PAP17

14.9K 523 122
                                    

PAP17

"You figured that out on your own?"

"Yeah. You proud of me?" I asked with my eyebrow raised at him, trying hard to sound playful.

He let out a small laugh and look at the coffee in front of him before he put his eyes back on me. He smiled and extended his hand to pat my head.

"You did well..."

Sumimangot ako at iniwas ang tingin ko sa kanya. Binalik ko ang tingin ko sa unahan ko.

Did I, really? Sa totoo lang ay ayoko lang talagang maging patay ang pag-uusap namin kung masyado akong magiging malungkot. That would not be me. Isa pa, hindi ko rin naman alam kung paano ipapakita iyon.

"I feel terrible..." sabi ko at inilagay ang dalawa kong braso sa table na magkapatong. Pagkatapos ay patagilid kong inilagay ang ulo ko doon para makita ko pa rin ang kanyang mukha.

Inusod niya ang kape ko papunta sa tabi ng kanya dahil masyado itong malapit sa mukha ko. Ang kanyang mga mata ay nakababa na saakin.

"I know."

"Halata ba?"

"Are you really worried about that?"

I pursed my lips. "Hindi naman. Curious lang..."

"Well then, for your curiosity..." he said. He sipped on his coffee before putting it down and look at me again. "You're doing great. I won't be able to tell if I don't know the story..."

"Compliment ba 'yan?"

"Hindi," mabilis niyang sagot. "It's an answer to your question."

"Parang compliment..." mahinang tawa ko.

How weird. Hearing him say that I'm doing great on something that I'm not even giving an effort to... or maybe, I do, but just the minimal-something that I expect myself to do. Sanay na naman ako ganito. Ano naman kung masakit? Hindi naman bago...

What would become of me if I choose my emotion first than me?

"If that would make you better. Then, think of it as a compliment."

"Wag ka nga!"

Umirap siya. "Ikaw lang ang kino-comfort na nagrereklamo, alam mo 'yon?"

"Pano ba naman kasi, yung comfort mo parang pilit! Thank you ha?"

"Anong pilit doon?"

"Isipin mo! Ayoko mag-explain!"

"Edi wag."

My lips parted while looking at him. Napaahon ako mula sa aking pagpapahinga sa mga braso ko. Dahil magkatabi lang kami ay otomatikong gumalaw ang paa ko sa ilalim para sangiin ang sa kanya.

"Stop that!"

He groaned. "Stop what?"

Hindi ko alam kung ako lang ba o napapadalas na nahahawa na siya ng paraan ko ng pakikipag-usap sa kanya! He used to be... a little more formal than this when talking to me! Feeling ko tuloy ang bad influence ko sa kaya kahit sya naman talaga iyong bad influence saakin!

"Really?" tanong niya habang nakataas ang kilay saakin.

It felt like he's criticizing how much unpredictable I am. Kaya hindi matapos-tapos ang pag-uusap namin dahil kanina pa ako may sinisingit. Kasi naman... I just really...

Hay.

Halos isang oras din kaming nasa daan. Even I didn't realize immediately that we reached Tagaytay. Naghanap na lang kami ng bukas na coffee shop para tumigil saglit. At oo, hindi pa rin ako tapos sa kwento ko sa kanya. Tuwing may sinisingit kasi siya ay 'di ko naiiwasang sumagot din. Ilang beses na kaming nalayo sa usapan!

Pearl and PetalsWhere stories live. Discover now