PAP20

16.1K 609 331
                                    

PAP20

"I missed teasing you, I mean," sabi niya at tinanggal ang kamay sa taas ng ulo ko at tinalikuran ako para bumalik sa table na pinili niya.

Napalunok ako habang nakatingin sa kanyang likod. Hindi agad ako nakabawi sa pagkapako ko sa kinatayuan ko kahit iniwan niya na ako.

Shit! What the hell is that?

Nagpeke ako ng ubo at pilit inihakbang ang naninigas ko pang mga paa. I collected my distracterd self. Noong makarating ako sa tabi niya ay hinila ko agad ang upuan sa harap niya at umupo doon. Wala namang masyadong customers, tsaka noong magtagpo ang mata nami ni Joyce ay binigyan niya ako ng thumbs up, iniindika na okay lang.

"Bakit ka nandito?"

"Bawal na ba akong pumunta dito?"

Umiwas ako ng tingin. Why the hell is it so awkward?

"Hindi naman..."

He chuckled. "What's up with you?"

"Ano ba? Kanina ka pa tanong ng tanong ng ganyan!"

"Because you're weird today."

"I'm not!"

"Hmm?" he hummed while smiling mischievously. "Aren't you going to take my order?"

Agad akong napatayo. "Right! Ano?"

"See that?" tanong niya saakin. Nanatili sa kanyang mukha ang mapaglarong ngiti at ang kislap ng tuwa sa mata. Damn it. Ayan na naman iyang mga mata niya.

"Kasalanan mo!"

"Kasalanan ko?" Nagtataka niyang ulit saaking sinabi. "Why me?"

Taas noo akong tumingin sa kanya. "Why not you?"

Tinitigan niya ako. Dahil ayoko namang masabihan niya na naman ako na kakaiba ay sinuklian ko ang tingin niya. His lips curved before he chuckled.

"Excuse me..."

Kumunot ang noo ko noong tinaas niya ang kamay niya para tawagin ang atensyon ni Joyce na nasa may cashier. Kausap nito si Mayla, iyong cashier dito. Aba! Tignan mo, ang bastos! Nasa unahan na ako, tumawag pa ng iba?!

"Po, Sir?" gulat na sagot ni Joyce na agad napaayos ng tayo. Lumingon ito saakin ng may nagtatanong na mata. Nagkibit-balikat ako at tumingin kay Cell ulit para sabihan na ako na pero nagsalita na agad ito bago ko pa mabuksan ang bibig ko.

"Can I order her, too?" nakangisi niyang tanong habang tinuturo ako. Nakatutok ang mata nito sa unahan at hindi man lang lumilingon saakin.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig. Narinig ko ang tawa ni Joyce dahil sa narinig.

"Ay sir! Wala sa menu 'yan! Pero pwede mo namang ayain na lang, konti lang naman tao ngayon!"

Seriously! Joyce! Lumingon ako at pinanlakihan ko siya ng mga mata ngunit ngumiti lang ito saakin na parang kinikilig pa!

"Papayag ba?"

Joyce laughed.

"Payag na payag! Malakas ka dyan, Sir!" Tukoy niya saakin.

Humalakhak si Cell. Bago niya pa mabuksan ulit ang bibig niya ay mabilis ko nang tinawid ang likod ng upuan niya at tinakpan ang bibig niya.

I chuckled awkwardly while trying to maintain my cool. Ang mga mata ko ay diretso pa rin kay Joyce na nang-aasar pa rin ang ngiti at tingin saakin. Alam kong may mga nakatingin na sa direksyon namin pero hindi ko na pinansin dahil mas lalo lang akong maiinis.

Pearl and PetalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon