-- 13 --

160 9 4
                                    

Lorenz was Toni's first love. Wala siyang ideya kung ano ang pakiramdam ng nasa isang relasyon. Puro kilig lamang ang alam niya. Iba pala kapag ang kilig ay may kasama ng pagmamahal.

Mag-iisang buwan na silang magkasintahan ay wala pang pinagsasabihan sina Toni tungkol sa kanilang relasyon. Sinabi niya sa binata na huwag na munang ipaalam sa mga kasamahan lalo't hindi naman itinatanong ng mga ito.

"Lorenz, can you please help me?" Malambing na tanong ni Lailanie. 

Napaangat ang tingin ni Toni sa mga ito. Tiningnan niya si Lorenz. Nakita niyang nakangiti ito sa dalaga. 

"Sure. Sa'n ba?" Tanong ni Lorenz.

"Sa 3rd floor lang sa kabilang building. Kailangan ko kasi sa klase ko." Ang tinutukoy nito ay ang speaker na may kalakihan. 

Maliban kay Toni ay nakatingin din ang iba nilang mga kasamahan. Tahimik kasi sa loob ng silid kaya rinig na rinig ang boses ng mga ito.

"Pwede namang magpatulong sa estudyante." Bubulong-bulong na sabi niya.

"Huh?" Bigla siyang kinalabit ni Chinchin. "May sinasabi ka?"

"Ano?" Nakasimangot siyang bumaling dito. "Wala. Kinakausap ko lang sarili ko." 

"Hala, parang tinatanong lang eh." Tumingin ito sa tinitignan niya kanina."Ay sus! Alam ko na dayyy!" Pang-aasar pa nito.

Inirapan niya ang kaibigan. "Ewan ko sayo." Ang tangi na lamang niyang nasabi.

Naiinis siya hindi kay Lorenz kundi sa kanyang sarili. Siya naman itong ayaw munang ipaalam ang relasyon nila. Napakababaw rin ng dahilan ng kanyang ipinagsisintir.

Lumipas ang oras na hindi maalis sa isip ni Toni ang nasaksihan kanina.

Last period. Tumayo na siya upang magtungo sa kanyang huling klase. Nilagpasan niya si Lorenz. 

"Toni!" Tawag nito, hindi niya pinansin ang binata. Nagtuloy-tuloy siya sa paglabas.

Maya-maya ay kasunod niya na ito. "Hey! Toni!" Kunwari ay binangga siya nito sa balikat. Tiningnan niya lamang ang binata at nagpatuloy na sa paglalakad. "May problema ba?" Biglang naging iba ang toni nito.

Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. Wala siyang sinasabi. Kahit siya naiinis sa kaartehan niyang iyon ngunit hindi niya mapigilang hindi magselos. Tama, nagseselos nga siya.

Pagkakitang wala nang guro sa klase niya ay pumasok na siya. Nakita niyang tumigil sa may harapan ng silid niya si Lorenz. Pero ilang segundo lamang ay nagpatuloy na ito sa kanyang silid-aralan. 

Habang nagkaklase ay nawala naman na ang inis na kanyang nararamdaman. Para siyang nahimasmasan sa inasal niya kanina. It was her pride.

Katulad ng nakagawian, hinintay muna ni Toni na makalabas ang lahat ng mga bata bago siya tumungo sa pintuan. Nagulat pa siya dahil paglabas niya ay sumulpot bigla si Lorenz.

Nakangiti ang binata sa kanya, ngunit hindi abot hanggang mata. "Can we talk?" Tumango siya. Kinuha nito ang mga bitbit niyang gamit. "Sa canteen muna tayo?" 

Umayon siya, wala namang ganong tao sa canteen dahil nagsiuwian na ang mga bata.

"Toni, may nasabi ba kong masama?" Umiling siya, "Nagawa?" Hindi niya mapigilang kiligin sa boses at titig nito. Napangiti siya bigla. "Oh? You're making me worried."

"Sorry." 

"Saan?"

"I was being childish."

"Pwede mong sabihin."

"Kanina," nahihiya niyang umpisa. "Si Lailanie…"

He smirked. "Nagselos ka?"

"Tingin mo?"

"Ang cute mo." Pinisil pa nito ang pisngi niya. Pinalis niya ang mga kamay nito. "Sorry, hindi ko naisip yung mararamdaman mo. Pero tumulong lang naman ako." He was sincere. "Hindi na mauulit." He hold her hand."

"It's okay. Wala lang naman dapat yun."

"Hindi, I should be careful next time. Promise, I won't do anything na ikasasama ng loob mo."

She smiled. "Sorry."

"Okay lang yun, honey." It was his first time to call her that.

Napataas ang kilay niya. "Honey." ginaya niya ito.

"Yah, honey. You're my honey. The sweetest. My favorite"

Do You Believe in Magic?Where stories live. Discover now