PAP5

16.5K 511 161
                                    

PAP5

"Thirty-thousand 'to?!" bulalas ko at muling sinilip ang laman ng sobreng binigay niya saakin.

It was thick! Oh my god! Hindi mapagkakailang malaking pera ito! Nagulat na lang ako noong iabot niya ito saakin pagkadating namin dito sa bahay. Magpapaalam na dapat ako kanina!

Sa totoo lang ay nakalimutan ko na nga ito! Sa dami-dami ng gabing sinumpa ko siya at sa laki ng inis ko sa kanya, sa isang iglap ay nawala iyon sa utak ko!

He's not a scammer, after all!

"Yeah. In cash. So, it won't be a hustle for-what are you doing?" tanong niya habang pinapanood niya akong bilangin ang perang ibinigay niya.

19,20,21,22,23...

"It's thirty. Don't you trust me?"

"Yeah, I don't..." walang tingin kong sagot sa kanya. "Tunay ba 'to?"

"Of course, it is!"

30! Holly molly!

"Oh? Ilan?" Tanong niya habang nakakrus ang braso sa dibdib.

"Thirty..."

"See?"

Hindi ako sumagot. Sinulyapan ko ang perang nasa kamay ko. Sigurado akong solve lahat ng money problems ko kapag tinanggap ko 'to! Pero...

Tinaas ko ang tingin ko kay Cell. Tumaas ang kilay niya saakin.

"What? Is it not enough?"

I lost all my prejudice to him after being with him and talking to him. Seriously... I didn't know that I'd end up feeling like this but there's something in me that doesn't want to accept the money anymore.

Kainis! Pero kailangan ko 'to!

Damn it!

"Are you being serious right now?" Hindi niya makapaniwalang tanong saakin noong makitang akong binibilang na naman ang pera.

Hinila ko ang sampung libo mula sa sobre at tinupi iyon. I kept it in me before I held the envelope back to him.

"What?" gulo niyang tanong.

"I'll stick with my original demand."

Ayan! Para hindi na ako makonsensya ng sobra! Kaysa namang ibigay ko lahat sa kanya! May pangangailangan din ako!

Tumaas ang kilay niya saakin at tinanggap ang sobreng binibigay ko. Sumunod ang mata ko doon. Oh my, 20k! We are not destined for each other!

"Are you sure?"

Napalunok ako. Kumurap ako ng ilang beses bago ko pa nailayo ang tingin ko sa sobre upang ibalik sa kanyang mata.

"Y-yeah!" sagot ko.

"Weh?"

"Oo nga!"

"Final answer?"

Sinamaan ko siya ng tingin! Bakit may pa-final answer pa siya?! TV host ba sya?! Napalunok ako at hindi agad sumagot. Nakakainis! Bakit nakaka-pressure 'yang final answer na iyan!

Final answer na ba, Free? Sure ka na ba? Sure na sure? Super sure?

I cleared my throat and look away. Unti-unti kong tinaas ang kamay kong may hawak ng tinupi kong mga pera. I raised my forefinger and bit my lips.

"I-isa pa..." Nahihiya kong sabi. Nag-init ang pisngi ko dahil sa ginagawa ko.

Tumawa siya at inilahad saakin ang sobre. Sulyap lang ang ibinigay ko sa kanya bago ako humugot ulit ng isa pang bill mula doon. Kasabay ng paghugot ko ay may tumaas ding dalawa pang bill.

Pearl and PetalsWhere stories live. Discover now