PAP39

13.2K 541 150
                                    

PAP39

Tahimik akong pumasok sa loob ng bahay pagkatapos kong panoodin ang pag-alis ni Zeven. It was dark. Madilim na dahil gabi na pero wala ring nakabukas na ilaw. I was confused for a while. Parang walang tao pero nakita kong naka-park ang kotse ni Cell sa harap. I don't know, maybe he used a different car? But that's not possible. Isa lang naman palagi ang kotse niya dito kahit minsan ay paiba-iba ang gamit niya.

Kumunot ang noo ko dahil noong binuksan ko ang pinto ay bumukas iyon. Nakahanda pa naman sa kamay ko ang susi ko kung sakaling naka-lock. That means he's really inside. Why are the lights turned off?

Inisa-isa kong buksan ang mga ilaw at hindi na ako nagulat noong bumungad saakin ang bakanteng living room. For being away for almost two weeks, I thought I would see some changes around or something that I don't usually spot in the house whenever I'm here. Pero wala. Malinis pa rin ang bahay at maintained ang lahat. It felt like I haven't left even a day at all.

Tahimik akong umakyat sa second floor at dumiretso sa kwarto ko. Dapat ay bubuksan ko ang pinto katulad ng nakasanayan ko ngunit agad akong natigil at naging mas maingat sa pagbubukas noong masulyapan ko ang tulog na si Cell. He was on my study table which he uses more than I do now. Mukhang nakatulog ito habang nagta-trabaho. I see now why the whole house is dark.

I hesitated if I would open the lights or not. I'm quite not sure of waking him up. Umuwi lang ako pero hindi ko alam kung handa na ba akong makita ang reaksyon niya. Kinakabahan nga ako ngayon eh.

In the end, I know I need to move. Hindi ko binuksan ang ilaw. Binaba ko lang ang mga dala ko sa kama bago ako maingat naglakad ulit papunta sa pinto upang lumabas na. I was careful not to make a creak sound.

Bumalik ako sa kusina dahil kanina, bago ako umakyat ng kwarto ay may iniwan akong pagkain doon. I'm hungry! These days, I'm becoming more sensitive on foods. May ilang mga kinakain ko naman dati, pero inaayawan ko ngayon, Tapos kapag may naisip ako biglang pagkain, I cannot take that out of my mind unless I ate it! Minsan nakakafrustrate na nga eh!

Maganda ding diversion iyong pagkain ko dahil nakalimot din ako sa kaba ko. I happily enjoyed my time with foods. Nasa bibig ko pa ang kutsara ko mula sa huling scoop ko ng ice cream noong narinig ko ang tunog ng nagmamadaling hakbang at hindi nagtagal ay nagpakita sa harap ko si Cell na malawak ang mga mata at mabilis na nagtataas baba ang dibdib. I froze like I was caught pigging out even if what I'm eating are all the foods I brought.

"Free..." tawag niya. Sa mukha niya ay nakapinta ang gulat at pagka-hindi paniwala sa nakikita. Ni hindi niya inaalis ang tingin niya saakin.

Kalmado kong inalis ang kutsara sa bibig ko. I'll just play it cool.

"Gising ka na?" sabi ko habang minumura ang sarili ko sa isip ko. Obviously, tanga! Nakatayo ba 'yang ngayon kung tulog pa? You're so awkward, Free! "Kumain ka na ba? I'm sorry, I'm—" Napatigil ako at napangiwi habang iniikot ang tingin ko sa lamesa. I don't have anything to offer anymore. Lahat ata nagalaw ko na.

"It's okay... you can eat," rinig kong sambit niya kaya binalik ko ang tingin ko sa kanya. He started walking towards me. Hinila niya ang upuan sa tapat ko at umupo doon. He seems to have calmed down.

"Really?"

He smiled and nodded.

"Okay..." I awkwardly said.

Pinagpatuloy ko ang pagkain ko ngunit ngayon ay mas mabagal na ang mga galaw ko. Kasi naman, ramdam na ramdam ko ang tingin niya saakin. It's awkward.

"What time did you arrive?" malambing niyang tanong. Iba ang dating noon saakin. Pakiramdam ko ay may biglang humaplos ng marahan sa aking puso. Admitting that I missed him is easy, pretending that I don't is harder than I thought.

Pearl and PetalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon