PAP22

14.3K 654 190
                                    

PAP22

Napatigil ako sa pagsasara ng gate noong pagkalabas ko pa lang ay nahuli ko na agad ang tingin niya saakin. Wala sa sarili kong hinawi ang buhok ko upang ilagay iyon sa likod ng aking tenga.

I was just wearing a puff-sleeve white crop top and wide-leg jeans. A part of my stomach and back are exposed. I also brought a small handbag for my things. It's simple but personally think that I look extra good today. Still! His stare is too much!

"Hindi ka ba naiinitan?" tanong ko sa kanya.

Nakasandal kasi siya sa kanyang kotse habang siguro ay hinihintay akong lumabas. Tanghali pa naman! He could have waited inside his car.

"I wanna see you immediately..."

"At ang solusyon ay ang paghihintay sa labas?" Natatawa kong tanong at lumapit sa kanya. He opened his arms, inviting me to put myself in it.

Ngumiti ako. My steps are small but fast on my way to him. I'm not trying to be cute. Masaya lang ako na may halong kilig dahil nandito na siya ulit sa unahan ko.

He chuckled. "In good mood?" tanong niya at binalot ako ng yakap. Niyakap ko siya pabalik at pinatong ang baba ko sa may parteng dibdib niya para makita ko ang kanyang mukha.

Binaba niya ang isang braso sa bewang ko para suportahan ang likod ko. An electrifying spark went down my spine as his skin touched my exposed back.

"Cell..." tawag ko.

"Hmm?" he said, bowing down to kiss my forehead. "You look beautiful."

Kumibot ang dalawa kong kilay noong narinig ko iyon. "'Di ba?" Bulalas ko at humiwalay sa kanya. Hinawi ko ang buhok ko para lang ipakita sa kanya. "Anong masasabi mo bukod sa maganda ako dahil obvious na 'yon?" tanong ko at tinapat pa sa kanyang bibig ang kamao ko na ginagawa kong kunyaring mic.

Ngumiti siya at hinuli ang kamay ko. Dinala niya iyon sa kanyang labi para magpatak ng halik sa likod ng palad ko. "I missed you..."

I smiled.

Today, he promised to take me on a date. Madalas kaming lumalabas noong mga nakaraan pero hindi ko maalala na formal naming sinabi na 'date' iyon. We just really enjoy long rides and getting into a new place that we're both unfamiliar with. Different from that, he said he wants us to enjoy a normal date.

Napaka-loverboy naman ng bebe!

"What's funny?" he asked upon seeing me giggle while walking to the other side of his car.

Naka-maroon shirt siya na may maliit na tatak ng isang sikat at mamahaling brand sa may upper part nito. It was tucked in his black pants. He's also in his black leather shoes, too. Walang accessory sa kanyang katawan bukod sa silver na relo na nagniningning sa kanyang kanang pulso.

Ngumiti ako at umiling. Binuksan ko ang pinto ng passenger seat at pumasok na sa loob. I really like casual-looking Cell! Kapag kasi formal ang suot niya ay parang ang layo niya saakin. I mean, it gives the vibe of the fact that he's older, working, has achieved more, has a lot to offer-everything.

Nag-aayos ako ng seatbelt noong marinig ko ang pagbubukas ng pinto ng driver seat. Umangat ang tingin ko noong maramdaman ko ang pagkamalapit niya saakin. Cell was leaning into my side so he could reach something from the backseat. Umupo siya ng maayos noong nakuha niya iyon.

"Here..." sabi niya at inilagay sa hita ko ang isang bouquet.

"Today, I got asked why I always buy azaleas..."

Mula sa pumpon ng bulaklak na nasa kandungan ko ay lumipat ang tingin ko sa kanya. Tumaas ang kilay ko.

Ngumiti ako. "Oh? Anong sagot mo?"

Pearl and PetalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon