PAP3

18.4K 660 151
                                    

PAP3

Normal pa rin naman ng buhay ko. Oo, hindi ko pa din alam kung paano ko mababawi iyong perang nawala saakin at kung paano ako magbabayad sa mga padating nang bills sa susunod na linggo, pero natural naman iyon saakin.

Wala namang ganap. Walang katapusang aral, trabaho, at bahay pa din ang cycle ng araw-araw. Pero ewan ko, pakiramdam ko ay may mga nagbabago na hindi ko mahabol dahil kahit normal naman ang pagdaan ng araw ay mabilis pa rin ang daloy nito.

Ano daw? Tignan mo, pati ako hindi ko maintindihan ang sarili ko.

"Hi, Free!"

Lumagpas lang ako sa bumati saakin habang abala pa rin ako sa pag-iisip habang pinaglalaruan ko ang dulo ng aking buhok.

"Free!" tawag pa nito ulit.

Kulit!

"Oo, ako si Free pero hindi ako free!" medyo malakas kong sabi dahil nakalagpas na ako sa kanya. Hindi ako lumingon at kumaway na lang saglit.

Isa pa 'to! These boys keep on pestering me! They must have figured out that I don't have a boyfriend anymore because that jerk, Jace is always with someone else now!

Ayokong magmukhang parang ako iyong kawawa pero may patong-patong pa akong problema! I can't handle dealing with someone right now!

Lord, instead po ng jowa, pwede po ba pera na lang? Pero kung super generous po kayo today, pwede naman pong jowa with pera. Di naman po ako tatanggi.

I sighed. Tuloy kaya yung meeting ko sa isa ko pang grupo mamaya? Bwiset, ang hirap ng walang phone! Araw-araw ko tuloy dala ang laptop ko! Inis!

Damn, naalala ko na naman.

I frowned and let go of my hair. Inilagay ko na lang ang dalawang kamay ko sa magkabilang handle ng backpack ko habang naglalakad.

Shall I go to the rooftop?

Kumunot ang noo ko noong saktong maisip ko iyon ay tumigil ang mata ko sa likod ng isang lalaking kilalang kilala ko. Napangiti din ako agad. He's a lot busier these days! Halos hindi ko na nga siya makausap ngayon!

"It's Zeven..." I excitedly hummed to myself as I jog towards him.

Natigilan ako noong sinalubong siya ng isang babaeng malaki ang ngiti. Ang bagsak na itim nitong buhok ay umalon pa sa hangin. Pakiramdam ko tuloy ay nanonood ako ng commercial ng shampoo. I stopped on my track and my smile vanished as I watch them talk. Tumatawa pa ito at base sa pagtaas-baba ng balikat ni Zeven ay ganon din ito.

My heart constricted and I stepped back.

This... hindi ko man tanggapin ay alam kong ito ang unti-unting nagbabago. Since that day.

I always see them together, almost everyday-more than Zeven and I have to sit with each other and chat. Actually, halos wala na nga iyon eh.

Miyaki Pelaez or Miya alone. I heard of her name from Zeven himself. She's a third-year Business Ad student, too, pero ngayon lang nakilala ni Zeven dahil hindi niya pa nagiging kaklase kahit noon pa man. Apparently, they are preparing for whatever-I-am-not-interested-about outside competition to represent our school. Well, basically, iyon ang dahilan kung bakit sila palaging magkasama ngayon.

Huminga ako ng malalim at tinitigan silang dalawa. Imbes na umatras pang muli at tumalikod ay nagdesisyon akong maglakad na papalapit.

I cleared my mind in whatever I was thinking and I jumped and grab Zeven's neck to surprise him. Nahila ko siya pababa dahil doon.

"Wha-" natigil ang kanyang sasabihin noong makita ako. He calmed down immediately. Si Miya naman ay mukhang nagulat dahil sa pagsulpot ko.

"Aish, you're no fun," reklamo ko. Wala man lang akong nakitang kakaibang ekpresyon!

Pearl and PetalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon