Kabanata 9

19.4K 345 15
                                    

Kabanata 9

Vacation

"So how's the first night, bes?" Isinandal ko ang telepono sa aking balikat at gilid ng ulo para makakuha ng cookies sa jar habang kinakausap si bes.

"Bes! Ano ba namang tanong 'yan!" Nica shrieked over the phone. Muntik ko ng mabitawan ang jar of cookies sa lakas ng boses niya.

"Hala, wala namang masama sa sinabi ko. I'm just asking how's your first night being Manager's wife? Tinatanong ko kamusta ang pagiging Mrs. De Vera. Hala ka!"

Nang makarating ako sa sala ay agad akong umupo. Binaba ko ang jar sa maliit na table. Presko akong sumandal sa couch at pinakinggan ang alburoto ni Nica. At alam ko rin na umiirap na 'to ng ilang beses. "Naku bes, alam ko ang iniisip mo. Aba may atraso pa si Gideon sa amin ni Karl. Alam ko ine-expect ni Karl 'yang best friend niya pero late na dumating."

"At least dumating, 'di ba?" sabi ko.

"Whatever," angal ni Nica.

Ako rin naman nag-expect kay Gideon a. Pero pinalampas ko na lang kasi naiintindihan ko 'yong trabaho niya. Ayoko namang ma-pressure si Gideon. Ayoko siyang bigyan ng pamimilian. Mabuti ng ako unang makaintindi.

"Punta na lang kayo dito sa bahay para makabawi naman kayo," ika ni bes.

My brows creased. Napakagat na lang ako ng labi at nag-iisip ng idadahilan kay bes. "Hala, bes. Pwede bang ako na lang? Hindi yata—"

"You don't want me to come with you, ha, baby?" Nanlaki ang aking mata sa boses na sumulpot. Nabitawan ko pa ang telepono at napatayo akong naiistatwang tinitignan si Gideon. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako na nakasimpleng v-cut shirt lang siya at faded pants. Napapikit pa ako at kinumbinsi ang sarili na baka hindi totoo 'tong nakikita ko ngayon. Ilang beses akong bumuga ng hininga bago idilat ang mata ko nang may naramdamang kamay ang balikat ko. "Bawal na pala akong sumama sa'yo?" aniya.

Pilit akong ngumiti at tumawa. "Akala 'ko kasi aalis ka ulit. Ang aga mo kasing nagising." Nagkibit-balikat ako sa kanya at umiwas ng tingin. Mahirap ng tumitig ng matagal baka may malaglag.

"Well, I changed my mind," anito. Kahit na mula sa gilid ko lang siya ng mata tinitignan nakita ko pa rin ang pag-nguso niya na nagpapikit sa akin ng wala sa oras. "You better change your clothes, you know. Baka naghihintay na sila sa 'tin."

Napalunok ako.

Totoo 'to. Aalis nga kami at pupunta kila manager at bes. Pero...pero parang may nakalimutan ako. Hindi ko na nasagot si Gideon at dali-dali na kinuha ang nahulog na telepono sa couch. Nailayo ko agad ito sa aking tenga dahil sa malakas na boses ni bes. Nakapagsalita lang ako nang kumalma ito.

"Pupunta na kami, bes! Kaming dalawa!" nagagalak kong sabi.

Tinignan ko si Gideon na nakangiting tumitingin sa akin. Lumawak ang aking ngiti nang magtitigan lang kami. Binaba ko na ang tawag kahit hindi pa ako nakakapagpaalam kay bes. Agad akong lumapit kay Gideon at niyakap ito. "Oh my God! Oh my God! Lalabas talaga tayo ngayon. Well, what I mean, pupunta tayo kila bes!" I am clinging on him right now. Para akong bata na hindi bumibitaw sa kanya na ngiting ngiti na nakuha ang gusto. "Thank you!" I added.

Tumawa naman si Gideon sa reaksyon. Muntik na naman akong pumikit sa tawang binigay niya sa akin. "Makabawi man lang ako sa'yo kahapon. This is going to be a long days for us. You ready, baby?"

But what? Days? Hindi isang araw lang?

Nakailang tango ako sa kanya bago ko siya hinalikan sa labi.

**

"Dito ba talaga 'yong daan ng kila bes? Bakit nasa NLEX na tayo? At teka...palabas na tayo ng NLEX? Ano 'to? Bocaue Exit? Wait...Gideon? Hindi naman yata 'to 'yong way nung bahay nila bes at Karl."

Napakunot ako ng noo habang tinititigan siyang nagmamaneho. Kumurba ang labi niya kahit hindi niya ako binibigyan ng tingin. Tumigil ang sasakyan para makapagbayad ng toll gate fee. Nang makabayad ay diretso pa ring nagmamaneho si Gideon at hindi ako binibigyan ng kahit anong sagot.

"Gideon? Bakit nasa Bulacan tayo?" Todo na ang kunot ng aking noo at kilay.

"'Di ba pupunta tayo kila Karl at Nica?" Isang lingon niyang sabi.

"Oo pero...hindi naman sa Bulacan, 'di ba? Sa isang village 'yon na malapit sa tinitirhan nila mom at dad. Pero hindi rito..." sagot ko.

"Ayaw mo ba rito? May bagong bahay sila Karl at Nica rito. And my grandmother's house is here, too. Sa Bocaue," aniya.

I blink many times. Hindi makapaniwala sa sinasabi niya. So...so...

Nanlaki ang aking mata habang tinititigan siya. Huminto ang kotse sa tapat ng isang malaking bahay na malapit sa isang lumang riles. Paawang-awang pa ako ng bibig dahil hindi ko alam kung anong tamang salita ang sasabihin ko ngayon. Nginingitian niya lang ako at tinatawanan sa reaksyon ko.

"We're here for a vacation. Two days? We're gonna spend our two days here. Don't you like it?" sambit niya ng walang pag-aalinlangan na para mong hindi siya abala sa kung anong bagay. At binibigay niya ang dalawang araw para sa amin. "Ayaw mo ba?" Hindi na ako nakapagpigil na yakapin siya kahit mahirap dito sa loob ng kotse at paulanan siya ng halik sa mukha niya.

**

 Gideon can find time. Sabi ko na nga ba. Kung may oras talaga para sa aming dalawa, hahanap siya. Kita ngayon, dalawang araw kami sa Bulacan kahit na wala akong damit nadala. Sana lang may malapit na mall rito sa Bocaue. Alam ko may SM Marilao dito. Doon na lang siguro ako bibili ng damit.

"Tatlo lang kami rito. Si kuya Raz nasa kwarto niya. Ako tapos si grandma. Tapos 'yong kasama namin na tumutulong dito sa bahay nasa Manila," ani Mase at binigyan ako ng juice.

"Salamat. Pero ang laki ng bahay niyo."

 Sa totoo lang mas malaki 'tong bahay ng lola ni Gideon kaysa sa bahay namin. Para ngang pwede magtago-taguan tapos mahihirapan 'yong taya na maghanap. May second floor pa ito. Mukhang bagong gawa dahil amoy na amoy ko pa kaunti ang pintura. Kasalukuyang nasa sala kami. Katabi ni Mase ang lola niya habang katabi ko naman si Gideon na kanina pa pinaglalaruan ang kamay ko. Kapag binibigyan ko siya ng tingin ngumingiti lang siya kaya pinabayaan ko na.

"Azel told me na dalawang araw kayo rito? Bakit dalawang araw lang? Can it be a week?" Una akong tinignan ng grandma niya at napako ito kay Gideon. "Can it be a week, Azel?" she repeated.

Tinignan ko si Gideon na para mong malalim ang iniisip habang nakatingin sa grandma niya. Ngunit kahit ganoon ay pinaglalaruan pa rin ang nakasalikop naming kamay.

"Azel, I'm asking you," ani ng grandma.

Para namang nagulat si Gideon sa pagsasalita ng lola niya dahil napailing ito. Papabuka na sana ang bibig niya nang biglang tumunog ang phone nito. Mabilis niyang kinuha ito sa bulsa at sinagot.

"Andy?" Gideon said over the phone. "What is it?" Kunot noo niyang sabi na para naghihintay ng masamang balita mula kay Andy. "No...not today." He added and stood up. Nawala ang pagkakahawak namin ni Gideon ng kamay. Naglakad siya hanggang sa hindi na namin maririnig ang pinag-uusapan nila ni Andy.

Tinignan ko si Gideon sandali at binaling sa lola niya na nakatingin sa kanya. "O, Azel, give some time for yourself and for your wife," bulong niya na parang wala ako sa kwarto. Umiling ito na nagpalunok sa akin.

O, please, Gideon. This should be a vacation. Please... 

U.N.I. (Book 3 of U.N.I. Trilogy) (SC, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon