PAP7

16K 590 229
                                    

PAP7

I remained stone in my feet. I didn't like the feeling of being cornered like this but for the first time, I also didn't think of escape as my first option.

No... not exactly.

Alam ko na kailangan kong umalis sa posisyon ko o iiwas ang sarili ko sa kanya. Nabuo na ang ilang mga paraan sa utak ko para gawin 'yon. Pwede akong lumusot na lang sa ilalim ng braso niyang nagkukulong saakin, itulak siya palayo, tumawa at umaktong nakikipagbiro... lahat ng 'yon ay nasa isip ko. Pero nanatili akong nakatayo lang at hinayaan siyang ikulong ako.

What the hell is happening to me?

Nawala ang mapaglaro niyang ngisi noong mapagtanto na hindi ako kumikilos. His eyes darkened as he leaned closer to me. It was getting hotter and harder for me breath or maybe... it was all just because of him and all the times I held my breath every time he moves.

"Is this too much?" he whispered.

"Yeah..." I whispered back. "You're too close..."

"I am?"

I drew my breath deeply before I finally had the strength to raise my hand. Maingat akong gumalaw dahil isang maling galaw ko lang ay maglalapit kami lalo at magdidikit na ang mukha namin sa isa't-isa.

Nilapat ko ang kamay ko sa kanyang balikat at tinulak siya palayo saakin. "You are."

Inalis niya ang kanyang kamay sa parehas na gilid ko at humakbang ng ilang beses palayo saakin. He placed both of his hand on his pocket and look away. Ganoon din ang ginawa ko. Umalis ako sa pagkakasandal sa pillar at inayos ang buhok ko na hindi naman gulo habang tumitingin-tingin sa paligid.

He cleared his throat. Lumingon ako sa kanya dahil doon. Noong nagtagpo ang mga mata namin ay bumalik na ang mapaglaro niyang ekspresyon.

"Took you long enough to push me, huh?" Ngisi niya.

Kumunot ang noo ko. "S-syempre! I was shocked! Bigla-bigla ka na lang nanghihila!" Ganoon pa rin kabilis ang tibok ng puso ko ngunit ayaw ko iyong ipahalata na masyado akong naapektuhan. Damn it! Since when did I became like this around guys? Never!

Binuksan ko ang gate at lumabas. Hinayaan ko na iyong bukas dahil susunod naman siya.

"Just admit it, you're mesmerized."

"Kapal ha! Gwapo ka?"

"Do you even have to ask?"

"Yuck! Gwapo daw sya!"

What am I saying? Nagiging walang kwenta na rin itong mga nagmumula sa bibig ko ngayon! Saang parte ang hindi gwapo, Free? Wait... maybe that's why I was dumbfounded a while ago. His face is just really good up close! Wala nang ibang dahilan!

"You can't piss me off with that, Free. Try harder," hamon niya pa. "Won't you lock your gate?"

Napa-preno ako sa paglalakad papunta sa kotse niya noong marinig ko iyon. "Ilo-lock, syempre!" Dalas-dalas akong naglakad pabalik sa kanya. Nilagpasan ko siya at dumiretso sa gate ng hindi siya nililingon.

Rinig ko ang tawa niya sa likod ko. "Why are you so uneasy?"

"I'm not!" I said while I'm trying to keep my cold hands from shaking. Nagtagal tuloy ako sa simpleng paglo-lock lang! Bwiset!

"Are you that affected?"

"Why would I?"

"Umamin ka na, hindi naman ako magagalit..." gaya niya sa sinabi ko kanina. Bwiset! Bakit imbes na ako ang nang-aasar ay ako ang naasar ngayon! Palagi na lang ganito ang nangyayari!

Pearl and PetalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon