PAP1

26.5K 686 141
                                    

PAP1

Ilang beses akong kumurap habang nakatitig pa rin sa kanyang mukha. Nakangiti pa rin ito sa akin na parang nag-aabang ng sagot ko.

Mapaglinlang! Free, wag mong kalimutan na wala ka sa sitwasyong 'to kung hindi ka niya tinawag! Argh! My money...

Bwiset talaga!

Umirap ako at umikot na muli para magsimula nang maglakad. Ngayon ay mas binilisan ko ang paglalakad ko para makalayo na sa kanya.

I don't have any energy to deal with him after all of this. Hindi ko na din maalala kung ano ang dapat na isisigaw ko sa kanya kanina kaya wag na lang.

"Hey, c'mon..."

Naramdaman ko ang pagbilis ng hakbang niya sa likod ko kaya mas binilisan ko pa ang akin. Wala nga lang akong nagawa noong naglakad-takbo na siya.

I glared at him when he stepped beside me.

I stopped. "Ano ba?!" inis kong tanong.

"I'm sorry na! Please?"

"I heard it, okay! And I don't care! Hindi mo na kailangan ulitin dahil wala namang magagawa 'yang sorry mo! I lost my money and my things already! Isa pa, hindi naman kita kilala, kaya pwede ba!"

Just go away! At least, I'm giving him the least courtesy I can give for a stranger! Partida pa dahil inis na inis talaga ako ngayon! Kung hindi ko lang kailangang pumunta sa trabaho ngayon ay magwawala na ako!

Natahimik siya. Noong nanatili lang siyang nakatitig saakin ay nagpatuloy na ako sa paglalakad at iniwan siya. Nahagip pa ng mata ko ang bulaklak na nasa kamay niya pa rin hanggang ngayon.

Frustrated kong hinawi ang buhok ko. So what about that freaking flower?

Hindi ko pinansin na nanatili pa rin siyang tahimik na naglalakad sa likod ko. I just know that I need to move faster so I won't be late.

Napakunot ang noo ko at bumagal ang lakad ko noong napansin ko na kahit kanina pa may ibang daang pwedeng tahakin ay nakasunod pa rin siya saakin. I even felt him slow down too!

I gritted my teeth. Ano pa bang gusto niya!

"Don't you realize how creepy you are?! Stop following me!"

"What can I do? You're the only one I know here."

I look at him, dumbfounded for a couple of seconds. Anong kilala? We're total strangers to each other!

"Stop talking nonsense and leave me alone," I said and turn my back again. Hindi ba pwedeng magluksa muna ako? Siguradong hanggang ngayon buwan na lang ang aabutin ng buhay ko.

My god! This poor life of mine!

I don't really love my life that much. Actually, I hate it. Pwede na siguro itong katapusan ko. Hindi ko nga din ineexpect na tatagal pala ako ng ganito. I did well, huh?

"I'm telling the truth!"

Shut up. Let me enjoy my final walk in this crazy world.

"Miss! Miss Pinked-haired, listen!"

"Wala nga akong kilala dito! Ikaw lang!"

Paanong ako eh hindi nga kita kilala? What's up with this guy? Hindi mo ako madadaan sa mukha mo! O kaya sa salita o bulaklak! Bakit pa ako lalandi eh hindi na naman ako makakasurvive sa susunod na buwan?!

"Hey, I just really need your help."

I sneered. Hindi ako lumingon sa kanya ngunit matalim akong tumitig sa unahan ko habang naglalakad pa din.

Pearl and PetalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon