared his throat first before talking, "Ahm, Toni…" nagulat man ay nagawa pa rin ni Toni na magmukhang kalmado nang lumingon siya sa tumawag. She raised her eyebrows signaling him to continue talking. "About Ma'am Pilar's despedida. Nag-usap kaming mga nasa faculty room kanina, may mga magsasayaw daw, kakanta. Partners , grupo, like that. Since ayoko sumayaw, they told me na ayaw mo rin daw nun. So, they suggested we should sing together. Ahh…" 

Hindi malaman ni Toni ang sasabihin. "Talaga ba? Loko talaga yung mga yun. E-ewan ko. Hindi ko pa sure. Baka tagapalakpak na lang ako." tumawa siya pakunwari. 

"I told you lang. Pero if you're uncomfortable, it's fine with me." Lorenz's voice got a bit unfriendly in an instant. 

Tipid siyang ngumiti. Ramdam niyang naiba ang mood ng kanyang kausap. "Thank you."

"Yah. Sige, go ahead." nauna nang tumalikod at naglakad si Lorenz. 

Inirapan ni Toni si Lorenz bago tuluyang pumunta sa susunod niyang klase. "Problema nun?" mahina niyang naiusal. He was friendly earlier, tapos biglang nag-iba ang tono nito. Hindi na lang niya pinag-isipan pang mabuti. Nakangiti siyang pumasok sa loob ng silid-aralan.

Lorenz got irritated at himself. Hindi niya napigilan ang sarili na maging arogante. Hindi naman siya nasaktan na parang ayaw ni Toni na maging partner sila sa kantahan pero nainis siya na parang hindi nito nafefeel na sinusubukan niyang makipagkaibigan dito. Hindi niya maintindihan ang sarili. Was he offended because this was the first time a girl resisted her charm? He couldn't answer himself. Pero naiinis siya. Naiinis siya talaga. Kay Toni? Sa sarili niya? 

"Hey!" si Michael, nakatingin pala ito sa kanya nang pumasok siya sa loob ng faculty room.

"Vacant time mo?" naitanong na lang niya rito.

Do You Believe in Magic?Where stories live. Discover now